Chapter 20 Winter-I-Fell

7.2K 485 266
                                    

"Don't find love, let love find you. That's why it's called falling in love because you don't force yourself to fall. You just fall."


Kate POV


Natatawang dinampian ko siya ng halik sa labi. "Okay bye, I love you."

Natigilan kami pareho sa sinabi ko. Hindi ko alam ba't bigla na lang iyong lumabas sa bibig ko na parang isang natural na bagay lang na sabihin.

Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kotse.

"What did I do?" Napasulyap ako sa side mirror, nandoon pa rin si Winter nakatayo sa gilid ng kalsada at parang tulalang hatid ng tanaw ang sasakyan ko. "Shit!"

Halo-halo ang nararamdaman ko. Pero parang mas nangingibabaw 'yong hiya.

Damn... si Katherine Marie Seinfeld nahihiya? Haist, magugunaw na ang mundo.

"Good morning, Miss Kate." Bati ng mga empleyadong nadadaanan ko.

"'Morning." Tipid na balik bati ko din sa kanila.

Parang tumatakbo ang isip ko habang naglalakad patungo sa opisina. Haist, why did I say that?!

Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho. Kung hindi ako tatayo patungo sa glass wall at titingin sa labas, uupo ako sa swivel chair at matutulala o kaya naman ay uupo pasandal sa gilid ng mesa habang kagat-kagat ang kuko.

Winter, what are you doing to me?! Sigaw ng isip ko.

Nasa ganoon akong posisyon ng pumasok si Malqui sa loob ng opisina ko, kasama ang isang magandang babae.

"Miss Kate, the new comer is here." Hayag ni Malqui sabay mosyon sa katabing babae.

Matangkad ito, sexy, mahaba ang kanyang buhok na aabot yata hanggang sa kanyang beywang. Maganda siya sa kung maganda, pero parang may kulang. Wala 'yong 'hmp' factor. I don't know. Argh! Kasalanan 'to ni Winterfell!

"What's your name?" Tanong ko doon sa babaeng kasama ni Malqui. Napahalukipkip ako sa kinauupuan, sa gilid ng lamesa, saka ito pinasadahan ng tingin.

"I'm Misha Madrideo, ma'am." Mahinhin ang kanyang boses. Para ngang nahihiya pa itong nakatayo ngayon sa gitna ng aking opisina.

"Okay." 'Yon lang ang sinabi ko sabay mosyon na umalis na sila.

"T-tanggap na po ba ako?" May alinlangang tanong ni Misha.

"Malqui will take you to the initiation room." Tugon ko.

"P-po?" Parang bigla itong kinabahan sa sinabi ko.

"Malqui." Tawag ko na agad namang tumalima.

"Let's go." Aya ni Malqui kay Misha at lumabas na sila ng opisina. Napansin ko ang paglingon muna no'ng babae sa akin bago tuluyang lumabas ng silid.

Sa initiation room, ime-make over nila ang mga new comers. Pagkatapos ay ibe-briefing at ite-train ng ilang buwan bago isalang. 'Yong tagal ng training ay depende sa bagong recruit kong mabilis ba siyang pumick up o hindi. Anyways, may allowance naman ang mga trainees. Kaya di sila lugi.

Kaysa sumakit ang ulo ko sa kakaisip kay Winter, pinilit ko na lang itinuon ang atensyon sa trabaho. Hindi ko na nga namamalayan ang oras. Kung hindi pa ako dinalhan ng lunch ni Malqui sa loob ng opisina ay hindi ko na alam na tanghali na pala.

Nakatuon ang atensyon ko sa binabasa ng tumunog ang email alert tone ng laptop ko. Binuksan ko ito. Confirmation na pumasok na sa account ko ang bayad ni Ramon Dyson, isang business tycoon, and obviously, close friend ng daddy ko.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon