Kabanata 7

112K 4.7K 3.7K
                                    


Thea

Hindi niya alam kung anong klaseng lakas ng loob ang hinugot niya nang makita muli si Saint. How she stopped herself from jumping their distance to hug him and say how much she thought of him. Never a day that he did not cross her mind. It was just that she stopped herself from reaching out.

Ang cold ng ferson.

Almost 10 years na nang huli silang magkita, napakabata niya pa 'non pero parang kahapon lang at galit pa ito.

Hindi naman niya pinagsisisihan dahil nakasama at nakilala niya pa si Sandro sa huling mga sandali nito. Dahil wala siyang ina na kinagisnan, never naman naging masayang tahanan ang kanilang bahay. Sandro is always working while she stays at school, then condo a while after. Mas marami pa nga siguro silang naging encounter ni Saint kung susukatin. 

But the last few years of her Dad were the best for both of them, so when he took his last breath, they were smiling in tears while watching the sunrise in a peaceful valley in California.

Ano, magsosorry ka pa ba sa nagawa mo noon, Thea? 'E mukhang masaya at pakboy na iyang si Betlog! Ayaw na ng kontrabando sa pagitan ng hita mo. Dati rati ay doon ito nag-aadik.

Bagay na bagay din ito kay Samantha na mas lalong tumingkad ang ganda. 

Saint just grew more prominent. Mas lalong nadefine ang muscles nito at mas lalong gumuwapo! Maybe the snobbish glare he has now and his jaw that clenches once in a while became more pronounced. Bakas sa pigura ang karangyaan. He did well, and she's happy. His Patek Platinum watch says it all. He's wealthy. Wealthier than her now. 

"Thei! Nariyan ka lang pala! Kain na tayo! I am hungry, sobrang toxic kasi kanina 'no? Daming sinugod sa ER, nag-assist na rin ako tuloy. Hey buchi buchi boo!" Napatingin siya sa tumawag sa kanya na lumuhod sa kanyang harapan para paglaruan ang pussy, este, puppy niya! Si Doctor Karev DeLuca.

"Doctor DeLuca." She faked a smile. Magkasama na sila mula sa ospital dahil coding ang sasakyan niya. Nagpaalam lang ito para bumili ng kung ano sa may grocery pero hindi na sila sumama pa ni Tucker dahil nagnenenok ng karne ang alaga niya, walang manners!

"Tngina, anong Doctor DeLuca? Wala tayo sa ospital, Thei. Ano bang sinasabi mo riyan? Pwede namang Baby na lang." Tinaasan niya ito ng kilay para maki-ride na lang dahil alam niyang nakikinig si Samantha at Saint.

"Wait, ospital? So you are a Doctor, Thea? Nagtuloy ka sa Med?" Gulat na gulat si Samantha. "Like, wow! Nakakagulat naman! Which field?"

"Ito?" Tinuro siya ni Karev na natatawa pa ang hayop, "Se---"

Sa pagkakataong iyon ay inapakan niya na si Karev! Ano ba ito? Ito mismo ang nagbawal sa kanyang isiwalat ang sa public na sex doctor siya. She's a Psychotherapist, too, you know! Sa clinic ay hindi naman sakit sa betlog at pempem ang inaayos niya, although, pwede rin.

"Serdyon. I mean, Surgeon. The best one. Magaling humiwa ng pagkatao 'to. Sobra." Inakbayan siya ni Karev. "By the way, I am Doc Karev DeLuca. Hey..." Sumilip ito sa lamesa at parang may nakilala. 

"Hey, Man!" Iniabot nito ang kamao kay Saint para sa fist bump pero tinaasan lang iyon ng kilay ni Saint at tipid na tumango. He pulled out something from his pocket, and she noticed it was a cigarette pack. 

Swabe nitong pinalabas ang isang stick, inalok si Karev na umiling, at sinindihan iyon. 

So he smokes now. 'E di wow.

Hindi naman siya judgemental sa mga naninigarilyo pero hindi ito ang Saint na nakilala niya. She also developed a little bit of anxiety when it comes to smoking dahil nagka-lung cancer ang Daddy niya kahit walang bisyo bukod sa trabaho.

Temptation Island: Broken TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon