Kabanata 18

125K 5.3K 3K
                                    

Maki Says: Temptation Island ito ha. Baka may magulat pa sa mga ganap at profanities. Biglang susulpot na walang warning.

Thea

Palipat-lipat ang tingin ni Thea sa naroon sa lamesa. It was her first dinner in the Island and would've thought na may mga kasama siya na nakikita niya sa Maynila. 

Naroon sila sa Japanese inspired villa kaya nakaupo sila sa sahig (just like Japanese people would do) while eating wagyu steak, tonkatsu, and sushi for dinner. Parang nasa Japan talaga! Meron pang mga small sakura tree sa loob at labas ng villa bilang ornament. It was really wide and beautiful, even the temperature and the scent of the whole villa is patterned to Japan during spring. Ito raw ang pinakabagong addition sa isla na milyon ang halaga to book it for a night.

"So Thea, found anyone interesting?" Kampanteng sumubo ng steak si Lucifer who was sitting at the aisle of the table, nasa gilid nito si Anton at sa kabila naman ay si Samantha, pagkatapos ay si Saint na napapagitnaan nila.

Ngumiti siya, "Yes, like I met my sister here, for the first time."

"May kapatid ka, Thea?" Nakakunot ang noo na tanong ni Saint, she nodded.

"Long story but I found her."

"Sloane." Lucifer nodded, "Cross' hot step-sister." 

"Yes, dahil kay Cross ay naging kyuryoso ako sa isla. Nagpamiyembro ako bigla."

"So si Cross na ba ang makakasama mo buong gabi, Thea?"

"Hindi." Agap na sagot ni Saint. Paladesisyon yarn!

"Why not? Cross is a stockholder and he invited Thea so nararapat lang na--"

"Wala akong pakialam, Lucifer. I'll tour Thea around."

Natawa si Lucifer nang naiiling, "Ikaw? This is your first day here, Brother."

"Hindi kami maliligaw. Marunong naman ako magbasa ng signs, Lucifer."

"Marunong ka? Nabasa mo ba ang sign kung ikaw ang gustong makasama ni Thea ngayong gabi? Sa pagkakaalam ko, kahit label ay hindi mo rin alam basahin... I just noticed that.." Nanunukso ang boses ni Lucifer na parang may inside joke na hindi sila kasali! Hindi niya masakyan.

"I can be your tour guide..." Sam interrupted. "Tour guide of you two. I've been here before..."

"That's so nice of you, Sam. Samahan mo si Anton kung ganon. It is also his first time here." Lucifer winked at Sam then went back to eating casually. Napawi ang ngiti ni Sam at bumalik sa pagkain. 

The dinner went fine except for Thea was so nervous, dumidilim na at tiyak na mas matinding kababalaghan ang magaganap sa isla. Excited siya para sa kanyang kapalaran. Si Saint lang ang kanyang problema. He will corner her for sure and play with her feelings! 

Lume-level up na kasi si Saint. Marunong nang mang-akit, hindi siya dapat na bumigay pero mukhang ilalaglag siya ng kanyang pempem. But who knows, maybe Pempem is the solution to her problems after all!

"Boss, kukunin ko mamaya ang memory card, doon ako sa Security office mag-e-edit ng shots." Anton later on said to Saint while they are having matcha cake for dessert.

"Bakit hindi pa sa Maynila na lang, Anton? We still have time. Magrelax ka naman." Si Sam.

"I'll be in Bangkok after our stint here. I already filed a leave." Tumingin ito kay Saint at ngumisi.

"Sure, I'll get it for you."  Tumayo si Saint sa lamesa, in just a second, Sam followed him. Dahil sa pagsunod niya ng tingin sa dalawa ay hindi niya napansin na malayo pa sa labi niya ang baso na iinuman sana niya. Half glass of water spilled on her chest. 

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now