Kabanata 10

118K 4.9K 2.9K
                                    

Thea

"Uy Gague! Bakit nawala? Paano i-undo?!" Nagpanic si Thea kaya tinakbo siya ni Fox at Tucker sa kinatatayuan niya. Akala kung anong nangyari sa kanya.

"Ano ba 'yon?" Nagtatakang tanong ni Fox.

"Yung internet boyfriend ko nagsend ng tite! Nawala!" Reklamo niya. Hindi pa siya nakakabawi sa paninitig biglang nawala! Ipagmamalaki pa naman niya kay Fox.

"Malaki?" Kumindat-kindat si Fox.

Napalunok siya at gumuhit muli sa kanya ang imahe.

"Sobrang laki..." Kaya mo ba yorn, Thea?! Galit na galit, gustong manakit!

"Kuu!" Ngumuwi si Fox, "Hindi ako naniniwala. Tambay ng Alter yan sa Twitter at nangunguha ng tite ng iba! O kaya screenshot sa porn."

"Grabe ka naman. Hihingi ako ng isang picture, papasulat ko na lang ang pangalan ko don sa ulo..."

Biglang napahagalpak si Fox, "Ano kayang itsura ng titeng may pangalan mong gaga ka!"

Pati siya ay sumabog na ang tawa. Naiimagine kasi ng maharot niyang isip.

"Goodnight, Fox and Tucker! Bebe time muna." Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kuwarto at nagsimulang magtipa ng mensahe. Nagpapanggap na hindi siya nawindang. Baby Love ang kanyang Telegram name at Bhie naman ang kay Big Bad Boy.

Baby Love: Parang hindi ko naman kaya ang ganyan...

Pabebe niya pa dahil ang totoo... Well, kakayanin...

Inabot tuloy siya ng madaling araw kakaharot! Buhay na buhay ang dugo niya kahit puro kalokohan lang naman ang pinag-uusapan nila ni Big Bad Boy. Puro general conversations lang like bansang napuntahan, pagkain na natikman, o kaya morning routine sa umaga.

Gusto niya ngang tanungin kung anong posisyon nito sa magazine pero iniwasan niya na ang personal questions, after all, he should be a Marketing person or something...

"Hi Baby.." Nakangisi si Karev nang madatnan siyang pumapasok sa kanyang clinic. Tumaas ang kanyang kilay.

"Don't call me Baby anymore, Doc DeLuca. I am in a relationship now."

Napanganga si Karev sa sinabi niya kaya maarte siyang natawa. "I know right? Hindi na lulumutin ang kenemez ko, Doc!" Kahit naman dildo 'e mapapasok na rin muli. Maisanitize nga ang kanyang mga koleksyon mamayang gabi kahit na regular niyang nililinis iyon.

"Paano nangyari 'yon? Are you even dating, Baby?"

"Doc Ysmael." Pagtatama niya rito. "To answer your question, I am not dating, pero nakatagpo ko na ang ng nakakapagpaligaya sa akin."

"Who's the lucky guy?" Sumandal si Karev sa may door jamb ng kanyang pribadong clinic at humalukipkip na parang sinusukat pa siya ng tingin.

"Si Bhie ko! Yieeeee!" Siya na lang ang kinilig para sa kanyang sarili. Napailing si Karev.

"Puro ka talaga kalokohan. I am here to remind you about the Doctor's night this Friday. Hindi naman toxic ang mga cases ngayon saka nagdecline naman ang mga senior doctors kaya may magduduty pa rin." Ipinadausdos ni Karev sa kanyang lamesa ang itim na invitation na may gintong limbag ng kanyang pangalan. She smiled.

"Ano bang raffle dito, Doctor DeLuca? Siguro naman being tagged as the Most Prestigious Hospital in Asia, may pa-kotse rito. Ang luma na kasi ng kotse ko.." She frowned and thought about her Toyota Altis.

"Sagutin mo ako, papalitan natin ang kotse mo ng Corvette mamaya." Tinaasan siya nito ng kilay, walang kangiti-ngiti. Minsan hindi niya talaga malaman kung tipo ba siya ni Karev o tipong pagtripan! Hindi niya na talaga alam!

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now