Kabanata 25

97K 4.5K 2.8K
                                    

Maki Says: Patawad na sa naghintay kahapon, napasarap sa kwentuhan ang ferson! 🥲 Kumusta ang weekend natin diyan?

Thea

"Nakakahiya ka!" Pilit na inaalis ni Sloane ang pingot niya sa tainga nito hanggang makarating sila sa elevator. Walang sumabay sa kanilang dalawa dahil hila-hila niya sa tainga ang chismosa niyang kapatid at akala yata ay mayrooong away.

"Child-abuse, Ate! Aray!" Reklamo ng atribida! Binitiwan niya ang tainga nito nang sumara ang pinto ng elevator. 

Tumuwid ng tayo si Sloane at ngumisi sa repleksyon nilang dalawa nakasaradong stainless elevator door.

"Huwag mo akong saktan, parang ginagawa mo na rin sa sarili mo ang pagmamalupit, kamukha kaya kita." Her sister had the audacity to giggle. Napakabaliw talaga!

Saint isn't supposed to know that she saw them weeks ago. Ano siya, stalker?! Nagkataon lang naman talaga!

"Pakielamera ka kasi! Sarili ko nga sinasapok ko kapag nagkakamali, ikaw pa?"

"Ha! I just voiced out your thoughts. 'O e di nalaman natin. 'Yes, Katie is my daughter.'" Ginaya pa ni Sloane ang boses ni Saint nang ibigay ang kumpirmasyon. "Tatanungin ko na sana kung sino ang nanay pero hinila mo naman ako!"

"Does it matter, Sloane? Kapag may anak, 'e di may anak!"

"Tanggap mo?"

"Bakit ko tatanggapin? Hindi ko naman kaano-ano si Saint? May nanay 'yung bata and I can't be a mother to anyone at this state! Ikaw nga lang ay pabigat at alagain na, ilang araw pa lang kitang nakilala!"

"Mukha ngang hindi ka mother figure, nananakit ka, Ate."

Umirap siya kay Sloane. Hindi na rin siya nabigla dahil inaasahan niya na rin naman na anak nga ni Saint si Katie and knowing who the mother is won't change the fact that indeed he is already a father and co-sharing the responsibility to a mother which could be Samantha or anyone!

"Bakit kaya Thekia Saitee. Te-ka-yah Say-tih. Nakapacute. Ano kayang pangalan ng nanay, ano? May mas mabaho pa ba sa pangalan mo, Ate? Tilapia kaya ang pangalan ng najugjug ni Saint?" Humagalpak na naman si Sloane na parang nakakatuwang bagay ang nalaman.

Bumukas ang elevator at panay pa rin ang daldal ni Sloane, natigil lang sila nang nakita doon sa harap ng elevator si Tash na agad na nagliwanag ang mukha nang makita sila. Mukhang papaakyat naman ito sa building kasama ang mga anak nito.

"Hey! Anong ginagawa niyo rito? Naputulan na ba ng kaligayahan si Saint?" Napayuko ang mga kasunod nitong yaya na buhat si Leandra at Teigan dahil pinipigilan na matawa sa sinabi ng amo. 

Sa bisig ni Tash ay ang bunso nitong si Tayler. May nakapatong na lampin sa balikat ni Tash even she's wearing an expensive ivory Coco Chanel knitted dress. Motherhood suits her really well. Classy but very motherly, effortless pa talaga ang ganda ng isang ito.

"Oh, it is my first time to see you mucho boy.." Nanlalaki ang mga mata ni Sloane na agad na napatawa si Tayler. Kinurot ni Sloane ang malusog na binti ng baby na muling humalakhak nang maramdamang hinawakan siya.

"Auntie Thea!" Sabay pa si Lean at Teigan na tinawag siya. She smiled and playfully pinched their cheeks.

"Hello, cutie pies! What are you doing here?"

"We gonna play with Daddy Taint!" They excitedly squealed.

"Oo, magchecheck-in kasi kami ni Lucas.." Bulong ni Tash sa kanya, agad siyang pinamulahan ng mukha.

"Luh, ang bastos mo!" She complained. "Tanghaling tapat magche-check in! Tumatakas ba kayo sa mga magulang?"

"May ika-quality check lang kaming proyekto nila! Titingnan namin kung hindi mababasag ang salamin kung makakapitan at itutulak tulak."

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now