Chapter 29 Terrified

5.5K 390 107
                                    

"Happiness is when what you think, what you say, and what you do are in harmony." —Mahatma Gandhi.


Winter POV


"Kate!" Tawag ko sa kanya sabay tingin sa suot na relo.

Kanina pa ako naghihintay dito sa baba, sa sala. Pupunta kami ngayon sa bar... karaoke bar. Nag-aya si Sally, wala lang trip lang daw niyang kumanta ngayon. I don't know, nag-aaway na naman siguro sila ng boyfriend niya kaya kakanta na lang siya. Haist. Tapos 'yong kasama ko ang tagal po. Hay naku! Karaoke bar lang naman ang pupuntahan namin baka mag-gown pa Diyos ko!

"Anong oras ba ang usapan ninyo?" Tanong ni tita Mau habang nanonood ng TV habang kumakain ng pop corn kasama sina Calvin at tita Che. Si tita Jo baka nasa sarili na nitong kuwarto.

"Alas otso y medya po, tita." Nakapameywang kong sagot saka muling tumingin sa relo. "Alas otso na po, baka mamaya traffic pa."

"Hayaan mo na, baka gusto lang sigurong palaging maganda sa paningin mo." Sabi ni tita Che.

Magkokomento sana ako at sasabihing palagi naman siyang maganda sa paningin ko kahit hindi mag-ayos pero nakita kong pababa na siya ng hagdan. Gusto ko tuloy mapaubo ng makita ang suot niya.

"Let's go?" Excited niyang tanong.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Ang sexy ng outfit. Naka-fitted dress na maikli. Tapos 'yong dibdib niya halos makikita na po sa sobrang baba ng neckline.

"What?" Patay malisya niyang tanong sabay napasunod ng tingin sa tinitignan ko. "Hon," Sabay napameywang ang isang kamay na bigkas siya saka inilipat ang bigat sa isang paa. "Dibdib lang 'yan. Sayo naman ang puso ko." Saka napaangat ang gilid ng labi.

"Ayiieeehh!" Pambubuyo ni Calvin. "Ang sweeeeet, mommy Kate!"

Nakangiting napakindat si Kate sa kanya sabay pinatunog pa ang dila. "See?" Sabi niya sa akin ng nakangiti.

Napa-eye roll na lang ako saka naghanda na sa pag-alis. Humalik muna ako sa pisngi nina tita at sa noo ni Calvin.

"Matulog ka na. Huwag masyadong magpuyat." Bilin ko sa kanya.

"Yes po, mama dok!" Masigla nitong sagot.

"Have fun." Sabi ni tita Che.

Nauna akong lumabas ng bahay, nakasunod sa akin si Kate. 'Yong kotse niya ang gagamitin namin.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya habang nasa biyahe na kami patungo sa karaoke bar na pupuntahan namin.

"What?" Napapangiting tanong ni Kate sa akin ng mapansing nakatitig ako sa kanya.

Napailing-iling ako. "Wala."

She made a sound using her tongue. "Hon, it's okay to say it." Sabi niya. "Ang ganda ko at ang sexy. I know that." Mayabang niyang pabirong saad.

Natawa ako ng marahan. "Oo na! Yabang." Tugon ko. "Pero hon," Bigkas ko habang titig na titig sa kanya. "Kahit hindi ka mag-ayos, magandang-maganda ka pa rin sa paningin ko."

Ang lawak ng ngiti niya. Light makeup lang naman ang inilagay niya kanina pero parang mas naging mapula ang mga pisngi niya sa sinabi ko.

"Gosh, are you blushing?" Tukso ko sa kanya.

Mabilis niyang itinago ang ngiti. "No, of course not!" Mabilis niyang kontra. "Hon, palagi ko na 'yang naririnig kaya don't worry sanay na ako."

Nakangiting napapailing-iling na lang ulit ako. "Sabagay, si Katherine Marie Seinfeld magba-blush? Hmm... that's impossible, right?" May halong panunuksong wika ko.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon