Chapter 21 Happy Birthday

7.1K 469 235
                                    

"You meet thousands of people and none of them really touch you."


Winter POV


"Hon?" Tawag ni Kate habang nagbibihis ako sa loob ng walk-in closet at siya nama'y papasok pa lang at katatapos maligo. Nakasuot lang siya ng puting bathrobe.

"Hmm?" I respond without looking at her.

"Pwede ko ba kayong imbitahin bukas sa bahay?" Tanong niya.

Kunot-noong nagbaling ako ng tingin sa kanya. I'm only wearing underwear dahil namimili pa ako ng isusuot kong damit para sa pagpasok sa clinic.

"Why?" Tanong ko. "At anong ibig mong sabihin sa 'kayo'?"

"Kayo." Bigkas niya. "Sina tita at Calvin." Nakapameywang niyang tugon.

Napatingin ako sa mga bestidang maayos na nakahanger at kinuha mula dito ang isang puting bulaklakin na siyang napiling isuot ngayon.

"Bakit nga?" Hindi tumitingin sa kanyang tanong ko dahil abala ko ng sinisipat ang sarili sa salamin kasama no'ng damit.

"Birthday ko."

Natigilan ako sa narinig saka maang na pumihit paharap sa kanya. Ngumiti siya ng tipid sa akin.

"Birthday mo bukas?!" Nangkukumpirmang tanong ko.

Tumango siya. "Yes."

"Ba't ngayon mo lang sinabi?!" Maang kong tanong.

Hindi siya agad nakakibo. Kapagkuwa'y nagtungo na rin siya sa mga damit niyang inayos ko kagabi para pumili din ng maisusuot. 

"Never mind." Hindi tumitingin sa aking tugon niya. "Forget it."

"Kate..."

"I know you're busy." Tinapunan niya ako sandali ng tingin at ngumiti ng tipid na tipid. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Saka ibinalik ang atensyon sa closet.

Napahinga ako ng malalim. Binitawan ko ang damit na hawak at ibinalik sa pinagkuhanan ko nito. "That's not what I mean." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Nabigla lang kasi ako dahil wala ka namang sinasabi."

Napabuntong-hininga siya. "I understand." Matamlay niyang sabi saka pumihit paharap sa akin. "Anyways, it's just an ordinary day."

"Katherine." May pananaway kong bigkas. Hindi ako sanay na ganito siya, parang batang nagta-tantrums. Napalabi siya. "Fine." I breathes out. "Sasabihin ko kina tita na maghanda para bukas."

"Really?" May alinlangang tanong niya.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Opo." Saka pinisil ang ilong niya. "Pabebe ka pa e!"

Natutuwang niyakap niya ako. "First time ko kasi magse-celebrate ng birthday ko." Saka siya kumalas ng yakap sa akin. "And I want to celebrate it with you. As my new family."

"Oo na!" Natatawang wika ko. "Aayain ko din sila sa clinic kung gusto mo."

Namilog ang kanyang mga mata. "Yes, of course!" Excited niyang bulalas. "I would love to!"

"Kung gusto mo," Naisip ko siyang biruin. "Invite din natin si Jollibee."

Napakunot-noo siya. "Why?"

"Para bida ang saya?"

Napa-eye roll siya. "Ang corny ng joke mo. But..." Dinampian niya ako ng halik sa labi. "Thank you, hon." Mababanaag ang saya sa kanyang mga mata.

"Don't thank me yet." Tugon ko.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon