eight

40 4 0
                                    

painter : eight

I checked my phone screen one more time and decided to shut it when I saw that I still haven't received any messages from Blake.

Nandito na ako ngayon sa cafe shop na sinabi ko kay Blake kung saan kami p'wedeng mag-usap. Kanina pa nga akong ten o'clock naghihintay sa kanya rito. Ang oras na sinabi ko sa kanya kagabi ay ten o'clock kami nagkikita. Dios Mio, magdadalawang oras na ako rito! Pinagtitinginan na nga ako ng mga server dito dahil kanina pa ako order nang order ng cake nila! Naka tatlong plato na ako at dalawang cup ng kape!

Kapag talaga ako binibiro lang ng lalaking iyon, hindi ko siya mapapatawad at isusumbong ko siya sa ina n'ya ngayong kilala ko na! Hindi ko siya mapapatawad kapag hindi siya sisipot! Dapat ngayong oras ay nakabili na ako ng materials ko para sa painting ko ng mukha ng kapatid niya at nakauwi na. Hindi, eh! Ang tagal-tagal niya. Buti nalang at hindi sumama sa akin si Mama sa meeting na ito. Baka nga nasa isang salon na iyon at nakikipag chismisan lang, habang ako na-i-stress na rito kakahitay sa lalaking iyon!

Sumama nga si Mama, pero no'ng halos isang oras na ang lumipas, nagpaalam siya na papasok muna sa mall at maglilibot. Tawagan ko nalang daw siya kapag dumating na! Ma, hindi yata kita matatawagan. Hanggang ngayon wala pa rin 'yong hinihintay natin!

Pero, syempre, kalma. Sabi nga nila don't judge the book by it's cover. Hindi ko pa naman nakikilala ng lalaking iyon. Malay ko ba kung may emergency lang na nangyari katulad nangyari nakaraan, 'di ba? Stay calm muna. May social media naman para i-expose ko siya na bogus buyer. Joke lang.

Tumingin ako sa relo ko sa kamay bago ilapag sa lamesa ang pagmumukha ko. "Ah... Ang tagal," buntong hininga ko.

Bumuntong-hininga muli ako nang bigla na lamang akong may maramdaman na kumalabit sa balikat ko. Nilingon ko ang likod ko at nagulat ng makita ko sina Kuya Duke at Kendrick.

"What are you doing here?" tanong ni Kuya Duke bago umupo sa harapan ko. Sumunod naman sa kanya si Kuya Kendrick at nginitian ako.

Malanta akong hinarap silang dalawa. "Na-joke time yata ako, Kuya," bulong ko at ngumuso.

Lumawak naman ang ngiti ni Kuya Duke. "Sabi ko sa 'yo, kami nalang ulit kakausap, eh."

"Sabi n'yo busy kayo?"

Umiling silang dalawa nang sabay. "Next week pa. 'Di ba sasama ka sa amin mamaya?" ani Kuya Duke.

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang sinabi niya. Sinabi ko nga pala na sasama ako sa gig nila mamaya. Hindi na naman pala ako makakapunta kila Papa.

"Ano ba sabi ni Jang?" tanong ni Kuya Kendrick.

By Jang, he meant Blake. Blake Jang pala ang pangalan ng lalaking 'yon. Nasa blocklist ko na siya. "Bogus buyer ng taon" ilalagay ko.

"Okay daw. Pupunta siya. 'Yong OTW niya, two hours ago pa." Umirap ako na kinatawa naman nilang dalawa. "Bakit tuwing kayo ang kakausap sa client, lumilitaw agad sila? Kapag ako, wala? Kaya nakakahiyang ipakita mukha ko, eh!"

"Nasa wrong client ka lang talaga, sis. Two hours na ba? Tara na. Baka nga jino-joke time ka lang ng lalaking 'yon. Knowing him, baka nga nakalimutan na niya na may ka-meet up siya.

Napataas ang isa kong kilay. "You know him personally, Kuya?" tanong ko kay Kuya Kendrick.

"Yeah! But hindi kami close. Siguro sila ni Darius close pa, pero kami? No. Kilala ko lang talaga siya kasi palagi 'yon nasa bahay no'ng bata pa kami! Si Duke pa nga nag-aalaga sa lalaking 'yon!"

Inilipat ko ang tingi ko kay Kuya Duke at nakita ko naman na tumango siya. "I did."

Sa mga nagdaang taon, sila Kuya ang kumakausap sa mga client ko. As in hindi ako nagpapakita. Delivery guy ko ba sila, gano'n. Sila ang nakikipag-usap sa mga past client ko lalo na kapag commissioned art. Hindi sa gusto ko talagang itago ang sarili ko, pero bad timing talaga ang panahon minsan. Palagi akong busy at inihahabilin ko na lamang sa kanila. Kaya nga malakas ang bussiness ko sa mga babae, eh. Ganito ba naman ka-gwapo ang delivery guy nila?

Stuck Staring at You | ongoingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora