Chapter 12 Boiling Point

7.6K 604 178
                                    

"Love implies anger. A woman who is angered by nothing cares about nothing."


Kate POV


"About Ramon -"

"Dad!" Mabilis na kontra ko sa sasabihin niya. "We've talked about it -"

"And then I will remind you about him again and again if I have to Katherine!"  Medyo tumaas na ang kanyang boses mula sa kabilang linya.

"Para mo naman kasi akong ibinubugaw sa kaibigan mong 'yon e!" Hindi ko napigilang sabihin.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "That's not what I mean, hija." Medyo malumanay na.

Napabuntong-hininga din ako. "Dad, I have to go." Na-badtrip na ako.

"Pag-isipan mo ito, hija." May pagbabanta sa tinig ni dad. "Alam mong ayokong nasusuway."

Siya na mismo ang nagbaba ng tawag. Napapikit ako ng mariin habang nakatayo sa tabing dagat. Katatapos ko lang mag-morning run.

"Hey."

Napalingon ako sa may-ari ng malambing na tinig na iyon mula sa likod ko. It's Winter. Kanina pa siguro siya gising. Nakapagbihis na siya and all.

"Hey." Lumapit ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. "Good morning."

"Good morning din." May tipid na ngiti sa labing tugon niya. "Are you okay?" May pag-aalalang tanong niya.

I sigh heavily. "It's just about my... father." May pag-aatubiling sagot ko. "Never mind." Agad ko ding dugtong. "Pwede bang mauna ka na sa resto? Sunod na lang ako. Maliligo lang."

"Okay sige." Agad naman niyang pagpayag.

'Yong maganda sanang morning aftermath namin e nasira ko yata. I tried to shake off my dad and I's little argument this morning pero nag-text siya after that. Tinatanong niya ako kung nasaan ako and why I am booked. Sinabihan pa niya ako to abort the mission.

Kaya naman nawalan na ako tuluyan ng sigla. Nang dumating kami sa bahay ng daddy ni Winter at tinatanong niya ako kung gusto ko bang sumama sa bar together with her friends, hindi ako sumama. Wala na talaga ako sa mood. At ayokong madamay siya doon.

Nagising ako kinabukasan at nakita ko na hindi pa siya bihis. Hindi ko na namalayan kung anong oras siya nakauwi kagabi. I was so deep in my sleep.

At habang nasa mini gym nila ako sa baba ay muli na namang tumawag si daddy. Hindi talaga niya ako tatantanan.

"What the fuck are you doing in Palawan?!" Bungad niya agad sa akin ng sinagot ko ang tawag niya.

Muntik na akong ma-temp na babaan siya ng tawag. "Dad, naka-booked ako."

"To a certain whom?" He demanded.

"I think we have the so-called 'confidentiality' in our company's handbook?" Tugon ko.

"Damn it, Katherine!" He cursed. "Don't use that fucking policy on me! I am the owner of that fucking company!" He's now furious. Kaya mas pinili kong manahimik muna. "And why on earth are you booked for a week? Gayong dalawang araw at isang gabi lang naman ang inuungot ko sayo para sa kaibigan ko!"

"Dad, she's a 'she', so don't worry!" Nagsimula na ring uminit ang ulo ko.

Mahirap bang intindihin na ayokong magpa-book sa kaibigan niya? Wala na bang ibang mahanap ang matandang 'yon at ako talaga ang ipinipilit niya? At si daddy naman, kulang na lang ay ibugaw ako sa mga kaibigan niya! What kind of father is he? Damn!

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon