"There is only one happiness in this life, to love and be loved."
Kate POV
Halos sa bibig na ako humihinga habang panay ang pagtakbo ko sa treadmill. Hindi ko nga napansin agad si Winter ng pumasok sa loob ng kuwarto na converted sa mini gym dito sa bahay ng kanyang mga tita. My request. Nakasuot ako ng wireless earphones kaya hindi ko marinig ang sinasabi niya.
Pinindot ko ang speed button para bagalan ang takbo tsaka tinanggal ang suot na wireless earphone sa tainga. Hanggang sa tuluyan na akong tumigil. Bumaba ako ng treadmill. Iniabot niya sa akin ang face towel.
"Thanks, hon." Sabi ko ng tanggapin ko ito mula sa kanya.
Dinampot ko ang tumbler sa ibabaw ng lamesita para uminom ng tubig. Napansin kong hindi pa siya bihis para sa pagpasok sa trabaho. Para ngang kagigising lang niya.
Dinampian ko siya ng halik sa labi. "Good morning."
"Good morning din." Balik bati niya.
"Hindi ka ba papasok sa clinic?" Tanong ko habang habol pa rin ang paghinga at nagpupunas ng pawis sa mukha.
"Papasok." Sagot niya habang nakahalukipkip na nakatitig sa akin.
"What?" Nawewerduhan ditong tanong ko.
"Ang aga mo namang nandito." Komento niya.
"I need to condition my body, hon." Sagot ko. "I have to get back in shape. I have a 'date' this coming Saturday, remember?"
Napataas ang kilay niya. "Parang gusto ko na tuloy magselos." Sabi niya.
Natawa ako ng marahan. "I'm flattered." Biro ko sa kanya. "But please, don't." Niyakap ko siya.
"Kate!" Bulalas niya saka ako marahang itinulak.
Natatawang hindi ko siya pinakawalan. "Halika nga!" Hinila ko siya palapit pa lalo sa akin. "Pagpapawisan ka rin naman sa gagawin natin." Tukso ko sa kanya.
"Katherine!"
Natatawang pinutol ko ang protesta niya ng halik. Agad din naman siyang tumugon na ikinangiti ko.
"Not here, hon." Sabi niya ng binitawan ko ang labi niya.
"Ayaw mo no'n exciting?" Saka siya kinindatan.
Nakangiting napaikot ang kanyang mga mata saka ako niyakap sa batok.
Sabay na rin kaming naligo to save time. Pero late pa rin siyang nakapasok sa trabaho pagkatapos.
"Dadaanan kita mamayang lunch para sabay na tayong kumain." Sabi ko sa kanya ng maihatid ko siya sa clinic. "I miss eating you - I mean, eating lunch with you." Pilyang dagdag ko na ikinatirik na naman ng kanyang mga mata.
"Why? Hindi ka ba papasok sa opisina mo?" Napakunot-noong tanong niya.
"Nope. I'm going to meet a friend." Sagot ko.
Mataman niya akong tinitigan. "And who's this friend?" Tanong niya. "Wala ka namang naipapakilala sa akin na kaibigan mo."
Natawa ako ng marahan. "Hon, huwag ka ng magselos, rest assured, I'm always yours... only yours, okay?"
"Hay naku!" Bulalas niya. "Dapat lang 'no baka masipa ko pa ang pagmumukha niyang kabit mo pag di ka nagtino." Biro niya.
Muli akong natawa saka ginawaran siya ng matunog na halik sa labi. "You're going to meet her soon. I promise." Sabi ko. "Sige na, baka iba na naman ang isipin ni Sally kapag hindi ka pa pumasok sa loob ng clinic." Dugtong kong tukso sa kanya.
BINABASA MO ANG
Virgin at 30
RomanceDesperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta?