Huling Kabanata

159K 5.1K 2K
                                    


Saint

"Sino ang naglabas ng article na 'to?" Galit na itinapon ni Saint ang bagong imprenta na magazine. It was a short article but revealing that the cover model Doctor Bombshell is also the owner of GGGW. Parang umulit na naman ang pangyayari. He was by-passed inside his own company. Walang kumibo kahit sino sa mga managers niya. 

"Reinier." Tawag niya sa Editor-In-Chief. Umiwas ito ng tingin at napailing.

"Maganda naman ang pagkakasulat." Imbes na umamin ay iyon ang sinabi ng EIC niya.

"And that gave you the right to bypass me? Anong karapatan mo?" 

"Sir, tinatalo na tayo ng GGGW. Every issue, puro na lang against sa men's magazine ang inilalathala nila. I have to fight back by saying that their owner posed for a men's magazine too. Kaya wala silang karapatan na kalabanin tayo, contradicting ang isinusulat nila laban sa atin."

"They are not our competitor, Reinier. They market for women. We market for men."

"I have invested my whole career here, concern lang ako na hahayaan mong bumagsak ang magazine dahil sa girlfriend mo, Sir. Siguro ay wake up call na rin ito sa iyo."

"Alam mong pwede kitang tanggalin dahil diyan." Kumuyom ang kamao niya.

"Will you, Mr. Monasterio? Aside from the photos, my articles made way for the Big Bad Boys Magazine to the top. Mabuti pa noong narito pa si Samantha. The business decisions are way more precise. Puro ka arts, Mr. Monasterio, walang kita sa arts."

"Maybe you're right." Tumatangong wika niya, "Suzette, process the retrenchment pay for all. Give them the option to apply to any vacancy here at Monasterio Corporate except for those with direct knowledge of the most recent issue. I'll close down the business."

"Sir..." Nagkaroon ng eksaheradong ingay sa conference room pero naglakad na siya papalabas. Ayaw na niyang marinig. This is the end of the line for him.

"Sir, we need a job. Wala akong alam sa December issue." 

"My family's businesses will take care of you, Margie. I have to go." 

Pagkasabi 'non ay kinuha na niya ang cellphone sa bulsa. There's an apology message from Thea. Ilang beses siyang napamura nang nabasa iyon. He hurriedly dialled her number but he couldn't reach her. 

"Damn it, nasaan ka, Thea?"

Nagpapanic siya habang nag-sscroll sa phonebook niya. Naghahanap ng pupwedeng matawagan nang makakita siya ng isang pangalan. Hindi na siya nagdalawang isip na tawagan iyon.

"Yuck, bayaw kita? Baduy." Bungad agad ng nasa kabilang linya. 

"Nasaan ang Ate mo, Sloane?"

"Hanapan ba ako ng nawawalang jowa?!" Galit na sambit nito.

"Sloane, please."

"Ang totoo niyan, hindi ko alam. Fck, Saint. Nawawala ang Ate ko. Ang gago mo kasi! Hayop ka, sana manlambot na lang ang tite mo at ang lahat ng Monasterio. May the blood vessels connected to your penis never work ever again, Amen."

"Sloane.. Wala akong--"

"Wala ka na namang alam. Naku, lagi na lang! Bwiset ka!" Panay ang patutsada sa kanya ni Sloane. He understands if she's hating on him right now. Gusto niyang makausap si Thea.

"--- Tapos ano? My sister will take the hit again kasi mas pinapaboran ng society ang mga gwapo?! Alam mo, sa mga pangit at babae lang naman galit ang mga tao pero sa mga gwapo, ibang-iba ang trato sa inyo. Saka---"

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now