"But as many have experienced, opening your heart to love can also open yourself up to hurt and heartache. When you prepare yourself to love, then you also have to prepare your heart for the pain associated with it."
Winter POV
Nagising ako kinabukasan na wala pa ring Kate na umuuwi, base na rin sa bahaging pwesto niya at sa unan na halatang hindi nagamit. Napahawak ako sa pwestong inuukopa niya saka kinuha ang unan na ginagamit niya saka niyakap.
Napapikit ako habang yakap ito. She promised me last night, na uuwi din siya agad. Ewan ko ba't bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot. I miss her.
Bumangon ako sa kama at agad na dinampot ang cellphone para tignan kung may missed calls siya o text messages habang tulog ako. Pero wala. Ang huling text message lang niya sa akin ay kagabi pa, saying na nasa party na siya. Napatingin ako sa oras ng mag-text siya. Nine-nineteen in the evening. Hindi ko mapigilang mag-alala.
Idinial ko ang cellphone number niya pero out of coverage area ito. Muli ko itong sinubukan pero gano'n pa rin ang sinasabi.
Mabilis akong bumaba ng kama at nagtungo sa banyo. Nagmadali akong maligo at lumabas ng kuwarto pagkatapos. Kausap ko si Sally habang papasok ako ng kusina.
"Yes, Sally." Sagot ko. "Sorry kung hindi ako makakapasok ngayon. Ikaw muna ang bahala diyan sa clinic."
Nagtaka naman sina tita sa narinig pero hindi sila umiimik.
"Okay sige, don't worry. Ako na ang bahala dito." Tugon niya. "Baka naman na-traffic lang si Kate kaya di agad nakauwi."
Natigilan ako sa paghahalo sa kape ko. "Imposible naman kung na-traffic lang." My instinct is telling me something isn't right. "Kilala ko siya, hindi niya ako hahayaang mag-alala sa kanya."
"Ba't di mo puntahan sa bahay niya?" Suhestiyon niya. "Baka doon tumuloy dahil baka masyado ng gabi ng matapos 'yong party."
Muli akong huminga ng malalim. "Iyon nga rin ang naisip ko kaya nga hindi muna ako makakapasok ngayon. Pupunta ako doon."
Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos. Sinabi niyang huwag akong masyadong mag-isip ng kung ano-ano.
"Wala pa rin ba si Kate?" Tanong ni tita Che ng sumalo ako sa kanila sa harap ng mesa.
"Wala pa rin nga po e." Nag-aalalang sagot ko. "Hindi po siya umuwi kagabi."
"Baka sa bahay niya tumuloy, nahiya ng manggising." Komento ni tita Jo.
Nang matapos akong magkape ay nagpaalam na ako sa kanila. Medyo malayo din kasi ang bahay niya mula dito sa amin. At habang nagmamaneho nga ay sinusubukan ko pa rin siyang tawagan pero wala pa rin. Mas lalo na tuloy akong nag-aalala habang tumatagal ang oras na hindi ko ito nakikita o nakokontak man lang.
Napakunot-noo ako ng mapansin ang puting kotse sa labas ng gate ng bahay ni Kate ng makarating ako doon. Isang matangkad at magandang babae ang nakatayo malapit sa gate at pasilip-silip sa loob ng bakuran.
Tumigil ako sandali at ibinaba ang bintana ng sasakyan. "Hi." Pukaw ko sa pansin nito.
Mabilis siyang nagbaling ng tingin sa akin. "Oh, Miss Winterfell!" Bulalas niya ng makita ako. "I mean, Mrs. Winterfell." Pagtatama niya.
Gusto ko sanang itanong kung bakit ako nito kilala pero nabosesan ko siya. "You must be... Malqui?"
Nakangiting napatango-tango ito. "Yes, ma'am."
Napangiwi ako. "Winter na lang." Hindi ako sanay na tawaging ma'am. Dok siguro pwede pa. Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Virgin at 30
RomanceDesperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta?