"I don't think you will fully understand how you've touched my life. I don't think you could ever know how special you are, that even on my darkest nights you are my brightest star."
Kate POV
Puno ng antisipasyon na naghihintay ako ng buzzer ni Malqui mula sa intercom para sabihing dumating na ang hinihintay ko.
Eksaherada akong napabuga ng hangin tsaka tumayo mula sa kinauupuan. Nagtungo ako sa tabi ng glass wall at napatanaw sa labas. Napatingin ako sa suot na relo. Konting minuto na lang dapat nandito na siya. Kilala ko siya, hindi siya nale-late sa anumang usapan.
Kapagkuwa'y tumunog na ang intercom. Mabilis akong lumapit dito at pinindot. Di naman halatang exicted?
"Yes, Malqui?" Pigil ang excitement na bigkas ko.
"She's here, ma'am." Pagbibigay alam niya.
"Let her in." Sagot ko.
Naupo ako sa swivel chair at bahagyang inayos ang buhok tsaka napatikhim. Inayos ko din ang composure at pinilit pinakalma ang sarili.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sa labas ng opisina ang isang matangkad na babaeng nakasuot ng dark sunglasses at beige na long coat. Mahaba ang medyo kulot na dulo ng buhok nito. Kababanaagan ng awtoridad ang kanyang tindig, maging ang kanyang paglalakad ay nagbabadya ng pagka-aristokrata at istrikto. Seryoso ang mukha niya habang sinusundan ng dalawang bodyguards niya.
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ng sa wakas ay makapasok na siya sa loob ng opisina.
"Katherine." Sambit niya sabay tanggal ng suot na dark sunglasses at pinasadahan ako ng tingin.
"Azalea." Pinigilan ko ang excitement sa tinig.
Lumapit ako sa kanya para batiin siya ng besos-beso. Naamoy ko ang kanyang pabango. She smells so expensive.
"Please take a sit." Sabay mosyon sa upuang nasa harapan ng mesa ko. Tinanggal muna niya sa pagkakabutones ang suot na long coat bago naupo. Naupo siya sa bandang kaliwa.
Imbes na bumalik sa likod ng mesa ay napahalukipkip akong napasandal sa gilid ng lamesa. Malapit sa kinauupuan niya.
"How was your flight?" Tanong ko sa kanya.
"Please, spare me the pleasantries." Parang nababagot na wika niya. "What's the agenda of this meeting?"
I rolled my eyes. "Patience, Azalea. Patience." I sing-song.
She gave me her bored look. "Hindi mo ba alam na dapat ay dinadalaw ko ngayon ang mag-ina ko? Pero dahil tumawag ka sa akin kagabi, at saktong kakauwi ko lang ng Pilipinas, kaya ako ngayon nandito."
Napangiti ako. "Aww... gano'n ba ako ka-espesyal sayo?"
"Shut up." Mabilis niyang ganti sabay napairap sa akin.
"How's Mariana?" Nakaangat ang gilid ng labing tanong ko. Ang ex-wife niya ang tinutukoy ko, ang ina ng kanyang anak.
Makahulugan lang niya akong tinitigan.
"Yeah, I know. She hates me." Saad ko. Akala yata kasi ni Mariana, babae ako ng kanyang asawa. I mean, ex-wife na ngayon.
"Just go straight to the point, Katherine." Malapit na talaga itong mawalan ng pasensya.
"I just want to know if you have my back anytime I'll be needing a backup." Sabi ko.
Napatitig siya ng mataman sa akin. "Tiene usted un problema?"
BINABASA MO ANG
Virgin at 30
RomanceDesperada na bang matatawag ang isang babaeng virgin pa rin sa edad na trenta?