Kabanata 3

134K 4.7K 2.1K
                                    

💦🍆🍑💦

Saint


Galawgaw si Thea kaya alam niya kung bakit madalas ito sa mga sitwasyong napagbibintangan ito. Bakit kasi laging perfect timing ito tuwing makikita niya sa nakakakulo ng dugo na sitwasyon? Nainis tuloy siya.

"Hindi ko naman type 'yon! Saka taga- kabilang school! Oo at guwapo pero hello? Tunog demonyo! Kaya sa'yo ako 'e! Santo na, malibog pa!" She nervously faked a laugh while driving on the busy roads of Buendia approaching BGC. Tahimik lang siya at nakatingin sa bintana.

"Saint, hindi ako judgemental na tao pero parang hindi talaga malaki ang betlog ni Lucifer. Hindi ko type! Gusto ko talaga yung umaaray ako 'e! Ha-ha!"

He scoffed and shook his head. Lucifer, his half-brother. Baliktad na baliktad ang sitwasyon nilang dalawa. Kahit sa kilos at pananamit. Hindi niya naman kinaiinggitan pero sana ay kahit disenteng pamumuhay lang nabigyan sila ni Levi ng katiting na ginhawa. He will not ask for more than that. Alam niyang kahit ang kanyang kapatid ay hindi rin mangangarap pa ng mana. 

Ang hirap lang kasi talaga maging mahirap.

He cannot remember any moment spent with Levi dahil ang alam nito ay si Cairo lang ang anak nito kay Jane, isa siyang aksidente bago naputol ang ugnayan ng dalawa. Nakilala lang niya si Levi sa lasing na pagmumura ni Jane dito at sa mga litrato sa diyaryo at internet. 

Tumunog ang lumang iphone niya at sinagot iyon kaya natigil sa pagpapaliwanag si Thea.

"Kuya..." He whispered. 

"Saint, uuwi ka ba mamaya? Mag-iiwan ako ng pera sa drawer mo. Huwag mong ibigay kay Mama ha? Isang libo iyon. Yon muna. Sa katapusan, apat na libo na, may masisingil ako."

"Hindi ako uuwi, Kuya pero huwag mo na rin akong iwanan ng pera. May naitatabi pa naman ako." Tanggi niya. Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng kapatid sa kabilang linya.

"Ako ang Kuya mo, Saint. Sagot kita."

"Alam ko, Kuya."

"Huwag kang hihingi kay Thea."

"Hindi naman, Kuya."

"Huwag kang gagaya sa akin." Dugtong nito. Napapikit siya at napahilot ng sentido.

"Kuya baka mahuli kayo ng teacher mo.. Eskandalo 'yan." Kinakabahan siya para sa kapatid. He's been offering his sexual services in exchange of money. Kaya nga hindi na siya tumanggap ng kahit ano mula kay Thea dahil ayaw niyang magmukhang ganoon.

"She's a part-time college instructor, Saint, at saka pera rin ito. Nag-eenjoy pa ako. Sige na. Galingan mo mag-aral, ha? Basta iiwan ko ang pera rito para mailabas mo naman si Thea."

Kaka-leave of absence ni Cairo sa college ay mauunahan niya pa itong magtapos kaya pakiramdam niya ay nasa walang katapusang karera siya. Kailangan niya na talagang umasenso kahit walang tulong ni Levi para makatulong kay Cairo.

"Saint.. Sorry na."

"Kinuha mo ang numero niya, Thea. Bakit pa?" Tukoy niya kay Lucifer. Naiinis siya talaga, lahat na lang meron ang Lucifer na iyon, pati pa yata ang nag-iisang kaibigan niya ay kukunin pa.

"Eto naman! Isasauli ko ang jacket! Hindi ko naman ito magagamit sa CSB!" Inamoy ni Thea ang jacket, "Ang bango ha! Pero mas mabango ka pa rin talaga Betlog. Paamoy nga mamaya." She kidded.

"Ako na ang magsasauli niyan."

"Ha? Bakit ikaw? Ako naman ang nanghiram?" Sinilip siya ni Thea nang magpula ang kulay ng traffic light, napansin nito ang matigas niyang anyo, "Sabi ko nga ikaw na ang magsasauli. Ibibigay ko sa iyo mamaya ang number niya."

Temptation Island: Broken TiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz