Chapter 40 Jacqueline

5.5K 362 139
                                    

"When you love what you have, you have everything you need."


Kate POV


Nasa kusina ako ng mapansin sa monitor ng papasok na ang puting SUV ni Winterfell sa gate. Napatingin ako sa dalagang nasa kabilang side nakaupo, dito sa center island, habang tinutulungan akong maghanda ng hapunan.

"Wait for me here." Sabi ko sa kanya na agad niyang ikinaangat ng tingin mula sa pagbabalat ng carrots.

"Okay." Tipid nitong sagot bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Naglakad ako palabas ng kusina ngunit tinapunan ko muna ito ng sulyap bago tuluyang lumabas para salubungin si Winter.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakita kong papasok na sa bakuran ang sasakyan niya. Sa harap ng pinto ko na lang siya hihintayin. Pinanood ko ang pagpaparada niya ng sasakyan sa may driveway bago ito tumigil.

Naunang bumaba ang sakay nito sa passenger's side. Nagtatakbo si Calvin paakyat sa ilang baitang na hagdan patungo sa kinatatayuan ko.

"Mommy!" Masiglang bati nito sa akin.

"Hi, sweetie!" Masayang inilahad ko naman ang mga kamay dito para salubungin ng yakap.

Niyakap niya ako sa beywang pagkatapos akong gawaran ng halik sa pisngi. Napansin kong nakangiting lumabas na ng sasakyan si Winter at tinungo nito ang bandang likurang bahagi saka binuksan may inilabas siya mula dito.

"Hmm." Hinalikan ko sa ulo si Calvin. "Hmp, ba't amoy pawis ka?" Tanong ko sa kanya ng bahagya akong lumayo para tignan siya.

"Katatapos lang niyang maglaro." Si Winter ang sumagot ng makalapit sa akin.

"Hi, hon." Nakangiting binati ko siya ng halik sa labi.

Nakayakap pa sa akin si Calvin na halatang miss na miss ako. Ilang araw din kaming hindi nagkita nito.

"Mama dok, ako na po." Sabi ni Calvin sabay kinuha ang hawak na go bag ni Win.

"Medyo mabigat 'yan." Paalala ni Winter ng kinuha ito ni Calvin tsaka masayang pumasok sa loob ng bahay.

"Okay lang po!" Narinig pa naming sagot nito bago tuluyang pumasok sa loob.

Nakangiting nakasunod ang tingin namin dito.

"Ano nga pala 'yong sinasabi mo sa akin kanina?" Tanong ni Winter saka maglalakad na sana papasok ng bahay pero mabilis ko siyang pinigilan sa braso.

"Hon." Bigkas ko sa tila nagmamadaling tinig.

Napakunot-noo siya. "May problema ba?" Agad siyang nag-alala.

Napangiwi ako. "Wala naman. Pero..."

Tuluyan na niya akong hinarap. "Kate, ano ba kasi 'yon?" Nag-aalala na talaga niyang tanong.

Napatitig ako sa kanya. "Huwag kang magugulat ha?" Mahinahong sabi ko.

"Katherine naman e!" Reklamo niya. "Sabihin mo na kung ano 'yon baka mahimatay ako dito sa kaba!"

Natawa ako ng marahan saka siya niyakap. "Don't worry, hon. Hindi ako buntis." Biro ko sa kanya sabay kumalas sa yakap.

Inirapan niya ako. "Spill!"

Huminga ako ng malalim saka hinawakan siya sa mga kamay. "There's someone inside the kitchen -"

"What?!" Bigla na lang itong nataranta. "E sandali nasa loob na si Calvin! Tumawag ka na ba ng pulis? Hon naman, bakit hindi ka agad nagsasabi -"

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon