Chapter 37 Into the Bones

5.3K 439 194
                                    

"Take me home, I'm fallin'. Love me long, I'm rollin'. Losing control, body and soul, mind too for sure, I'm already yours. Walk you down, I'm all in. Hold you tight, you call and I'll take control, your body and soul, mind too for sure, I'm already yours."


Kate POV


"Are you okay?" Azalea asked me with so much concern in her eyes.

"Wait." Napatakip ako sa bibig. I can't help the sick feeling of it. "I think I'm going to vomit." Saka muling napatakip sa bibig. Parang hinahalukay ang tiyan ko.

"Come." Inalalayan ako ni Azel na makalabas ng silid na iyon.

Dinala niya ako sa comfort room. Tumuloy ako sa cubicle at nagsususuka doon. Napapikit ako at napahawak sa noo. Isinara ko ang bowl at naupo sa ibabaw nito. Ilang beses akong napa-inhale exhale habang kinakalma ang damdamin.

"Are you okay, love?" Sabay katok sa pintong tanong ni Azel.

"I-I'm... not okay." Pag-amin ko.

Narinig ko ang kanyang pagtawa mula sa labas ng pinto. Sinipa ko ang pinto kung saan siya nakatayong nakasandal na mas lalo niyang ikinatawa. Nagpasya na akong lumabas pagkatapos ng ilan pang segundo.

"Oh, Katherine." She sing-song while looking at our reflections in the mirror. "I thought you have a stomach for this."

Nag-angat ako ng tingin pagkatapos kong maghugas ng kamay sa sink. "Sino ba ang may sikmura -" Maang na mosyon ko gamit ang kamay. "... sa pagto-torture?" Pakiramdam ko bigla akong nanlambot.

Napangisi siya. "Me." Proud pa niyang sagot.

I rolled my eyes at her. Kumuha ako ng tissue at nagpunas ng kamay.

"Nasa first phase pa lang tayo, sumusuko ka na?" May pangungutya sa kanyang tinig habang nakaangat ang gilid ng labing nakamasid sa bawat galaw ko. "Candy?" She offered me.

"No." Tanggi ko. "Gusto kong mag-toothbrush ulit. I'm planning to kiss my wife after this."

Napangisi siya. "Nandiyan sa cabinet." Sabay mosyon sa maliit na cabinet na naka-hang sa pader. "Are you pissed?"

"I am more than pissed, Azalea!" Sagot ko habang binubuksan ang cabinet at kumuha doon ng bagong toothbrush at toothpaste. "I am furious!" Saka siya hinarap at lumapit dito. "Alam mo ba?" I am really mad. "That thing that I thought happened to me is slowly affecting my marriage? I can't even have sex with my wife!" I shouted.

She only looked at me with amusement dancing across her face.

"Because of the images -" Hindi ko itinuloy. "... they were always creeping inside my head." I continued. Napapikit ako ng mariin. "Damn it!"

Nang magmulat ako ng mga mata ay nabungaran ko ang mukha ni Azel na tila ba naaaliw pang nakatitig sa akin. May pinaglalaruan itong mint candy sa loob ng bibig. 'Yong inio-offer niya sa akin kanina ay siya na ang sumubo.

"Sige na, mag-toothbrush ka na." Tuwang-tuwa pa yata itong makita akong nagkakaganito.

Inirapan ko tuloy siya bago muli itong tinalikuran at nag-toothbrush sa may sink. Napansin ko mula sa refleksyon niya sa salamin na may ka-text ito. Napansin ko pa ang pag-angat ng gilid ng bibig niya ng mabasa marahil ang nilalaman ng mensahe ng kung sino mang kausap niya.

Nang matapos ako ay nagpunas ako ng bibig tsaka itinapon ang ginamit na toothbrush sa trash can.

"About Claudia Rossel..." Naalala kong itanong sa kanya. "Did you really kill her?"

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon