Kabanata 5

104K 5.1K 2.6K
                                    


Thea

"Dashing." Nakangisi si Rio habang nakasimangot siyang umuupo sa harapan nito. Nasa La Picara sila sa BGC, isa iyong Spanish Restaurant. She's wearing a gray sweat pants and sweat shirt. While Rio on the other hand is wearing a jean outfit and white dress shirt.

He's tall, a typical bad boy type na tila bida sa Mexican telenovela, pangahan, at madilim ang mga mata. Hindi ito ang tipo niya! Mas lalo lamang siyang nainis dahil panay ang ngisi nito sa kanya. Nakakadiri, ang sarap sakalin. Kapag natapos na ang pakay niya ay titiyakin niyang mag-iingat na siya! As if there will be next time.

She's leaving in two weeks...

Tumaas ang kilay niya kay Rio, "Subukan mong gumawa ng kasumpa-sumpa, Rio, titiyakin kong malapit ka nang mamaalam sa ilusyon mong career!" Nagtaas ng dalawang kamay si Rio at natawa.

"Chill,  I may be sexually attracted to you pero marunong naman akong magpaalam." He chuckled and traced his finger on his jaw.

Unti-unti nang napupuno ang restaurant at karamihan ay napapatingin sa kanilang direksyon dahil kay Rio. Nakakasuka na sikat ito pero maitim naman ang budhi.

"Hindi maganda ang araw ko ngayon. Umorder ka na." Utos niya.

"I already did, Miss Ysmael. I don't want to waste much of your time eating if I can—"

Itinapat niya ang steak knife sa leeg ni Rio, he laughed nervously. "That's not necessary."

"Masama ang bibig ko, Rio, kaya iniisip mo pa lang lumabas sa bibig mo ang kabastusan, naiisip ko na iyan."

"So totoo ngang mahirap kang i-date?" Kaswal na hinawi ni Rio ang steak knife papalayo. "Without the scandal thing, I will not be able to date you, then?"

"Buburahin mo iyan pagkatapos ng gabing ito." Sabi niya na siguradong-sigurado.

"Paano kung ayoko?" Ngumisi ito na parang nakikipaglaro siya. Umismid siya at nabo-bore na, gusto niya nang umuwi para mapag-isa.

"Hindi mo ako pwedeng paglaruan, Rio." Ngumiti siya at itinulak ang maliit na cellphone sa harapan ni Rio.

"Hi, Thea."

"Rio, kakabastos lang sakin at kakafieldtrip ko lang sa Dean's office, ikalma mo yang itlog mo at baka hindi ko iyan matantya."

"I like you."

"Well, I don't!"

"Paisa naman 'oh. Matagal na akong libog na libog sa iyo."

"Paisa naman 'oh. Matagal na akong libog na libog sa iyo. I almost memorized that line when I was editing this video. Okay na ba sa iyo? Guwapo ka ba rito kapag inupload ko mamaya? Tingin mo ay magkakagulo sila?"

"Thea.." Napalunok si Rio.

"Gusto kong kumain." Hinila niya ang necklace niya mula sa loob ng sweatshirt, it is a body cam. Sinusuot niya iyon simula nang naeskandalo siya ng Team Captain ng basketball team. Ang mga hayop talaga, akala maiisahan siya!

Tinawag ni Rio ang waiter at sinerve nga ang mga inorder nito. Nakatingin lang sa kanya ang lalaki nang napapailing.

"Why? You think nagbibiro ako na magsusuot ako ng camera sa katawan? Wala akong pakialam kung sirain mo ang imahe ko. Sirain ko pa iyang mukha mo 'e."

Rio rolled his eyes at her.

"How cute..." Napatingin siya sa nagsalita. "Totoo nga ang sinasabi nitong si Rio na makaka-date ka niya, Thea."

Temptation Island: Broken TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon