Chapter 18

11.5K 423 74
                                    

"OF COURSE, we should throw a party for my sisters!"

Humigpit ang hawak ni Vyrlle sa ballpen niya. Nasa sala silang lahat ngayon para pagusapan ang debut nilang magkambal, although, Rayos and her already talked. They're both busy and decided to drop the party idea. Pero sadyang makulit ang panganay na kapatid nila, lalo na at parang nagpa royal party ang mga magulang nila noong mag 21 ito.

"What's wrong, baby? You don't want to?" Agad na tanong ng Daddy nila nang makita siya nito.

She bit her lower lip. Mukhang hindi niya naitago ng mabuti ang iritasyon sa mukha niya.

"Isang beses lang 'yon, ayaw niyo ba ma experience?" Their father asked again. Hinagilap ng mga mata niya ang kambal, Rayos was also looking at her and shake her head slowly.

"No way..." Their brother scoffed.

Agad siyang sumimangot. "Look, as long as we want to. Hindi pwede, okay? Same date ang birthday namin at ang final examination namin!" Inis na sagot niya sa kapatid.

Jyrelle sighed heavily. "So? Take a special test or something." He suggested.

Umikot ang mga mata niya. Maipilit lang sana ang gusto.

Nagmamakaawa niyang tinignan ang Daddy nila at ganoon din ang ginawa ni Rayos. Unti unti na umaliwalas ang mukha nilang dalawa ni Rayos nang tumango na ang Daddy nila. They were, after all, his weakness.

"Dad!" Hindi makapaniwala na tawag ng Kuya nila sa Daddy nila.

"Shut up, Jv!" Their father hissed, kaya agad na tumahimik ang kapatid nila.

Humarap siya kay Rayos at nakipag apiran. Their mother was still busy as of the moment, but later, mamayang dinner. For sure, mapapapayag din nila ito sa gusto nila.

Their father stood up and started to prepare their dinner, kasama nito ang nakakatanda nilang kapatid. It was always like that kapag wala ang mommy nila sa bahay.

"Ion," tawag sa kanya ni Rayos.

"Hm?" She just hummed.

Tumayo ito at tumabi sa kanya. "Malapit na ang birthday natin and that means..." Sinadya talaga nito na hindi ituloy ang sasabihin.

Nanliit ang mga mata ni Vyrlle at pinitik ang noo ng kambal niya.

"What's your plan? Wala tayong debut, so, hindi isasabay ang birthday niya sa atin?" Bulong sa kanya ng kakambal niya.

Bahagya siyang bumaling sa may kusina. Their brother was eyeing them. She sighed and brushed her hair using her fingers.

"He's still in Chicago, right?"

"Yes, hindi pa sure kung uuwi siya o hindi. Makikibalita ako kay Grex." Nagtaas baba ang kilay ni Rayos.

Pabiro niya na sinabunutan ang kambal niya. "Bakit hindi si Leo ang atupagin mo ha?" Maangas na tanong niya rito.

Inayos ni Rayos ang buhok nito at dinamba ito ng yakap. "Hayaan mo siya, mauuna ang kambal ko bago siya!"

Tumawa lang siya sa kambal niya at tinulak na ito palayo sa kanya. They still have a lot of things to do. Unlike noong high school sila, may oras sila para magpahinga. Ngayon na college na sila, ultimo pagtulog nila, hindi na masasabing pahinga.

Nang dumating ang mommy nila, just what they expected, pumayag ito sa gusto nila. In one condition, of course.

"Sure, basta kapag nag 19 kayo, we're going to throw a party. You two will wear a gown, parang debut niyo na hindi." Magulo na pag eexplain ng mommy nila.

LCS 15: Light Perez (Completed)Where stories live. Discover now