three

53 4 0
                                    

painter : three

After naming mag-dinner, umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Wala akong nagawa kanina kundi ang pumayag na sumama next-next week kay Mama sa birthday ng asawa ng kaibigan niya. Isama ba naman sa usapan na sisikat ang mga gawa ko, e sino ba hihindi sa gano'n? It's a dream come true na maisabit sa isang art gallery ang gawa ng isang painter.

At saka, walang sawa akong inasar nila Kuya. Kung ano-ano pinagsasabi. Sabihin ba naman sa harapan nila Mamam ang mga kalokohan nila katulad ng it's a win-win situation daw. Kapag nawala ang isa kambal, p'wede hiramin pa ang isa. Ni hindi ko nga kilala 'yong kambal na sinasabi nilang tatlo!

Inilapag ko sa lamesa ang ibinigay sa akin ni Daddy na regalo bago magbihis ng damit. He gave me gouache. Sabi niya I can use it for my future works. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako binibigyan ng regalo tuwing nagmo-moving up ako, but thankful ako. Nagagamit ko talaga lahat ng regalo niya sa akin.

After ko magbihis ay hinarap ko ang easel kung saan meron akong canvas na hindi pa natatapos. This is not a project sa school at nakatuwaan ko lang ipinta. I have been imagining and dreaming this guy's face for the past few weeks. Hindi siya isang pamilyar na itsura, pero grabe 'yong vision ko sa kanya. Imaginary friend kung p'wede siguo tawagin ito ng mga tao. May mga time na wala akong magawa sa buhay ko at itsura agad ng lalaking ito ang pumapasok sa isipan ko. Illusion? Hallucination? Hindi naman siguro. Malawak lang talaga isipan ko. It's normal lang naman to draw random people's faces.

Huminga ako nang malalim bago kunin ang palette at paint brushes ko upang tapusin ang painting. It's a guy na naka side view pose at ang background ay dagat, at for more dramatic effects, I added na rin ang palubog na araw. He is smiling brightly. And his hair is being blown by the strong wind.

Itinuloy ko ang pagpinta sa canvas dahil patapos na rin naman na. Kong add nalang ng details sa mukha niya ay tapos na. Guhit doon, guhit dito. Hanggang sa matapos ko na ang painting at wala na akong makitang kailangang i-render ay tumayo na ako at inilabas ang cellphone upang pictre-an ito.

Aba, syempre kailangan kong i-flex 'to. Mayabang ako, eh!

Itinapat ko ang camera ng phone ko sa canvas at iki-click na sana ang capture butoon nang makpansin ko na kulang pa pala.

Wala 'yong mole niya sa baba ng left eye niya.

Kinuha ko ang pinaka maliit kong paint brush at tinuldukan ang baba ng right eye nito.

Tinitigan ko saglit ang gawa ko. "Bakit ang pogi nito?" tanong ko bago tumawa at ibinalik sa katinuan ang sarili.

Madami akong kinuhang picture, iba-iba pa angle, pero isang picture lang i-upload ko sa Instagram account ko.

Madami akong kinuhang picture, iba-iba pa angle, pero isang picture lang i-upload ko sa Instagram account ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

fayetings_ perfection

Napangiti ako nang makita na mabilis dumami ang likes nito. Hindi sa pagmamayabang, pero madami akong followers! I'm using my second name rin dahil para mala-anonymous sikat painter ako. Gano'n mga uso ngayon, eh. Tapos mas lalo pa silang sisikat kapag nag-face reveal na kasi na-bash sila!

Inayos at iniligpit ko na ang mga gamit ko bago humilata sa kama ko. Nag-browse lang ako saglit sa mga social media accounts ko at nakibasa ng chismis ni Mae sa akin bago matulog.

Kinabukasan ay nagising ako nang maaga para ayusin ang mga kailangan kong dalhin ngayon sa campus para sa activity namin. As in maaga talaga. Six o'clock palang ay gising na ako para ayusin. Nakakahiya na kasi kila Daddy at saka sa kapit-bahay. Baka kapag nag-ingay pa ako ay kumatok na nga talaga sila.

Pagkatapos kong ayusin ang susuotin at dadalhin ko ay bumaba na ako sa kusina para magluto ng agahan ko. Pagkapasok ko sa kusina ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Kuya Darius na nilalamon ang cake na binili para sa akin ni Daddy.

"Sana pala nilagyan ko 'yan ng lason kagabi," wika ko at tinabig ang braso niya papalakad sa fridge.

"Wow, naging famous ka lang, gan'yan ka na?" sagot niya sa akin na puno ang bibig.

Umirap ako. "Famous saan?" Kinuha ko ang tubig at nagsalin sa baso.

"Sa IG mo!" giit niya at nagtatalon sa likod ko habang nakahawak pa balikat ko kaya nayuyugyog ako.

"Aray ko! Painumin mo naman ako!" giit ko at nginusuan siya.

"Ay, sorry, sorry, Madam! Penge ako signature mo, iinggitin ko mga ka-batch ko!"

"Saang IG ba? Dalawa IG account ko," ani ko habang umiinom ng tubig.

"'Yong fayetings mo!"

Umatras ako at tinaasan siya ng kilay. "Ayaw ko nga. Dapat secret lang identity ko ro'n!"

Nginiwian niya ko. "Dami mo alam. Secret ka pa dyan, ayaw mo ba makilala? Gagi, 'yong painting na pinost mo kagabi, kilala ko. Baka willing siya bilhin 'yon!"

Natigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ko ang sinabi niya.

"Anong kilala mo? 'Di ko nga kilala 'yong painting ko na 'yon."

His forehead creased but then smile later on. "Ah! Crush mo siguro si Blake kaya pa-mysterious ka dyan. Fine, 'yong signature mo nalang na faye ang isulat mo. Hindi ko na rin sasabihin na kilala kita."

Ako naman ang ngumiwi sa kanya. "Kuya, hindi ko nga kilala 'yong na-drawing ko! Malay ko ba na totoo palang tao 'yon!" Kibit-balikat ko.

Natigilan naman siya. Nakipagtitigan pa sa akin at nang hindi ako nagsalita ay nangunot muli ang noo niya. "Seryoso ka? Imagination mo lang 'yon?"

Tumango ako sa kanya. "Oo. Malay ko ba na may gano'ng klase ng lalaki na humihinga rito sa mundo?"

Tumawa naman siya at ginulo bigla ang buhok ko. "Hindi ko alam kung binibiro mo ako o kung gusto mo lang talaga hindi mahuli na crush mo 'yong bastketball player na 'yon, pero sige. Kumain ka na. Ayon, Mom packed the food from last night for Mae raw."

"Ano kakainin ko kung kinakain mo na ang dapat na breakfast ko?" bulong ko at tinabig ang kamay niya na nakapatong pa rin sa ulo ko.

"This is yours?" tanong niya na parang hindi makapaniwala. "Akala ko kay Kendrick. Sorry, sis! Love you!" pagkasabi niya no'n ay lumayas na siya sa harapan ko.

"Sorry, sis. Love you," I mocked him.

Binuksan ko muli ang fridge at naghanap ng p'wedeng maluto dahil gutom na gutom na ako. 

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now