Chapter 8

11K 355 129
                                    

MAHINA siyang natawa nang maalala ang palitan nila ng sagot ni Vyrlle noong nakaraan habang nagta-trabaho siya. He's working on the Architectural rendering for his client. Tamad siyang nakaupo sa gaming chair na inuwi pala ng kapatid niya sa penthouse ni Castiel.

"Gago, iba na ba takbo ng utak mo?" Castiel nervously asked. Pasimple pa nitong inilayo ang upuan sa kanya.

"Kita mo 'to?" Light asked as he raised his middle finger.

Naiiling na tumawa ito sa kanya, "isusumbong kita sa bebe mo, ikaw ah! May lihim ka palang pagnanasa sa akin!" Castiel grinned.

He grimaced and settled his eyes on the monitor. Xyria was planning to hired some Interior designer para hindi raw sila mahirapan if ever na may request ang mga kliyente nila.

"Kailan pala uuwi?" Castiel asked.

Bahagyang tumiim ang bagang niya. Vyel wasn't able to go home weekly like she promised, ang huling balita lang niya ay may nadagdag pa raw sa trabaho ng mga ito. Gusto niya itong puntahan pero may trabaho rin siya na dapat niyang asikasuhin. Ang ending tuloy, naghahanap din ng kliyente ang kapatid niya na malapit sa site ng kapareha niya. It's been a month and it's somehow driving him insane.

"Wala pa siyang sinabi," maikling sagot niya.

Nag-uusap naman sila, and Vyel always updating him about her whereabouts. Panay ang send nito ng pictures, kapag lumalabas sila ng mga ka-trabaho nito, kung ano ang kinakain nito, and such. Pero iba pa rin talaga kapag kasama niya ito at nakikita pagkauwi niya.

"Bakasyunan na naman ba bahay niyo?" Castiel asked again. This man, doesn't know when to shut his mouth.

Marahas siyang bumuntong hininga at inis na hinarap ang kaibigan niya. "Tangina mo, nagbayad din naman ako, bakit parang atat ka na umalis ako?" He hissed.

Tumawa lang si Castiel sa kanya at nagkibit balikat. He finally pissed him off, kaya tatahimik na ito. Alam na alam nito kung paano sirain ang araw niya, humanda talaga ito kapag kasama na siya ni Xyria na magpa takbo sa kumpanya nila!

Light concentrated on his work. Akala niya ay tatahimik na talaga si Castiel dahil na busy na ito sa tinatrabaho but after an hour of silence. The devil open his mouth again.

"Light, I'm curious... Matagal na kayong nagsasama..." Castiel trailed off.

"Shut the fuck up and don't bother to ask!" Matalim na sagot niya kay Castiel

They started dating after graduation, and he's 23 that time, they always do skin ship, kissing... That's all. He's now 24.

"Ahh, tigang ka?" Castiel teased and nudge him.

"Tatamaan ka na talaga, tangina!" Light cursed and Castiel just laughed at him.

Castiel never involved himself in a serious relationship,  sa pagkakaalam niya, his father was sending him a woman to bed pero hindi nito ginagalaw. If he was him, he won't too. Masyadong komplikado ang utak ng tatay nito.

Although, he sometimes visit Alistair's bar and who knows what's he was up to.

Later on, Jyrelle contacted them and asked if they can attend a mini celebration for his sisters. Hindi niya pa alam kung ano ang okasyon but he instantly stood up and grab his keys and drove to the nearest mall, hindi niya naibigay ang regalo ni Vyrlle noong mag recognition ang mga ito, si Rayos lang ang nabigyan niya.

He also sent a message to Vyel to call him if she's not busy. Wala siyang ideya kung ano ang ibibigay niya sa kambal.

While he's waiting for Vyel's call, he stalked the twins instagram account. Nauna si Vyrelle, kahit na nakakaramdam siya ng pagkainis kapag nakikita niya sa feed nito ang lalaki na kasama niya noon. She browse her highlights and there's one that caught his attention.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now