Kabanata 9

112K 5.3K 3.3K
                                    


Thea

"Hi, Baby.."

Tengeneeeeee!!! Malamig at malalim ang boses nito. It did sound familiar pero hindi niya mawari dahil ganon din ang boses ni Lucifer kanina, even Karev and Fox would sound like this low vibrato, fckingly handsome voice!

Mapapapayag na yata siya sa kalokohang ito! Pakiramdam niya ay yong unang beses na nagkaroon siya ng chatmate when she was is highschool and was allowed to have a cellphone. Kilig na kilig siya sa bawat text ng pambobola sa kanya dati, parang ngayon.

Laban na laban ang landi niya kasi online naman at napakaganda pa pala ng boses ni Big Bad Boy. Kaya lang kapag prank talaga ito, magdedemanda siya sa pambabasa ng panty niya at hindi pananagutan!

"Gago, baka si Fox ka at pinaprank mo ako! Umamin ka na!" Hindi niya napigilan ang sarili! Magaling kasi magpakalalaki ang isang iyon!

"I am jealous, Baby. Why do you mention another name when we are having our quality time?"

Quality timeeee?! Nagsimula na itong akitin siya at mukhang kaunti na lang ay bibigay na ang kapit sa kanya ng kalandian at kusa itong mahuhulog sa kandungan ng kanyang kabardagulan online two days ago!

Trabaho ito, Thea! You are recording for your podcast! Internet relationship is a good topic anyway. Paano nga ba magchukchakan ang mga napapabilang sa ganitong relasyon?

Tumikhim siya. "Sumeryoso ka nga!" Suway niya nang pumormal, "So what should I call you?"

"Ummm.. Yours?" He answered smoothly.

Uminit ang kanyang pakiramdam. Pusang gala ito, balak ata putukin ang obaryo niya sa malalim na boses. Sumilip siya sa pinto at baka biglang pumasok si Fox at nakahubad na siya mamaya! 

"Hmmm.. Aren't you gonna open your cam?" Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtext kay Fox. 

Thea: Huwag ka munang umuwi! May tinatrabaho lang ako!

"That thirsty, Baby? Don't you want something mysterious but sweet kind of internet relationship?"

Opo.... Ay, mali! Hindi pala dapat oo agad. Magpapilit kang gaga ka!

"Oh, not so fast Big Bad Boy, hindi pa ako pumapayag. We will debate about it in a little bit."

She heard Big Bad Boy chuckled.

"So which side are you on?" He asked deeply.

"I am not convinced to be in an internet relationship. Kulang ang sarap 'non." Pagsasabi niya ng totoo.

"So I have to convince you to jump to this boat with me? Hm, that's fair. Okay, you can call me Big Bad Boy while we run the show. I'll call you Doctor Bombshell, although forgive me in advance if I will call you Baby, that will be a slip of the tongue, Love."

Hanep! Baby Love pala siya! Nakakabasa talaga ng panty! It's been awhile sa pempem niya ha, ngayon lang muling naglaway. She rolled her eyes and kept her legs closed. Kinausap niya pa ang kanyang pempem sa isip..

Huwag ka masyadong magdikta, kaya ka andyan sa baba para hindi ka manguna, wag kang eeksena pempem!

Nagsimula siyang magbrief kay Big Bad Boy ng gagawin. It will be a thirty-minute to an hour discussion. Hindi niya nga alam kung na-gets ba nito dahil panay ungol lang nito. Uhm and yeah lang ang sagot. 

"So if there's anything that you don't want to discuss, tell me about it kasi I can make edits naman.." Sambit niya.

"Uhm hmmm..."

"And if I am talking over you, give me a heads up."

"Uhmm, hmm.."

Ano ba yan! Wala man lang ibang masabi!

Temptation Island: Broken TiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang