Chapter 2 Synonyms

10K 562 230
                                    

"Virginity is like a bubble, one prick and it's gone. Puff!"



Winter POV


"Mga Tita alis na po ako!" Paalam ko sa kanila bago lumabas ng bahay. Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila.

Binuksan ko muna ang gate para mailabas ko ang sasakyan. At nang mailabas ko na ito ay muli ko ring isinara.

"Winter!"

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Si Aling Mayo pala, kapitbahay namin.

"O, Aling Mayo bakit ho?" Kunot-noong tanong ko ng makalapit siya sa kinatatayuan ko.

"Winter, bakit naman pinalitan ng tita Joan mo 'yong password ng wifi ninyo? Hindi na tuloy ako maka-connect kagabi." Reklamo niya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Sayang naman, malapit na ngang matapos 'yong pinapanood ko sa Viu e!" Patuloy niyang reklamo. "Pakisabi sa tita mo ibalik na 'yong dating password ha? Maganda ang episode mamayang gabi e. Sige, ingat!" Tsaka tumalikod na.

'Yong isasagot ko sana ay nilunok ko na lang. Napapailing-iling na pumasok na ako sa loob ng kotse at umalis na.

Nasa clinic na sina Karen at Wilbert ng pumasok ako. Pagkatapos ng maikling batian ay pumasok na ako sa loob ng opisina. Naabutan ko si Sally na nasa harap ng mesa ko, binabasa ang invitation na iniwan ko sa ibabaw nito kahapon.

"Hi!" Bati ko.

Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin tsaka ibinalik ang atensyon sa binabasa. "Hi." Tipid niyang balik. "Hmm, ikakasal na pala ang higad mong kapatid sa ama?" Kilala nito si Candice at kung anong klase itong babae.

"Unfortunately, yes." Sagot ko sabay ibinaba sa ibabaw ng maliit na drawer sa gilid ang handbag ko bago tinungo ang aking upuan.

"So..." Napatukod siya sa ibabaw ng mesa sabay napatitig sa akin. "Pupunta ka?"

Eksaherada akong nagpakawala ng hininga bago naupo. "Ano pa nga ba?"

Napatango-tango siya. Naupo siya sa gilid ng mesa sabay napahalukipkip. "What's your plan then?" Tanong niya. "Should you bring a date?"

"I don't know." Sagot ko. "Pinag-iisipan ko pa."

"I think you should." Tumayo siya ng diretso at naglakad sa kanyang mesa tsaka naupo sa swivel chair.

"Hindi ko pa alam kung sino ang dadalhin ko." Problemado pa ring tugon ko.

"Hmm..." Napapaisip na sambit niya. Inilagay pa niya ang hintuturo sa kanyang baba. "Dapat someone na hindi kayang i-bully ng kapatid mo. 'Yong tipong hindi niya kayang akitin."

Napabuga ako ng hangin. "Alam mo ba?" Bigkas ko. "Ang sabi ni tita Jo, mag-hire na lang daw ako ng date. And that's not all, dapat daw babae!" Napa-eye roll ako. "My God! Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya! Nakakaloka!" Bulalas ko sabay napahalukipkip na napasandal sa kinauupuan.

Hindi ako nakakuha ng anumang tugon mula sa kanya. Napapaisip pa rin siyang nakatitig sa akin. Nawewerduhan na tuloy akong napatingin sa kanya.

"She has a point." Kapagkuwa'y komento niya.

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Come to think of it, Winter." Saad niya. "Kapag babae nga naman ang kinuha mong date, hindi masusulot ng makati mong kapatid. She's not into girls, right?"

"At ako oo?" Sabay turo sa sarili.

"I didn't say that." Sabay kumpas ng mga kamay. "Besides, if something accidentally happened between you two then your V-card is still safe."

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon