Chapter 17 Loca Enamorada

7.6K 577 343
                                    

"Never be ashamed of how much you love, or how quickly you fall. Love fully, love completely, but most importantly, love naturally - and don't you ever apologize for it. Don't ever be sorry for loving the way your heart knows."


Winter POV


"Magandang umaga ho dok!" Masiglang bati ni Calvin ng lumabas ako ng bahay habang may hawak na mug sa isang kamay. Ang aga naman nitong gumising.

"Good morning din." Balik ko sa kanyang pagbati. "Nagkape ka na ba? Ang aga mo namang gumising."

Ngumiti siya sa akin na nagpakita sa pantay-pantay nitong baby teeth. "Opo dok! Ipinagtimpla po ako kanina ni Lola Che ng kape na may gatas!" Napansin ko ang hawak niyang pamunas. "Napunasan ko na po pala 'yong tsekot niyo."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Naupo ako sa hagdan pababa ng driveway. "Anong tsekot?" Naguguluhang tanong ko.

"'Yong kotse niyo ho!" Sabay turo sa sasakyan ko.

Malinis na nga ang sasakyan ko, halatang kapupunas lang niya dito.

"Calvin!" Narinig kong tawag ni tita Mau sa kanya mula sa loob ng bahay.

"Andiyan na po lola Mau!" Ganting tugon naman ng bata.

Mabilis na tumalima si Calvin at pumasok na sa loob ng bahay. Ilang sandali pa ay lumabas din ito, bitbit ang dalawang trash bags. Lumabas siya ng gate para ilagay ito sa gilid ng kalsada. Schedule ngayon ng truck na nangunguha ng basura. Hindi nga nagtagal ay dumaan na ang truck at kinuha ang mga basura na inilabas ni Calvin.

"Maraming salamat ho!" Narinig ko pang masiglang sabi nito sa mga lalaking sakay ng truck.

Pumasok na ito pagkatapos sa loob ng bakuran. Napansin kong kinuha niya ang walis tingting at nagsimula ng magwalis sa bakuran. Naaaliw na pinagmasdan ko ito. Ang sipag-sipag niya. Second day na niya dito sa bahay. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin o saan ito dadalhin. Nakiusap siya na kung pupwede ay dito muna siya manatili, magpapakabait daw siya at magsisipag. Na siya naman niyang ginagawa.

Ang kwento ni tita Mau, ito daw ang nagpepresentang maghugas ng pinggan at maglinis sa bahay. Ibinilhan siya nina tita Joan at tita Che kahapon ng mga damit ng nagtungo sila sa bayan para mamalengke. Ito daw ang naging tagabitbit ng kanilang pinamili. Halatang naaaliw sina tita sa bata.

Sabagay, mukhang mabait na bata naman itong si Calvin. Masiyahin din. Haist... kung pwede lang sana itong kupkupin. Pero baka magkaroon kami ng problema sa hinaharap kung manatili siya dito.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ng maubos ko ang kape ko. Nagtungo ako sa kusina. Naabutan ko ang tatlong matatandang nag-uusap doon.

"E kasi nga nabuntis ni pareng Anton si mareng Maribel!" Kwento ni tita Cherry habang nagkakape silang tatlo sa harap ng lamesa.

Napapailing-iling na lang ako sa kanila. Ang aga-aga nagchichismisan silang tatlo.

"E paano na si pareng Molong? Ano na lang ang mukhang maihaharap niya sa mga kapitbahay ngayong alam na ng lahat na nabuntis ng kanyang kumpare ang kanyang misis?" Komento naman ni tita Maura.

"Hay naku!" Narinig kong komento ni tita Jo. "Kakanood nila 'yan ng mga teleseryeng may kabit-kabit! Hayan tuloy!"

Palabas na sana ako ng kusina ng tawagin ako ni tita Maura.

"Winter, halika nga muna dito." Sabay mosyon gamit ang kamay.

"Bakit ho tita?" Tanong ko.

"Maupo ka muna, anak." Sambit ni tita Cherry sabay mosyon sa katabing upuan.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon