six

41 4 0
                                    

painter : six

Parang sobrang bilis ng Friday. Siguro dahil wala kaming ginawa kahapon na mahirap sa class at nag-chill lang.

Today's Saturday. Maaga akong ginising ni Mama dahil baka nakalimutan ko raw na isasama niya ako sa meet nila ng old friend niya. Mga six o'clock palang yata ay ginising na niya ako. Eight o'clock na at nagbibihis nalang ako. Kanina pa ako pinapa madali ni Mama dahil baka raw naghihintay na ang ka-meet niya.

Sinong tao ang makikipag kita nang sobrang aga? I mean, hindi ba p'wedeng mamayang lunch nalang? They must be very busy people kung ganito.

"Iana, nasaan ka na?" Rinig kong sigaw na tanong ni Mama sa akin mula sa labas ng kwarto ko. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko at binuksan na ang pinto.

"Aayusin ko lang po bag ko," wika ko nang mabuksan ko ang pinto. Sinalubong naman agad ako ng mukha ni Mama na may malaking ngiti sa labi.

Tinanguan niya ako at pumasok sa kwarto ko. "Saglit lang naman tayo, tapos mamili na tayo ng damit mo."

I picked up my white mini shoulder bag and put the things I needed. Plano ko sanang pumunta sa BGC para maggala at bumili siguro ng mga art materials na wala at paubos na ako after namin mamili ni Mama. Hindi ko pa nasasabi sa kanya, pero baka sumama siya kapag sinabi ko. Wala namang problema sa akin, ganito ang bonding namin ni Mama magmula noong kinuha niya ako kay Papa, eh. Palagi niya akong ginagala.

"May pupuntahan ka ba o balak pang ibang bilhin?" tanong bigla ni Mama.

Inayos ko ang pag-tuck ng top ko sa pants bago tumingin sa kanya.

"Dala mo kasi ang wallet mo," dugtong niya pa.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Opo. Bibili po sana ako ng bago kong art materials at dadaanan ko rin po si Papa," sagot ko.

Tuwing weekend, palagi akong dumadalaw kay Papa para magkamustahan kami, okay naman kay Mama at pinapayagan niya ako. Pareho lang kami ng problema. Ang bagong asawa ni Papa. Syempre kung galit siya sa anak, galit din siya sa dating asawa.

"Hinihingan ka pa rin ba ng babae na nakatira sa kanya ng pera?" Kunot-noong tanong ni Mama sa akin.

I smiled awkwardly. Minsan, hinihingan ako ng pera ni tinik-sa-lalamunan. Kapag hindi ko siya binigyan, hindi niya ako papauwiin kaya wala akong magawa kundi ang mag-abot.

Nalaglag ang balikat ni Mama. "Hindi ba sabi ko sa 'yo huwag mo na siyang bigyan?"

Alam ni Mama na hinihingan ako ng babae ni Papa ng pera, pero hindi niya alam na kapag hindi ako nagbigay, sinasaktan ako. Wala rin akong balak na sabihin sa kanya dahil alam ko ang kayang gawin ni Mama. Ang mas safe na gawin ay ibigay nalang ang gusto ng babae.

"Hindi naman po malaki ang hinihingi niya," nahihiya kong sagot sa kanya.

Inilingan ako ni Mama. "Sino ba siya para mabigyan ng pera? Kapag nanghingi ulit sa 'yo mamaya, sabihin mo sa akin. Hindi siya sumusunod sa usapan, p'wede kong siyang isumbong sa owtoridad, alam niya 'yan. Alam niya na may kasunduan kaming pinirmahan. Grabeng kakapalan ng mukha ang mayroon siya habang tumatagal, ah."

Tumawa ako ng mahina at tumango sa kanya. "Opo. At saka, sinisita naman siya ni Papa. Hindi niyo na po kailangan kausapin. Nagkukusa naman ako."

Her expression softened. "Kapag sumobra sa isang daan ang hiningi niya, huwag kang magbibigay, ha." She spread her arms wide and hugged me while dragging me out of my room. "Tara na, ayaw sa late ng ka-meet natin!"

"Ma, 'yong Irina ba ang kakausapin natin? 'Di ba sabi mo nangongolekta pamilya nila ng paintings?" kuryos ko na tanong pagkapasok sa loob ng kotse.

Tumawa siya ng mahina at nagsimula na magmaneho. "Yes, kaya gusto ko sana sa kanya mo ibenta ang latest artwork mo dahil sikat ang art gallery nila, paniguradong maraming tao ang makakakita at makaka appreciate ng gawa mo. And pinakita ko sa kanya ang iba mo pang works, she loved it. Malay mo hindi lang isa ang bilhin niya na work mo?" she answered, winking.

I smiled brightly. Mom really knows how to make me smile. Bilang isang aspiring painter, gusto ko talagang makilala ng mga tao ang gawa ko. Kahit hindi na nila ako kilalanin, basta makita lang nila ang gawa ko, okay na ako. Seeing and hearing people compliment my works makes my heart flutter. Mas tumataas ang pangarap ko.

"Ma, do you think other people will love my works if makikita nila sa isang art gallery?"

She glanced at me and then smiled. "Of course."

Ramdam ko ang pagkainit ng pisngi ko dahil sa kilig. Hindi ito ang first time na sinabi ni Mama na maraming tao ang magugustuhan ang mga gawa ko, pero iba pa rin ang pakiramdam tuwing naririnig ko ang pagsang ayon niya.

Buong biyahe namin ay pinag-usapan lang namin kung ano ang gagawin ko buka. Niyaya kasi ako ni Kuya Kendrick sa concert na pupuntahan niya bukas. Sasama rin yata sina Kuya Duke at Darius.

Nang makarating kami sa tapat ng cafe kung saan magkikita kami ng kaibigan ni Mama ay inayos ko muna ang sarili ko. Inakbayan ako ni Mama at pumasok na kami sa loob ng cafe. Inilibot naming dalawa ni Mama ang paningin namin at hinila na lamang ako ni Mama bigla papunta sa isang lamesa.

"Irina!" Mama greeted the woman sitting and drinking her coffee.

Itinaas ng babae sa amin ang tingin niya at mabilis namang kumorte ang ngiti sa labi niya nang makita niya si Mama.

"Iliana, it's nice seeing you again!" Tumayo ang babae at nakipag beso kay Mama. Nang humiwalay na sila sa isa't isa, inakbayan ako ni Mama papalapit sa kanya.

"This is my daughter, Viviana!" Mama looked at me, signaling me to say hi.

Tumingin ako sa babae at inilahad ko ang palad ko. "Viviana po," wika ko at ngumiti.

"Nice to meet you, Viviana. I'm Mrs. Irina Jang, you can call me Tita Irina," ani Tita Irina. "Sit down. Alam ko may bussiness tayo ngayong araw?"

Humagikgik si Mama. "Dinala ko na nga. Nasabi ko na sa kanya na interested ka sa painting niya, she's happy to talk to you about it naman."

Tumango ako sa lahat ng sinabi ni Mama. Kinakabahan ako dahil ngayon ako makikipag-usap sa taong katulad niya. May mga client naman ako noon pero hindi ako ganito kakaba. O baka excitement lang 'to? Huwag sana ma-jinx.

"Viviana, I'm interested sa latest portrait painting mo. The guy painting that went viral? That one. Ang kaso, your Mom said na ang mga portrait painting mo ay hindi mo binebenta. I'm willing to pay any amount."

"Mom and I talked na rin po and it's fine naman po!"

Wala na akong masabi. Ano sasabihin ko?

Tumingin ako kay Mama para humingi ng tulong. Nang makita naman niya na nakanguso ako sa kanya, tumawa siya at siya na ang kumausap. Nagtagal ang usapan namin dahil si Mama ang nagsalita.

"But, I'm not planning to put the portrait sa gallery namin."

Nahinto ako sa pag-inom ng coffee ko.

"Oh," bulong ko at yumuko. Naramdaman ko naman na hinaplos ni Mama ang buhok ko.

"Remember? I told you na Irina has twin boys? Anak, you accidentally drew one of her sons. Irina loved the painting dahil sobrang detailed. She thought you drew her son, but when I told her na you used your imagination to paint the portrait, she was amazed."

"Ireregalo ko sana sa anak ko. He will be amazed. Hindi lang sa maganda ang painting, sure ako na magugulat din siya kapag sinabi kong hindi alam ng painter na nag-e-exist pala ang gano'ng mukha sa mundo. Also, he's a big fan of arts. Baka you want to meet him?"

Nanlalaki ang mata kong nagsalit-salit ang tingin kay Mama at kay Tita Irina.

"Don't worry. May lima pa akong nagustuhan na artworks mo na gusto ko sanang ilagay sa art gallery namin."

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now