five

39 4 0
                                    

painter : five

"Ni-reply-an mo na siya?" Pang hindi ko na mabilang na tanong sa akin ni Mae.

Tapos na kami kumain lahat-lahat, hindi pa rin siya tumatahimik tungkol sa message sa akin ni Blake sa account ko. Kahit nga may activity kaming ginagawa kanina, ang daldal niya. Kailangan ko raw reply-an ang message ng lalaking iyon dahil baka malaking pera ang i-o-offer, o 'di kaya baka ro'n na raw magsisimula ang love story ko. Marami pa siyang ibang dinaldal. Halos hindi ko nga matapos ang activity ko kanina dahil hindi ako makapag-focus.

"Mae, oo, re-reply-an ko!" giit ko at sinamaan siya ng tingin dahil bukod sa paulit-ulit na tanong, paulit-ulit niya akong sinisiko sa tagiliran ko.

Hinampas niya ako sa balikat. "Ngayon na!"

Hindi yata hampas iyon. Tulak na yata. Muntik akong madapa dahil sa hampas niya! Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot dahil uwian na at driver ko siya. Just kidding. Siya naman palagi nag-o-offer na ihatid ako.

Who needs a boyfriend if you have Maeya Alcantara?

"Tangina mo, beh. Bakit ka ngumingisi mag-isa dyan?" Kinalabit niya ako. "Sorry na nga, eh. Napalakas yata hampas ko, hehe! Baka pinagpa-planuhan mo na pagpatay mo sa akin, ha?"

Tumawa ako ng mahina at iniwagayway ang kamay. "Hindi, ah. May naisip lamg ako," sagot ko bago tumawa muli ngunit mas malakas na ngayon.

Nginiwian niya ako. "Magpasundo ka nalang pala sa mga kuya mo. Ayaw kita ihatid ngayong gabi."

Ngumiti ako ng nakakaloko at saka kumapit sa braso niya. "Hindi, beh. Ihahatid mo ako. Busy sila kuya ngayon kaya ikaw maghatid sa akin. 'Di ba sabi mo wala ka namang gagawin?"

"Putanginang ngiti 'yan. Mas malala pa sa demonyo!"

Hinampas ko ang ulo niya. "Hoy, nakaka insulto 'yon, ah! Ang ganda-ganda ng ngiti ko tapos ikukumpara mo sa demonyo?"

"Then don't smile like that! You're scaring me na. Baka mamaya masampal kita ng wala sa oras!"

Hindi ko inalis sa mukha ko ang ngiti ko hanggang sa makasakay kami sa kotse niya kaya kanina pa siya bumubulong ng dasal. May ibang language na nga rin siyang binabanggit. Feeling ko mas mauuna pa siya mabaliw kaysa sa akin dahil sa ngiti ko.

Grabe, gano'n na ba talaga ako kaganda? Nababaliw na mga tao sa ngiti ko?

Magsasalita na sana ako ngunit narandaman ko na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng bag ko. Kinuha ko agad iyon dahil baka si Papa iyon at baka pinapapunta ako sa kanila. Pinapayagan pa rin naman ako ni Mama na makita si Papa paminsan-minsan kapag gusto akong makita ni Papa. Isa lang ang problema ro'n, eh. Si tiknik-sa-lalamunan. Ayaw na ayaw niya akong nakikita. Pati nga anak niya galit sa akin kahit na wala akong ginagawa sa kanila.

Pagkabukas ko ng phone, hindi pangalan ni Papa ang nakita ko sa screen.

INSTAGRAM

(blkblck): You can name your price. I'm willing to pay any amount for your latest painting, ang pogi ko kasi ro'n.

Nawala ang ngiti ko sa labi pagkatapos ko mabasa ang message.

Saan kaya nakakakuha ng kakapalan ng mukha ang mga tao para mag-assume na para sa kanila 'yong isang bagay na nakita nila na may pagkapareha sa pagkatao nila?

Well, since customer yata siya, oras na yata para makipag-plastikan. Wala naman talaga akong balak na ibenta sa kanya ang painting na kamukha niya, kaya nga hindi ko nire-reply-an, pero ibang usapan na kapag, "name your price" na. Leave ko nalang sana on read kaso sinabi niya ang magic word na gustong gusto kong marinig... o mabasa.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now