Kabanata 20

119K 4.4K 1.9K
                                    

Thea 

"Ay walanghiya, si Xerxes yan 'ah! Ang landi talaga ng isang yan! Bakit hindi pa mag-asawa yang damuho na 'yan!" Pinukpok pa ni Tash ang CCTV screen sa security office ng Temptation Island na para bang masasaktan nito si Xerxes Monasterio, ang isa sa mga kapatid nito na unang pumasok sa banyo kung saan niya natagpuan si Saint kagabi.

"Oh.. Si Lucifer? Bwisit! Kausap lang natin 'yan ah! Paano nangyari yon? Nakapambabae agad!" 

Halos pingutin ni Tash ang monitor ng pinapanooran nilang kaganapan sa Monasterio Palace noong nakaraang gabi. Si Lucifer kasi ay naglalakad sa corridor habang nakikipagmakeout na meron pang hawak ng bote ng beer sa kamay. Kung paano niya iniwanan sa cocktail table kagabi. He just vanished in the camera vision.

"Ate..." Kinalma ni Saint si Tash. Panay naman ang hagikgik ni Sloane na katabi siya. Sinuway niya ito kaya tumigil sa pagtawa.

'What?' Sloane mouthed, 'They are so funny!' dagdag pa nito.

"Oh, si Cross? Si Cross ito, Sloane! Bakit may kasama? Aba, extended ang sakit ng ulo ko ah! Pati mga pinsan ko tinutudyo ang peace of mind ko! Gusto pa ata akong mabaliw."

Tumuwid ng upo si Sloane at nanliit ang mata, pero bigla itong ngumisi. "That's his fiancee."

"Oh.. He's set to get married?" Tash asked, surprised.

Nagkibit-balikat si Sloane, "Aren't they all? Kaya nga akala mo ticking bomb na may hinahabol kung makipaglaro.."

She looked at Sloane with furrowed brows, "So he's playing on you?"

"Ano ka ba, Ate?! Of course! Sinabi ko na nga sa iyo kahapon!"

"We need to talk pagkabalik natin sa siyudad, Sloane." Pagsasabihan niya! It is wrong to be the other woman. Regardless. 

"Nakakatakot naman 'yan, Ate! Sabi mo nga kahapon, nasa isla tayo!" Umakto pang kinakabahan si Sloane.

"Yes, but you can't be cheating, or a part of it." Bulong niya. Ayaw niya namang pagsabihan sa harap ni Tash at Saint ang kanyang kapatid. Dapat sa harap ng marami, kakampihan ang kapatid pero kapag wala ng tao ay saka hahagupitin at kukurutin sa singit!

"Hindi nga, Ate. I just learned he's getting married last night so... Technically, ligtas ako sa impyerno, right?" Ngumuso si Sloane.

"Sloane.."

"I'm okay. I'll never marry a Monasterio, Ate." Bulong nito sa kanya at pinisil ang kanyang palad.

"Ay, eto na si Saint..." Hindi naririnig ni Tash ang bulungan nilang magkapatid. Napatutok din ang mata niya sa monitor.

Inilantad ng camera si Saint na lumapit sa may restroom. Pinanood niya kung paano hinubad ni Saint ang puting shirt nito bago pa man pumasok sa banyo. His muscle flexed and she swallowed hard just by watching him. Tengene, ang hot panoorin mag-alis ng t-shirt! Walang malay nitong itinulak ang common restroom at ilang sandali lang ay pumasok si Samantha. 

"Oy! Bakit nakabold ang pumasok? Saint ha! Huwag mo akong ipapahiya kay Doc Thea!"

"Wala naman talaga, Ate... Kaya nga tayo nandito. Lumabas ako agad kasi si X andon. I don't want to watch it..." Sagot ni Saint. He had to bring Tash at the security office because of her power to release secured tapes. Hindi ito basta-basta naaaccess kahit pa ito mismo na isa ring Monasterio.

Lumabas din agad si Saint at nakita na siya agad sa camera.

"Pakibalik nga.. I want to check the timestamp." Tinaasan niya ng kilay si Saint, nagkibit-balikat ito. Mukhang confident na wala siyang mahahanap na butas.

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now