Chapter 3 Switched Team

8.7K 623 181
                                    

"Having sex doesn't make you a slut, and being a virgin doesn't make you a saint."


Winter POV


"Hi, sis!" Masiglang bati ni Candice ng pumasok siya... I mean, sila ng kanyang mapapangasawa na ex ko, sa loob ng opisina.

Lumapit siya sa akin at nakipag-besobeso.

"Hi, Winter." Baritonong bati ni Patrick.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Saglit akong napapikit ng tumama ang labi niya sa pisngi ko. Para bang bigla ko itong na-miss. Napalunok ako ng magtama ang aming mga mata bago siya bumalik sa tabi ni Candice.

Napansin yata ni Candice ang naging epekto sa akin ni Patrick kaya naman naka-smirk na ikinawit niya ang kamay sa braso ni Patrick. Para itong nang-iinggit at lihim na sinasabing sa aming dalawa, siya ang panalo. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"What brought you here?" Pormal ang mukhang tanong ko sa kanila nang matapos silang paupuin sa sofa.

"Well," Napatingin siya sa imbitasyong nasa ibabaw ng mesa ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa binubuklat. "Oh, so natanggap mo na pala ang wedding invitation namin ni Pat." Tsaka ngumiti si Candice sa akin ng may kalakip na panunuya.

"Yeah," Napahalukipkip ako saka napasandal sa gilid ng lamesa paharap sa direksyon nila na nakaupo sa sofa. "But I haven't had the time to read it."

Napansin ko ang pagkawala ng ngisi niya sa sinabi ko. "You should come." Sabi ni Candice. "You're my maid of honor."

Muntik na akong mapataas ng kilay pero nagpigil ako. "Hmm, really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "I mean, why me?"

"Because you're my sister?" Patanong niyang sagot. "Besides, para namang wala kayong pinagsamahan ni Pat kung hindi ka aattend ng kasal namin, di ba?" May kalakip na namang panunuya ito.

Nag-isip ako ng pwede kong idahilan.

"How are you?" Noon lang ulit nagsalita si Patrick. "I mean, kailan ka mag-iimbita ng kasal?" Saka ngumiti ito sa akin, showing her perfectly set white teeth.

Urgh! Sa ganyan niya ako nakuha noon e! Sa mga ngiting 'yan!

"I'm fine! I'm okay!" Exaggerated kong sagot. "Kasal? We're still both busy sa work pa e. Alam mo na career oriented kami parehas." I lied.

"Oh, really?" Naging interesado si Candice sa narinig. Tinanggal pa nga niya ang kamay na nakakawit sa braso ni Patrick. "Who's the unlucky guy?" Nakangising tanong niya.

The audacity of this bitch?!

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. "Actually, I switched team." Bigla na lang itong lumabas sa bibig ko dahil sa inis sa kanya.

Napataas ang kilay niya but then natawa siya ng marahan. Pero she remained speechless. Parang nagulat naman si Patrick sa sinabi ko.

"You will meet her, soon." Dagdag ko.

Shit! Kung ano-ano ng nasasabi ko. Argh! Lihim kong himutok. Iniisip ko tuloy kung papaano ko ito mapapanindigan.

"Oh." Noon lang nahanap ni Candice ang tinig. "Anyways, we came here to give you this." Saka may inilabas na papel mula sa loob ng signatured handbag. "Schedule para next week." Iniabot niya ito sa akin.

Kinuha ko ito at pinasadahan ng tingin. Hmm, ang dami namang gagawin. May engagement party, picnic with families, tapos bridal shower at kung ano-ano pa. Pati nga dance lesson and rehearsal para sa gabi ng kasal nandito rin at nakalista.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon