Chapter 46

12.5K 419 30
                                    

SI VYRLLE ang kumausap kay Caleb para makalabas na siya sa hospital. Hindi naman malala ang kondisyon niya para ikulong siya nito sa hospital nito. Pero kahit na nakalabas na siya, bantay sarado pa rin siya nito.

"Don't overdo it, Light," paalala sa kanya ni Caleb.

He sighed and placed his hand on his waist, habang ang isang kamay naman niya ay hawak ang hard hat niya.

"Come on, bud! Give me a damn break. Alam ko naman ang bawal sa akin." Light hissed.

Nasa site sila ng bagong village nila ngayon. Dito siya dumeretso pagkatapos niyang ayusin ang aberya sa kabilang site na hawak niya.

Caleb just shrugged his shoulders before he excused himself and left. He's still in contact with his doctor, checking if he's feeling something weird and sometimes Light was asking kung pwede na ba siya na makipagtalik.

Sa sobrang pagpipigil niya, halos hindi na siya tumabi sa pagtulog kay Vyrlle. After what happened to the hospital, he realised that a massive boner will drive him crazy. Masakit sa puson. Masakit din ang pag-aari niya.

"What is up, Meralco!"

Umamba siya na hahampasin si Castiel gamit ang hawak niyang drawing canister tube. Castiel just laughed at him. Nasalag kasi nito ang canister tube at kinuha 'yon sa kamay niya.

"Tapos ka na?" tanong ni Castiel sa kanya.

"Kanina pa. Nababagalan ako, Castiel." Light honestly said.

"Tang ina, chill ka lang kasi! Ibabalik kita sa hospital kapag minadali mo pa kami." Castiel warned.

They already celebrated Jillian's pregnancy. Laur was now busy with their upcoming wedding. Lumalaki na ang panganay ni Isabella, Angelyn at Shawn. Even his little sunshine.

"Ahh... may balak ka na no?" Castiel teased him.

He glanced at him sideways and sighed. Castiel already sees through him, what's the point of denying it?

"Tagal na," sagot niya.

"Congratulations! Gago, bakit hindi namin alam?" Castiel playfully punched his shoulder.

Kunot ang noo na humarap si Light sa kaibigan. "Bud, hindi ko pa binibigay ang singsing."

Nawala ang ngiti at excitement sa mukha ni Castiel nang marinig ang sinabi niya.

"Kupad mo naman."

He just laughed at him. Sinuot niya ang hard hat niya at naglibot ulit. He was thinking when was the right time to propose to Vyrlle.

But after some time, Light realised that there's no such perfect timing. It's up to him how he can make his proposal special.

Nang makauwi siya sa bahay nila, nandoon na ang mag-ina niya. Vyrlle was happily conversing with his mother and sisters, habang ang Papa naman nila ay nakikipaglaro kay Vystrelle.

"I'm home!" Light announced.

Agad na tumakbo si Vystrelle sa kanya nang marinig ang boses niya. Leaving his father alone. Tumawa lang si Light at sinalubong ang anak.

"Hello there, my little sunshine!" he greeted and kissed her cheeks. His daughter giggled and did the same thing to him.

"Ang lambing naman niyang apo ko! Kiss mo rin si Papa Lo?" singit ng Papa niya.

"Saan mo nakuha ang 'Papa Lo', Pa?" tanong niya sa Papa nila na pinipilit ang anak nila ni Vyrlle na ikiss din ito.

"Kay Brylle. Daddy Lo at Mommy Lo kasi ang gusto nang dalawa, edi gumaya 'yang Papa mo." Explain ng Mama nila sa kanya.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now