Huling Kabanata (2)

73.2K 2.9K 1.1K
                                    

Maki Says: Syempre nakalimutan mo na yung story! Hahah Hindi ka nag-iisa. Life update, feeling ko unti-unti na akong nakakabangon mula sa mental breakdown ko. If you are not following my socials, I suffered from three deaths in the family, plus one death of a close friend (ninang ng anak ko), and as I said, Tina (Blue Maiden), whom I traveled with to Taiwan this year got diagnosed with Stage 4 cancer (let's all pray for her). Writing is always my escape (not has been). It is my escape. But sometimes it is difficult to write because even the slightest thoughts could open my dark thoughts, so during my hiatus, naging bubu ako. Pwera joke! Nagbawas ako ng iniisip, I quit my high-paying job, I quit being a content creator.  Tinigilan ko mag-isip. Ipinahinga ang isip, bumuhos ang emosyon na hinayaan ko lang hanggang maubos na.. 

So ikaw, kumusta ka? Anong pinagdaanan mo habang hindi tayo magkasama? Sana humihinga ka pa, at higit sa lahat, tumatawa :)
---

Thea

"Babyloves naman, kapag nachismis tayo.." Bumubulong-bulong si Karev sa tabi ni Thea. Nagsisiksikan sila sa maliit na couch ng OB-Gyne na kaibigan nito.

"Ikaw ang soon-to-be father, Doc DeLuca?" Tumaas ang kilay ng batang doktora na si Dra. Sia.

"Eto? Soon-to-be-father? Isinama ko lang siya rito. Saka hindi naman ako buntis, Doc. Ipapacheck ko lang yung matres ko kung inaagiw na. Baka mauna pa ngang mabuntis ang kamay nitong si Karev kaysa sa akin." Buong pagmamalaking sabad niya. Malakas siyang siniko ni Karev. Muntik na siyang tumalsik kaya gumanti siya!

"Aww. I did not sign up for this!" Reklamo ng kaibigan niya habang hinihilot ang maskuladong braso na sinapak niya.

"Lunch break naman natin, ah!" Umirap siya sa kaibigan.

That's right, it is her first day back at DeLuca's family-owned hospital. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa nang ihatid siya ni Saint sa ospital bago siya magsimula ng clinic hours. She immediately went to see a doctor, an OB-Gyn to be exact. 

She's not yet decided to have a baby. Kaya naman hindi niya pa sinasabi kay Saint. She want to know her options first. Ayaw niya namang magaya sa Nanay niya na delikado para sa kanya ang pagbubuntis pero itutuloy pa. She's scared that she will end up making choices like her mother. 

At ano? Kapag patay na siya ay maghahappy-happy si Saint?! Manigas ito! Even over her dead body, literally.

Iiling-iling na nakinig si Dra. Sia sa kanilang dalawa ni Karev. "So, what's the goal? You want to get pregnant?" Tanong nito.

"I want to ensure it is safe for me to carry a child."

Tumango-tango si Dra. Sia, "Smart. Many partners want to bear a child without knowing the mother's compromises. Maraming complications ang pagbubuntis, even the technology couldn't catch up. Pre-eclampsia, APAS, Placenta accreta, or increta to name a few. Idagdag pa ang pre & postpartum depression."

"I can't believe I am hearing this." Nagtakip ng tainga si Karev at napangiwi.

"Kaya think before you fck, Karev!" Susog niya sa kaibigan. Humalakhak din ang Dra. sa sinabi niya. 

"Right? Tapos lolokohin lang ang mga babae kahit pa sa pagbubuntis pa lang ay kalahati na ng paa ang nasa hukay." Dagdag pa ng OB.

"At least we are giving you a nine-month break from dysmenorrhea." Pagdadahilan ni Karev.

"Gagu." Sinapok niya muli ang kaibigan.

"Well, Doc Sia, my Mom died  because of a heart complication, if ever I decided to bear I child, I want it to be a smooth-sailing process. Overthinker ako. Hindi ako pupwedeng nagbubuntis habang nag-iisip ng playlist sa libing ko. At saka, I can't die before Karev, baka babuyin ang eulogy ko! Masama ang ugali ko, Doc, baka mapahiya ako kapag maraming nagcelebrate ng pagkamatay ko with a hashtag #BurnInHellBitch!"

Temptation Island: Broken TiesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα