Chapter 1 Winterfell

15.7K 683 545
                                    

"Being a virgin these days is something to be proud of because it is so rare. You're like a freaking unicorn!"


Winter POV


Gamit ang syringe na hawak ay kumuha ako mula sa maliit na vial ng Ketamine, isang klase ng sedative drug. Maingat ko itong hinugot mula sa maliit na bote at bahagyang pinitik. Tumalsik ng konti ang laman nito.

Napatingin ako kay Karen, ang assistant ko ngayong araw dito sa operating room na siyang nakahawak sa pasyente, silently asking if she's ready. Tumango siya bilang sagot. Ini-ready ko na ang syringe para iturok. Itinuon ko ang konsentrasyon sa napipintong gawin.

"Dok!"

"Jesus!" Gulat na gulat na bulalas ko.

Maang akong napatingin sa lalaking humahangos na pumasok sa loob ng operating room. Hanggang ngayon ba ay nakakalimutan pa rin niyang bawal pumasok dito kapag on going ang operation? Napangiwi ito. Alam na alam naman nitong magugulatin ako at kapag nagugulat ay bigla akong natataranta.

"S-sorry po dok, pero may naghahanap kasi sa inyo sa labas." Hingi niya ng paumanhin. "May importante daw na delivery. Ayaw naman sa akin iwan. Ikaw daw ang gusto niyang pumirma sa receipt form."

"Hindi mo ba nakikita may ooperahan ako?!" Hindi makapaniwalang sabi ko kay Wilbert.

"Dok."

Napatingin kami pareho ni Wilbert kay Karen na nakatingin noon sa kanyang braso. Napaawang ang bibig ko ng makitang nakaturok sa kanyang braso ang hawak ko kaninang syringe. Napatirik ang mga mata ni Karen tsaka dahan-dahang bumagsak sa sahig ng walang malay. Napapitlag ako at napangiwi ng marinig ang pagbagsak nito.

"Sorry po, dok." Sabay peace sign na sabi ni Wilbert pagkatapos.

Napasimangot ako. "Sige na. Tulungan mo 'ko dito at nang matapos na." Sabi ko.

"E paano po 'yong tao sa labas?" Nalilitong tanong niya.

Napa-eye roll ako. "Hayaan mo siyang maghintay!" Tsaka muling kumuha ng sedatives para iturok sa pusang ooperahan ko na lumabas ang taba mula sa tiyan dahil tinuka daw ng manok.

Halos thirty minutes lang ay natapos ko ng maoperahan ang pusa. Sandaling inilagay muna namin siya sa isang cat cage para makapagpahinga bago ibibigay sa kanyang amo na naghihintay ngayon sa labas, sa may waiting area.

Isang delivery boy ang naghihintay sa akin mula sa labas ng clinic ng matapos ako. May ibinigay itong sobre bago pinapirmahan sa akin ang receipt form. Napatirik ang aking mga mata ng makita ang sender nito.

Nagtungo ako sa opisina para doon buksan ang naturang sobre. Isang invitation. A wedding invitation to be exact.

Candice and Patrick are tying the knot. Nabasa ko sa unahan ng imbitasyon.

Hindi ko pinagkaabalahang buklatin ito at basta na lang inilapag sa ibabaw ng mesa. Napahalukipkip ako sabay napasandal sa kinauupuan. Napabuntong-hininga ako sabay hawi sa bangs ko.

Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa. Napaismid ako ng makita kung sino ang tumatawag. For sure, it's all about that goddamn invitation.

Napilitan akong sagutin ang tawag ng hindi ito tumigil sa pagtunog.

"Dad." Maikling pagbati ko. Kulang ito sa sigla.

"Hi, hija!" Masigla ang kanyang tinig mula sa kabilang linya. "How are you? Have you received the invitation?"

"I'm fine, dad. Thanks for asking." Kulang sa siglang tugon ko. "And yes, I already received the invitation."

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon