Chapter 42 Virgin at Thirty... No More

16.1K 587 289
                                    

"Love doesn't grow steadily, but advances in surges, bolts, and wild leaps."


Winter POV


"Congratulations!"

Halos sabay-sabay nilang pagbati sa akin ng matapos naming ma-cut ang ribbon ng gate ng bagong patayong bahay-ampunan. Naunang naipatayo ang shelter para sa stray dogs dahil mas maliit ito kaysa dito sa orphanage.

Naging successful naman ang pag-forfeit ng Deogracia Pharma sa shares of stocks ni Ramon Dyson. 'Yong legal team lang niya ang nakausap namin noon and then binigyan namin sila ng grace period para sumagot sa amin. Ang problema ng kanyang lawyer ay hindi daw niya makontak at mahanap si Mr. Dyson. Bigla na lang daw itong naglahong parang bula. Kaya naman in the end, wala na itong nagawa kundi hayaan na lang itong mangyari. May mga grounds kasing nahanap ang kompanya kontra sa kanya na siyang dahilan kung bakit kinuha ng kompanya ang kanyang shares.

At heto na nga, at least may nagawang tama ang pera ni Ramon. May shelter na for stray animals at may orphanage pa. May ilang benefactors na rin.

"Congratulations, hon." Sabay halik sa pisngi kong masayang bati ni Kate sa akin habang abala na ang lahat ng mga bisita na kumakain ng lunch.

"Thank you, hon." Sabay hawak sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesang kinaroroonan namin. "For your unwavering love and support." Ngumiti ako ng malambing sa kanya.

"You don't have to thank me, hon." Saka iniangat ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

"Mama dok, gusto ko po ng chicken." Sabay kalabit sa akin ni Lia na nasa tabi ko.

"Anak, walang fried chicken dito." Sabi ko sa kanya. "Mamaya na lang okay? Daan tayo sa favorite mong fastfood bili tayo ng kahit ilang gusto mong fried chicken." Malambing kong dagdag.

Ngumiti siya sa akin saka nagpatuloy na sa pagkain. Nakangiting nakatingin sa amin si Katherine.

Kasama namin sa mesa sina tita Joan, tita Maura, tita Cherry pati na si Jacky na medyo nag-loosen up na. Hindi gaya noong unang linggo niya sa bahay na ang tahimik niya at parang pasan nito ang buong mundo. Ngayon madalas na siyang napapangiti. Bumalik na rin siya sa pag-aaral, nasa Senior High na siya. Ipinagdiwang din namin ang seventeenth birthday niya noong isang linggo.

Katabi ni Kate sa kanyang bandang kanan si Calvin at katabi ko naman sa kaliwa ko si Lia. We're happy na sa wakas ay approved na ang adoption request namin sa dalawang bata, with of course, Azalea's help. Sa dami ba naman ng connections niya, parang ang dali na lang namin nakuha ang approval. Panay tuloy ang pasasalamat ko sa kanya na ikina-eye roll ng asawa ko. Tsk...

And of course, present din si daddy ngayon para sa opening. Siya ang kasama kong nag-cut ng ribbon. Sina tita Lorena at Candice naman ay mas piniling huwag dumalo... alam niyo na kung bakit. Hinahayaan ko na lang silang nakataas ang kilay sa aking likuran. Anyways, as long as wala akong inaapakang ibang tao, masaya ako at malinis ang konsensya ko. Walang puwang sa puso ko ngayon ang galit o pagtatampo, dahil lahat ng hiniling ko sa Diyos ay ibinigay Niya sa akin. I feel blessed, and that's enough for me. Mas gugustuhin ko na lang pagtuunan ng pansin ang pag-share nito sa iba.

Kumpleto din syempre ang mga kasamahan ko sa clinic, sina Karen at pamilya nito, gano'n din si Wilbert. Present din syempre si Sally at... ang bago niyang jowa. Switched team na rin daw siya. Hay naku. Nandito rin si Malqui na ang ganda-ganda't sexy sa suot.

Siya nga pala, si Kate na ang bagong may-ari ang Zion Secret Service. Ibinigay na ito ng kanyang daddy sa kanya. Pero as of now, hindi pa rin sila okay na dalawa. Gano'n din kay Jacky, hindi pa yata sila formal na nagkakilala ng matandang Seinfeld. Kami ni Mr. Seinfeld? Ayos lang naman, minsan sa akin ito nagtatanong kung kumusta na ang asawa ko.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon