eighteen

14 1 0
                                    

painter : eighteen

"What the fuck was that!" Nang bumalik ako sa mesa namin ay humahagalpak na ng tawa si Mae.

Tumawa rin naman ako habang inaalala ang nangyari kanina lang sa stage. Ang daming nangyari sa isang kanta palang, 'yong pangalawa pa namin ay para na kaming tanga ni Blake dahil siya nakakailang piyok na, at ako naman ay hindi makapag-isip nang maayos dahil sa pagpipigil ng tawa. Mukha kaming baliw na dalawa na kumanta dahil pareho kaming nagpipigil ng tawa.

Umupo ako sa tabi ni Mae at hinampas siya. "Bunganga mo nga!"

Hindi pa rin siya tumigil sa katatawa at doon ko lang napagtanto na mali ang pwesto na inupuan ko. Nabubugbog ako ng hampas ni Mae kada tawa niya. Tumayo ako at tumabi sa gilid ni Kuya Duke.

"I did not think na the both of you will be great duo," aniya nang makaupo ako. Sumandal ako sa kanya at itinago ang mukha dahil sa hiya.

Kalahati sa mga tao ay naka tingin sa akin habang tumatawa. Ito na yata ang pinaka hindi seryoso kong performance. Hindi great 'yon!

"Isa ka pa," bulong ko kay sa kanya at hinampas siya sa balikat. Narinig ko naman siyang tumawa at inakbayan niya ako.

"Matutuwa si Mama niyan kapag nalaman niya friends pala kayo ni Jang!" dagdag niya pa sa kanyang pangaasar.

Umiling naman kaagad ako at bumangon. "Sino nagsabi na friends kami? Imaginary chismosa?" pag-irap ko at pinag-kros ang mga braso habang naka masid kay Blake na ngayon ay inaalok ng kung sino-sino ng inumin.

Si tanga naman tinatanggap lahat. Hindi naman halata na maharot siya, ano? Puro drinks na ino-offer lang ng mga babae ang tinatanggap niya, eh! Inilabas ko ang dila ko dahil sa pandiri nang makitang halikan niya ang isang babae sa pisngi after siya nito abutan ng drinks. Oh, 'di ba makati ang asungot. Nag-usap pa sila ng babae saglit bago ko makita na nagtanguan sila na at umalis bigla. Ayaw ko na isipin kung ano ang gagawin nila. Magkakasala pa ako!

"Mukha kaya kayong close kanina habang kumakanta sa stage dahil tawa kayo nang tawa!"

Muling umikot ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Kuya Darius na ngayon ay naka tayo at naka pamulsa.

I extended my middle finger toward him secretly. "Kausapin mo nalang sarili mo!" pagtataray ko sa kanya.

"Duke, oh! Tignan mo daliri, bastos!" Pagtuturo niya sa akin. Ibinaba ko naman kaagad ang daliri ko at sumakto iyon nang tumingin sa kamay ko si Kuya Duke. Ngumisi naman ako nang alisin ni Kuya Duke ang tingin niya sa akin at sinamaan ng tingin si Kuya Darius. And once again, people, I won!

Si Kuya Duke kaya ang palaging nag-aalaga sa akin no'ng bata pa lamang ako, symepre mabait ako sa paningin niya at never akong gagawa ng kagagahan katulad ng ginagawa ni Kuya Darius. Kaya nga palagi kami nagtatalo dahil ako na raw kasi ang favorite ni Kuya Duke. Ano magagawa ko, e malakas ako?

Bumuntong-hininga si Kuya Duke at tumayo na.

"Saan punta?" tanong ko. Baka kasi kapag umalis siya, sugurin ako ni Kuya Darius!

Itinuro niya ang stage. "Sing. Ayon naman palagi natin ginagawa tuwing nandito tayo, right?" Ngumiti siya sa akin at inabot sa akin ang isang kumpol ng pera. "If you're bored, go to the mall. Doon ka namin susunduin mamaya. Medyo magtatagal kami rito, si Kendrick pumili ng mga kanta, eh."

Parang lumiwanag ang buhay ko dahil sa sinabi ni Kuya Duke. Kinuha ko naman agad ang pera at tinanguan siya. "Okay!" Sino ba tatanggi sa pera?

"Oy, ako rin bored na!" singit naman ni Kuya Darius.

Umirap si Kuya Duke at hinampas siya sa balikat. "Shut up and start walking," ani nito.

Nakita ko pa ngumuso si Kuya Darius at sinamaan pa ako ng tingin, pero itinaas ko lamang ang kumpol ng pera na hawak ko saka inilabas ang dila upang asarin siya. Success naman ang pangaasar ko dahil halata sa lakad niya na nagdadabog siya at ilang beses siyang sinapul ni Kuya Duke sa ulo upang manahimik.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now