four

45 4 0
                                    

painter : four

"Viviana!"

Nahinto ako sa pagkagat ko sa burger na kinakain ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Mae ng pangalan ko. Sinamaan ko ng tingin nang makarating siya sa harapan ko habang hingal na hingal.

"Problema mo? Bitin ba 'yong nilagay ni Mama sa lunch box?" irita kong tanong sa kanya bago kumagat sa burger ko.

Break namin ngayon kaya kung saan-saang lupalop ng university naglakuwatsa ang babaitang ito. Iwan ba naman ako pagkatapos kong makabili ng pagkain tapos ngayon babalik siya?

Umupo siya sa harapan ko dahil nasa pabilog ako ngayon na lamesa. "T*ngina ka, ang landi mo!" giit niya at tinampal ang burger ko.

Binigyan ko siya ng masamang tingin dahil sa ginawa niya at nag-sorry naman agad siya.

"Ano ba 'yon? Sino ba nilandi ko?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya habang inuubos na ang pagkain ko dahil baka mamaya ay lumipad na dahil sa sampal ng babaita.

May nilalandi ba ako? Minsan talaga kung ano-ano nalang na chismis dala-dala nito, eh. Kanino naman kaya narinig 'yon? Noong nakaraan, ang nasagap niya na chismis tungkol sa akin ay buntis daw ako. Saan niya nakuha? Sa manong nagbebenta ng tusok-tusok. Palagi raw kasi ako naghahanap ng maasim na mangga. Hindi ba p'wedeng ayon nalang ang kaya ng pera ko? Mga tao talaga sa mundo, eh. Hindi na tuloy ako suki ni manong.

"Taga ibang university pa talaga target mo!"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Hoy, beh. Poser 'yan. Wala ako nilalandi sa social media, lalo na sa IG!"

"Bakit, hindi ka ba si fayetings? Lalandi ka na ngalang, pampuhunan mo pa na account ang gamit mo!" Binatukan niya ako kaya nasamid ako. Buti nalang at nalunok ko na ang last bite ko sa pagkain, kundi baka may iniiyakan na 'to sa sahig.

"Ano ba meron doon?" Umirap ako. "Saka, ang ingay mo, g*ga! 'Wag mo nga ako tawagin na Faye, langya ka."

Maliban kay Mae at sa pamilya ko, wala na nakaka alam na ako ang nagmamay ari ng account na fayetings sa IG, tapos itong babae naman na 'to, ang laki ng bunganga. Tatahiin ko na bibig nito, eh.

"'Yong latest post mo kasi! Ano 'yon, beh? Early soft launch? Bakit mo dinrawing si Blake?"

Blake na naman.

I took a deep breath and rested my hands on my legs. "Hindi ko nga kilala 'yon! Na-imagine ko lang 'yong mukha ng gano'ng lalaki. Hindi ko naman alam na may gano'n palang ka-gwapo na lalaki na buhay ngayon?"

Natahimik naman siya. "Seryoso?"

"Mae, maputol man tainga ko ngayon," buntong-hininga ko.

"Weh?"

Ipinakita ko sa kanya ang palad ko. "Weh mo mukha mo. Gusto mo ba dumapo 'to sa pagmumukha mo? Tatanong ka tapos hindi maniniwala." Umirap ako ngunit tumawa lamang siya.

"Sige, sabi mo, eh." Nagkibit-balikat siya. "Gusto mo makilala?" mabilis niyang tanong.

I crossed my arms over my chest. "Hindi na. Hindi na ako napopogian sa kanya. Noong ini-imagine ko, sobrang pogi pa niya. Ngayon, hindi na since may kamukha pala siya."

"BLKBLCK username niya sa IG."

Inilabas ko agad ang phone ko at binuksan ang instagram ko bago i-search ang binanggit niya na letters. Mabilis naman na pumunta sa tabi ko si Mae at sumilip sa phone ko.

"Hala, may follow back button! Bakit siya naka follow sa 'yo?" gulat na tanong nito.

Nanlalaki ang mata ko na tiningnan si Mae habang nakaturo sa pinned post ni Blake sa IG. Ang unang pinned post niya ay nakasuot siya ng UST basketball jersey habang may hawak na bola sa gilid niya. Ang pangalawa naman niyang pinned post ay kalahati lang ng katawan niya ang kita sa litrato dahil nakalubog sa tubig ang kalahati niyang katawan. Nakatopless siya at naka sunglasses pa habang naka pose na parang may tinitignan sa langit. Ang panghuli naman niyang pinned post ay naka sakay siya sa malaking motor habang hawak ang helmet. Parang mga motor ng racer. Ka-match ng kulay ng damit niya ang kulay ng motor niya, kulay asul.

"Oh, 'di ba sabi ko sa 'yo ang pogi!" Hinampas ako ni Mae sa balikat ko hindi ko iyon ininda at nag-scroll up pa para makita ang iba niya pang uploads.

Niyugyog ako ni Mae. "Hoy, Iana. Mamaya na maglaway, gagi ka. Tignan mo, oh! Naka follow siya sa 'yo, follow back mo!"

"Bakit naman niya ako i-fo-follow?" Tinignan ko ang kanina pa na tinuturo ni Mae na follow back button at nahagip ng mata ko ang profile ko sa baba.

Napanganga ako dahil ang gamit ko pa palang account ay ang fayetings ko na account. Ang account ko na pang post ko ng artworks ang pina-follow niya!

"Mae, hindi ko ito main account," natigil si babae sa pagyugyog sa akin. "'Yong fayetings ko na account 'to!"

"Hala ka! Maybe the reason na naka-follow siya sa 'yo dyan ay dahil nakita niya ang drawing mo na mukha niya?" giit ni Mae na nagpataranta sa akin. "Block mo, beh!" dugtong niya pa.

"Block? 'Wag na. Paano ba mag-delete ng account sa IG?" Pinatay ko agad ang phone ko at sinuntok si Mae sa balikat niya. Napa aray naman siya pero inirapan ko lang siya dahil sobrang hina kaya ng suntok ko na 'yon!

"Ay, pero what if good thing pala 'yong reason ng pag-follow niya sa 'yo? Malay mo gusto niya bilhin 'yong artwork? Or baka gusto niya magpa-commission sa 'yo? Look muna tayo sa bright side bago sa side na madilim!"

Kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. "What if mo palaging mali. 'Wag nga ako, Maeya!"

"What if tama na pala ako this time?" Ngumisi siya ng pagkalaki-laki.

I held up my middle finger. "What if tigilan mo na kaka-what if mo?"

Tumawa naman siya at niyakap ako. "Try lang natin, bilis! Follow back mo tapos chat mo na agad. Doon ka naman magaling, mag-first move!"

Umiling ako.

"Sus, pakipot pa. Ayaw mo may ipagmamalaki ka na may ex kang gwapo?"

"T*ngina mo. Ex agad, e hindi pa nga kami nag-uusap!"

Kinuha niya ang phone ko mula sa kamay ko at binuksan iyon. "Kaya nga dapat i-chat mo na! Ito, ako na bahala sa first message—"

Tumaas ang kilay ko nang tumigil si Mae sa pagsasalita. Pati yata s paghinga, natigil siya, eh.

"Problema? May nag-pop up ba na bastos?"

Umiling naman siya at iniharap sa akin ang screen ng phone ko. "Hindi mo na kailangan mag-first move. Siya na nauna."

blake
blkblck • Instagram
121k followers • 104 posts
You don't follow each other on Instagram

: Hi! Are you planning to sell your works? I'm interested.

Stuck Staring at You | ongoingOnde histórias criam vida. Descubra agora