Chapter 49

15.3K 451 28
                                    

COMING BACK to San Diego without her daughter was new to Vyrlle. Hindi siya mapakali, but due to her sudden decisions, kailangan talaga niya itong iwan sa mga magulang niya.

Hindi siya makakagalaw ng maayos, lalo na at alam niya na wala rin mag-aalaga kay Vystrelle habang wala siya sa bahay. Light was with her because he has some work to visit in San Diego. Ang siraulo, hindi man lang nag-abala na magdala ng sarili nitong maleta.

"I'm staying here," aniya at inosente na ngumiti sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Vyrlle sa lalaki. "What about your house? Hindi mo muna ba lilinisin?" Kunot ang noo na tanong niya.

Light sighed and said, "Hindi na. Inasikaso na 'yan ng kapatid mo pag uwi ko sa Pilipinas. Wala na ang mga gamit ko sa loob."

"Nasaan pala?" Tanong niya habang hinahanap ang susi sa bag niya.

"Sa bahay mo," sagot nito.

"Paki ulit nga." Utos niya. Palagay ni Vyrlle ay nabingi lang siya.

"Nasa bahay mo, sunshine," malambing na ulit nito.

"Paanong—" Itinikom niya ang bibig at marahas na bumuntong hininga. Of course, her brother was free to use every connection he had to crash in her place.

"Si Dania. May susi siya sa bahay mo 'diba?" Nangingiti na tanong ni Light sa kanya. And that kind of smile had an effect on her. Either it will make her feel happy or pissed.

"Ha!" Vyrlle exclaimed harshly. "Hindi ko na talaga alam kung sino ang kaibigan niya sa ating dalawa. I mean, I am her boss and she's with me for a long time! And you!" Dinuro niya si Light na nakangiti pa rin sa kanya.

"I am your future husband, yeah?" he asked, teasingly.

"What if bawiin ko yung sagot ko sayo?" naiirita na tanong niya pabalik.

Agad na lumabi si Light at yumakap sa kanya, naglalambing. "I love you, my sunshine. Please don't be mad at me?"

Vyrlle mentally rolled her eyes and open her house door when she finally found her keys. Na-miss niya ang bahay, kung paano niya ito iniwan, ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit. She almost cried when she saw Vystrelle's crib.

"Let's finish our job here real quick, sunshine," sabi ni Light na nasa tabi na pala niya. Hinagot nito ang likod niya at mabilis na pinatakan ng halik ang tuktok ng ulo niya.

Ang laman ng maleta niya ay iilang piraso lang na mga damit ni Light. She doesn't need to bring clothes because she had enough clothes in her wardrobe. Light unpacked his things while Vyrlle started to contact her secretary.

Dania was also preparing, para makasama ito sa kanya sa Pilipinas.

At dahil kararating lang nila, walang laman ang refrigerator niya na puwedeng lutuin. And, Vyrlle was still sore. Her body was still aching. Kaya naman imbes na mag-order ng ingredients katulad ng ginagawa niya noon, she ordered food in the nearest fast food chain.

"Luca," Vyrlle called for Light's attention. "Nag-order na lang ako sa pinakamalapit na fast food chain, tinatamad ako magluto."

Lumabas ito sa kwarto niya at agad siya na nilapitan. Akala ni Vyrlle ay may sasabihin ito sa kanya pero nagulat na lang siya nang buhatin siya ni Light at dinala sa loob ng kwarto niya. Dahan-dahan siya nito na inilapag sa kama, pagkatapos ay kinumutan.

"Sleep." Utos nito. "Gigisingin kita kapag dumating na ang pagkain na in-order mo."

Nanibago si Vyrlle sa temperatura kaya mabilis siya na umusog at sumiksik sa katawan ni Light. Wala itong choice kung hindi ang tumabi sa kanya. A soft smile appeared on his lips when Light started to stroke her hair using his long fingers, while his other hand was placed on her shoulder, mahina siya na tinatapik.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now