one

71 5 4
                                    

painter : one

"Vivian, dito pa! Bilis, habang wala pa 'yong mga tao!"

Huminga ako ng malalim at itinapat ang camera ng phone sa kaibigan ko na naka-pose na.

"Hoy, Vivian, okay na?" bulong niya habang hindi pa rin umaalis sa pwesto niya.

Tumango ako nang isang beses at itinaas ang kamay saka ipinakita ang hinlalaki ko sa kanya.

"Tingin! Tingin!" Mabilis naman siyang pumunta sa pwesto ko at hinablot ang phone. "Ikaw naman! Tayo ka ro'n, bilis!" Tinulak niya ako papunta sa harapan ng isang painting.

Ngumuso ako sa kanya. "Mae, uwi na tayo. Kanina pa tayo rito sa gallery, eh. Hinihintay na nga yata tayo ng guard na lumayas," bulong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wow, naging second year college ka lang, gan'yan ka na?" Ngumiwi siya sa akin at tinipat sa akin ang

Mas humaba pa ang nguso ko dahil sa sinabi niya. "Sabi ko magdi-dinner ako kasama sina Dad, eh!"

Nasa 1335 Mabini kami ngayon at gabi na. Seven na nga yata, eh. Katatapos lang ng class namin—no, kanina pa pala natapos. Ilang oras na yata kami rito sa loob ng gallery, eh! Wala lang pinagawa sa amin prof namin, gala naman agad 'tong si Mae, tapos hila pa ako. Akala mo naman may pera ang hinila niya, pamasahe nga, wala!

"Sabihin mo dahil sa projects kaya ka na-late." Tumawa siya. "Tara na nga. Gabi na rin pala. Hatid na kita!"

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya ng pagkalaki-laki bago tumango.

Lumabas na kami ng gallery at sumakay na sa kotse niya.

"Sana hindi tayo madaliin ng prof natin sa projects na ipapagawa niya, hindi katulad no'ng last prof natin last year," satsat ni Mae.

Second Year Fine Arts Major in Painting students kaming dalawa ni Mae sa UP Diliman ngayon. Ang reason niya bakit BFA ang kinuha niya ay dahil gaya-gaya siya sa akin at hindi niya alam ang gagawin niya sa future. May gano'ng bang klase ng tao? Oo, siya. Walang iba kundi ang kaibigan ko na nagngangalang, Mae Alcantara.

"BFA pa," pangaasar ko sa kanya at nginisian siya.

"Wala ako ibang maisip na course, eh!" Dabog niya at pinaandar na ang sasakyan.

Inirapan ko siya. "Wala ka talagang plano sa buhay, 'te?"

Hindi maipinta ang mukha ko nang bigla siyang umiling. "Paano ka mabubuhay niyan?"

"Huminga siguro kada segundo." Kibit-balikat niya.

"Huwag mo na nga ako kausapin, gaga ka."

Tumawa lang siya sa kalokohan niya at ipinagpatuloy ang pag-iingay niya tungkol sa kurso naming dalawa.

"How about you? Hindi na ba galit si tiknik-sa-lalamunan na BFA kinuha mo?" bigla niyang tanong sa akin nang mahinto ang sasakyan dahil sa traffic.

"Galit, syempre. Sinayang ko lang daw oportinidad ko sa UP."

And by tiknik-sa-lalamunan, she meant my stepmother.

Pinitik niya ang kanyang dila at umiling-iling. "Hindi ba updated si tiknik-sa-lalamunan na madami na ulit ang interested sa arts ngayon? At saka, ang ganda ng mga gawa mo, hindi mo dapat sayangin. Sabi nga ni prof p'wede na i-display sa isang art gallery ang works mo. Malay mo ikaw na ang sunod na VVG!"

"Hoy, gaga. Anong VVG?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Vincent Van Gogh, duh?"

"Ay, beh. Huwag na. Kaya ko pa naman," sagot ko at tumawa nang malakas. Nangunot naman ang noo niya sa akin at mga ilang segundo lang ay mas malakas pa sa tawa ko ang tawa niya.

"Gago ka! Saan mo natutuhan mga gan'yang dark jokes?" Hinampas niya ako sa balikat.

Umiling lamang ako at hindi siya sinagot. Hindi ko rin alam kung saan ko natutunan mag gano'n, eh. Bigla na lang kasi lumabas sa bibig ko.

"Tama na nga. Balik tayo!" Pinakalma niya ang sarili sa pagtawa. "How about si Tito? Ano raw? Waley say pa rin ba?"

Ngumiti ako. "Kahit saan naman suportado si Papa. Si Tita lang talaga may ayaw. Bili pa ako ni Papa ng brushes kaya nag-away sila ni Tita last night."

Ngumiwi si Mae. "What? Away na naman? Sure ka bang wala kang ginawa kay tiknik-sa-lalamunan, kasi bakit sobrang laki yata ng galit niya sa 'yo?"

"Wala akong ginagawa sa kanya simula bata pa ako, ha! Sobrang bait ko nga sa kanya kahit ilang beses na niya ako sinasaktan. Galit lang talaga siya sa akin kasi bakit daw ako naging anak ni Papa." Bumuntong-hininga ako.

"May trabaho na ba siya?"

Umiling ako. "Wala pa rin."

"Aba, dapat nga magpasalamat siya may step-daughter siyang sobrang sipag at mayroong bright future! Pasalamat siya hindi magto-tongits anak niya sa kalsada sa future!"

Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil sa sinabi niya. "Tangina mo naman, eh! Akala ko serious bestfriend talk na, eh!"

"Hoy, seryoso nga! Galit na galit siya kasi BFA kinuha mo sa UP, at least hindi ka nagsusugal at matino kang anak!"

"Hayaan na nga lang daw sabi ni Papa. Talo pa rin kami kapag siya ang kaaway."

"Ay, ewan ko sa inyong dalawa na mag-ama," buntong-hininga niya. "Kumusta naman sina Tito two?"

Tumawa ako dahil sa gawi niya paano tawagin ang parents ko.

Ang gulo, 'no? Yes, mayroon pa akong biological parents. Long story short, my biological mother left me and my dad when I was five years old, and my father got remarried. Hindi ako nagustuhan ng babae na iyon. Ang babae na iyon ay ang pinag-uusapan lang namin ni Mae na palaging nagto-tongits. I was abused and hindi alam ni Papa iyon. Nalaman lang niya noong seven years old na ako. After niya malaman dahil ikinuwento ko, sinukuan niya ako. Kusa niya akong ibinigay sa owtoridad.

It was sad and heartbreaking, but nalaman ng biological mother ko. Kinuha niya ako. Akala ko noon kaming dalawa lang, pero may iba na rin palang pamilya si Mama no'n. She married a man na may anak na rin. It was messed up. I don't even understand kung ano pang role ko sa buhay nilang dalawa ni Papa kung may sarili na silang pamilya. But then, pinaramdam akin ng bagong asawa ni Mama na belong ako sa pamilya nila at tanggap nila ako. Nasa side na ako ni Mama for thirteen years and binibisita ko na lamang si Papa paminsan-minsan.

Minsan hindi ko rin alam kung saan ako lulugar. Kasi kahit na alam kong mahalaga pa rin ako kila Mama't Papa, may plano pa rin silang iba na hindi ako kasama. Na hindi kami bilang isang pamilya.

"Proud daw siya na naka abot ako nang second year sa BFA," sagot ko kay Mae saka tumawa.

"May handaan?" tanong naman bigla ni Mae.

Sinimangutan ko siya. "Wala. Bilisan mo na mag-drive. Late na ako sa dinner!"

Nginiwian lamang niya ako at nag-focus na muli sa pagmamaneho.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now