Kabanata 31

127K 5K 2.8K
                                    

Maki Say's: Pasensya na.... (pasok Moira. Char) Namiss ko kayo!

🍑💦🍆

--

'Ganyan ba ang gusto mo? Iyong walang pang-itaas kapag ipinagluluto ka?' Bulong ni Thea sa sarili. This is also her first time seeing Monasterio Palace in the morning. Parang hinati sa dalawa ang palasyo, ang isang bahagi ay kung saan kadalasang ginagawa ang party, at ang kalahati naman ay resthouse ng magkakapatid na Monasterio.

"So.. Ilang babae na ba ang dinala mo rito? Mukhang magandang maghabulan dito. Malapad ang lamesa..." Hinaplos niya pa ang malapad na mahogany table sa kanyang harapan. Expensive. Parang iyong mga Monasterio.

"Ikaw pa lang." Abala si Saint sa paghahalo ng inilulutong kaldereta. Nabigyan na rin siya kanina ng sandwich at juice para kumalma siya sa pag-iinarte. Damn it, alam na alam ni Saint kung paano pakalmahin ang mga babaeng nagiging dragon kapag gutom.

"Ako pa lang.." She voiced out her doubt.

Nilingon siya ni Saint at naglakad papalapit sa kanya, ipinahinga ang dalawang siko sa lamesa at sinalubong ang titig niya. "Nagseselos ka ba sa mga babaeng lumalapit?" Diretsahang tanong sa kanya nito. Ano, wala nang preno ang ferson dahil nasa isla na?

Lumikot ang mga mata niya at umirap, "Hindi ah!"

"Ah, nagseselos.." May panunukso muli kay Saint.

"Hoy!" Tinapik niya ito, bingi yata ito! Iba ang sinabi niya!

"Thea, gusto mo bang dumaan tayo sa ligawan? Pagtatiyagaan ko."

"Wala akong sinasabing ganyan."

"Oh? Gusto mo pala. Sige. Masugid naman akong manligaw." Sagot muli nito na iba sa kanyang sinabi.

"Ikaw Saint, ha! Ano bang nangyayari sa iyo? Kanina lang galit ka ah! Anong ligaw?"

"Galit nga, pero anong magagawa ko kung natutunaw agad ang galit ko? Ganon yata talaga kapag first love mo ang gumalit sa iyo. Magiging marupok ka."

Nag-init ang pisngi niya. Talagang ayaw tumigil sa panlalandi!

"Hindi ako naniniwala sa first love, Saint. You liked Samantha."

"You want me to like Samantha. I should have deciphered it earlier. Kabaliktaran ang lahat ng sinasabi mo, Thea. Observe yourself sometimes, it is fun." May nakakalokong ngisi si Saint na ikinairita niya. 

"I am a psychologist, I don't need that and I should be the one to know myself." Mayabang pa siyang umirap kahit ang totoo, kilala niya talaga ang sariling hindi nagsasabi ng totoo sa takot na makapanakit o masaktan.

"I really like you, then, Thea. Kung mayaman lang ako noon, niligawan kita agad." Hinaplos ni Saint ang kanyang pisngi. Pinalis niya ang kamay nito.

"Anong tingin mo sa akin? Matapobre?!"

"Tingin ko sa iyo? That you deserve the world, Thea. Ayokong magtiis ka sa hirap kasama ako. But I can give you the world now. Even if I am not Don Levi's son, I will still make it because you inspired me. You are my only goal back then." Saint lowered his gaze to her hands and touched her ring finger, kinilabutan siya sa gesture na iyon!

Binawi niya ang kamay at itinago. She doesn't want to marry. Iba ang pananaw niya sa kasal. Kasal ang isang bagay na ipinagsisigawan sa buong mundo pero kapag hiwalayan na ay itinatago na parang madilm na sikreto. Most of the times, babae ang lugi. Diborsiyada, hindi mabuti ang pagkakatali sa asawa, mag-isang magtataguyod ng anak na para bang masama iyon, at kapag naghanap ng ikalawang pagkakataon, desperada naman na ang tawag. 

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now