Huling Kabanata (3)

96.3K 3.6K 1.2K
                                    

Maki Says: Last na nga kaya to? Haha

---

Hikab ng hikab si Thea kahit na nagsisimula pa lang ang gabi. Walanghiya, tumatanda na ata talaga siya. Baka kapag pumasok siya sa loob ng Monasterio Palace e matulog lang muli siya sa sofa.

Kaya lang ay naengganyo siya sa naamoy na pagkain. Sure, she ate two more dragon fruit but she's still hungry! Parang habang lumilipas ang araw ay mas lalo siyang nagugutom palagi.

"Wild, lahat ng Monasterio ay nakatopless because they will be up for bidding tonight!" May pumasok na mga babae sa palasyo na mukhang galing na sa loob kanina. Kilig na kilig ito pati na ang kausap.

Lahat ng Monasterio ay walang pang-itaas na damit? Anak ng tinapa, nakatopless ang mga mokong? 

"Ngayon lang muli nangyari ang bidding! I am so excited! Bidding all my diamonds for Saint Monasterio."

"Ako kay Atticus! Or one of the cousins!"

Ang bidding ay ginaganap sa Temptation Island tuwing may espesyal na okasyon. So what's the occassion since puro Monasterio ang at stake?

Whoever bids the highest ay maiuuwi ang Monasterio, giving them all access to that person inside the Island of Sin. And the money? It will go to charity. Fck for a cause, in short. 

Hindi siya tuluyang pumasok sa loob ng palasyo, nakasilip lamang siya. Hinahanap ng mata ang ex-boyfriend niya, baka sipunin 'e.

Tumaas ang kilay niya nang makumpirmang wala nga itong pang-itaas at may kinakausap na grupo ng mga babae at lalaki. Kaswal na kaswal dito na walang suot na t-shirt at low-waist jeans lang tanging saplot. 

Nakita niyang ganon din ang suot ng iba pang mga Monasterio. Uniform yarn? 

Mukha ngang espesyal ang gabi dahil mayroong naka-set up na mini stage instead na wild rave party. Bukod sa ngayon ang official launch ng villa ay may ka-tie up silang charity na pinangungunahan ng nilalandi ng isa sa mga Monasterio. 

However, anong kinalaman doon ni Saint? Bakit siya kasama sa bidding? Wala siyang pangdonate sa charity kaya katawan na lang niya? 

Napakunot ang noo ni Thea. Kung merong bidding, magkano naman ang ipangbibid niya?

"Three-million for Lucifer Monasterio."

Muntik na siyang mabilaukan sa tatlong milyong bid kay Lucifer. Nang magsimula na ang bidding ay nanatili siya sa tabi ng buffet table at kumukuha ng pagkain. 

"Three-million? Dalawa tite niyan? Yung buntot pwede ring pangromansa?" Pambabash niya pa. 

"Five-million." May isang kilalang artista ang naglapag ng bid. Mas lalong lumaki ang kagat niya sa kinakaing roast beef. 

"Mga baliw ba kayo?" Naisantinig niya pero ang lahat ay abalang-abala sa bidding. Napaisip siya kung magkano ba ang laman ng passboook niya. 

"Ten-million." 

"Luh! Hindi ba libre lang yan si Lucifer sa lahat ng nakapalda?" Napakamot siya ng ulo. Napalingon siya sa pakanta-kantang kumukuha rin ng pagkain sa buffet table. Napataas siya ng kilay nang makita si Karev. Ang mestisong doktor ay naka-topless din at jeans.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ganyan suot mo?"

"Masama?" Pabalang na sagot nito.

"Bakit nakikitwinning ka sa magkakapatid na Monasterio? Parte ka ba ng pamilya?"

Napakunot ang noo ni Karev at napatingin sa stage. "Ah. I participated."

"You did? Ipapa-bid ka ngayong gabi?"

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 12, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Temptation Island: Broken TiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang