Chapter 9 Bare Minimum

8.6K 651 424
                                    

"The brain is the most outstanding organ. It works twenty-four-seven, three hundred sixty-five days from birth until you fall in love."


Winter POV


"Talaga?" Natutuwang bigkas ko habang kausap si Sally sa kabilang linya.

Tumawag ako sa kanya para kumustahin ang clinic. Natutuwa niyang ibinalita sa akin na maraming customers. Tapos daw 'yong ibang customers mula sa kabilang clinic lumipat daw sa amin.

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa kapabayaan." Mabilis niyang sagot.

"Ha? Bakit naman?" Kunot-noong usisa ko pa.

"Paano, may tinanggap silang pasyenteng may Distemper Virus, pinag-stay nila sa clinic nila tapos nahawa 'yong ibang alaga ng client nila. Hayun..." Pagbibigay-alam niya.

"Hala naman..." Nalungkot ako sa nalaman.

Ang distemper virus ay wala pa talagang cure para dito. Kailangan lang ng supportive care at tiyaga at pasensya para ma-prevent ang pagkalat pa nito at ang epekto ng virus sa katawan ng aso. Pero marami naman ang nakaka-survive sa ganitong sakit ng aso, marami ring hindi. Depende sa pagtanggap ng aso ng ibibigay sa kanyang support na gamot. Kailangang matibay ang immune system nito.

"Sana naging careful kayo?" Paalala ko kay Sally. "Tsaka sabihan mo si Darlene mag-disinfect lagi." Tukoy ko sa taga-mop at taga-linis sa clinic.

"Don't worry, kaya na namin 'to." Pang-aassure niya. "Ikaw kumusta ka diyan?" Tanong niya. "In fairness ha, sobrang hot daw ng date mo sabi ni Neil."

Napangiti akong napapailing-iling. "Oo nga e." Ba't ko pa ide-deny kung totoo naman di ba?

"Ehem." Kunwari pa itong eksaheradang napatikhim. "May liliyad na ba?"

Pinanlakihan ko ito ng mata kahit na hindi niya nakikita. "Sally!" Saway ko na ikinatawa niya ng malakas. "Ang bastos mo din. Dapat kayo nina tita at Kate ang magsama-sama."

"Kate?" Pag-uulit niya. May panunukso sa kanyang tinig. "Hmm... sounds yummy, Win." Tukso niya.

Again, kahit hindi niya nakikita, napairap ako. Napabuga ako ng hangin. Yummy naman este maganda't sexy naman talaga si Kate. Walang itulak kabigin kung tutuusin. Bakla na lang siguro ang tatanggi sa kanya... Haist.

"O natahimik ka diyan?" Pukaw niya sa atensyon ko. "Kasama mo siguro siya 'no? Tapos tumitirik na palagi ang mga mata mo." Tsaka sinundan niya ng nakakalokong tawa!

"Heh!" Hindi ko naman maiwasang matawa dito. "Tumigil ka nga diyan! Wala okay? Walang nangyari sa amin!"

"Sinong kaaway mo?"

Natigilan ako ng biglang sumulpot mula sa likod ko si Kate. Lihim ko tuloy pinapagalitan ang sarili sa lakas ng boses.

"Siya na ba 'yon?" Tanong ni Sally. "Ang sexy din ng boses ha? Iuwi mo na kaya 'yan?"

Ginawa namang takeout si Kate? Hay naku! The world is ending na talaga!

"Sige na, kailangan ko ng ibaba ang tawag." Paalam ko kay Sally.

Napatingin naman sa akin si Kate habang nakaupo sa gilid ng kama hawak ang cellphone sa isang kamay, ako naman ay nasa sofa nakaupo habang kausap nga itong si Sally.

"Hoy 'yong bilin ko sayo ha?!" Pahabol pa nito.

"Ano na naman 'yon?" Kunot-noong tanong ko.

"Mag-feminine wash ka bago kayo mag-ano. Nakakahiya pag di yan mabango." Tatawa-tawang sabi niya.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon