twenty

16 2 0
                                    

painter : twenty

Blake talked to the guy operating the music while I got ready on stage.

"I'm only doing this because I feel guilty," bulong ko sa sarili ko at umiling.

Bwisit na guilty feeling 'to, dinala pa ako sa ganitong sitwasyon. Wala naman akong balak na pumayag talaga, pero hindi ko lang talaga ma-imagine na may masasaktan ako na tao dahil sa gusto ko lang maghiganti. Sabi ko nga, may puso ako.

Nahinto ako sa pagsuot ng strap ng gitara sa katawan ko nang hindi ko na marinig ang malakas na kanta sa paligid. Ilang segundo lamang ang lumipas ay narinig ko ang hindi ko kilalang boses na sinasabing may kakanta sa stage.

Hindi ma-process ng utak ko 'yong lakas ng sigawan ng tao. Sanay naman na ako sa maraming tao na nanonood sa akin habang kumakanta ako. Pero hindi 'yong hindi ganito karami! Gaano ba kalaki ang place na ito at parang hindi tatlong daan na katao lang ang laman? Isa pang tanong, saan napulot ng magkapatid ang ganito karaming tao na dumalo sa handaan nila?

"Hey, ready?" Nabalik ako sa katinuan nang marinig ko sa aking gilid ang boses ni Blake na halatang excited. "Oh, you're playing an instrument?" Tinuro niya ang suot-suot ko na strap ng gitara.

Sinundan ko ng tingin ang pagkaturo niya at tinitigan sandali ang suot ko bago unti-onting tumango. "Hindi lang ako sanay na may ibang tao na gagalaw ng instruments kapag kakanta ako," sagot ko sa kanya. "Baka magulo tono ko," dugtong ko pa.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka ngunit na bawi niya rin iyon gamit ang malaking ngiti. "Then, I want to play an instrument too!"

Kunot ang noo kong sinundan siya ng tingin. Mas kumunot pa ang noo ko nang makita na umupo siya sa tapat ng drum set.

He suddenly looked at me. "So, what song first, ganda?" He winked.

"Kinikilabutan ako sa pagmumukha mo. Huwag na huwag mo na ako kikindatan." Ngiwi ko na ikinatawa niya nang mahina.

Naglakad ako papalapit sa kanya. "R&B music gusto ko," sagot ko sa tanong niya kanina.

Bumuntong-hininga siya at umaktong parang nag-iisip. Umirap lamang ako dahil mukha siyang timang, pero nag-isip din ng kanta na bagay para sa isang birthday party. Dalawang minuto yata kaming tahimik kaya nang hindi ko marinig ang nakakairita niyang boses, palihim ko siyang sinilip.

Parang nawala lahat ng emosyon ko sa buhay nang makita ang isang hindi kagandahan na ngisi. Sa lahat ng ngisi niya na nakita ko na, ito ang mas pinagmukha siyang isang asong nauulol.

"Ayaw ko ng iniisip mo," wika ko sa kalagitnaan ng katahimikan.

Nabaling naman ang tingin niya sa akin muli dahil sa sinabi ko. Ngayon naman ay nakangisi pa rin siya ngunit halata sa isa niyang kilay na nakataas na inaasar niya ako.

"R&B, huh?" ismid niya na hindi ko nagustuhan.

May bagay ba ako nanagustuhan sa lalaking ito kahit isa lang? Wala. At wala akong magugustuhan pa pagkatapos nito!

Hinilamos ko muna ang mukha bago taasan siya ng kilay. "Sige, ano? Ubos na pasenya ko, Jang. Huwag mo na simutin."

Mas hindi ko pa nagustuhan ang biglaan niyang paghagikgik.

"Ano nga?" irita kong bntong-hininga.

"I'll start, sundan mo lang ako," ngiting-aso niyang bulong at pinaharap ako bigla sa stage kung saan may malaking kurtina na nakaharang.

Haharapin ko palang siya muli nang bigla niyang simulan ang paggamit sa drums. Wala akong magawa kundi ang pakinggan at hulaan kung ano ang kanta na gagawin. Siraulo rin 'to, eh. Paano kaya kung hindi ko alam kung anong kanta 'to, magmumukha lang kaming tanga na dalawa! Well, baka ako lang, pero dahil kasama ko siya, sisisihin ko ang katangahan sa kanya!

Bumukas ang malaking kurtina sa harapan namin at nagkaroon bigla ng malakas na tilian at sigawan ng mga tao. I doubt na three hundred na tao lang ang nandito, I'm sure na more than five hundred ang nandito!

Hinanda ko ang sarili ko kahit na inis pa rin ako kay Blake. Nilingon ko siya upang kapag hindi ko talaga alam ang tinutugtog niya ay masesenyasan niya ako.

Pagkalingon ko sa kanya ay nawala ang pagkakunot ng noo ko—hindi dahil nawala na ang inis ko sa kanya. Familiar ako sa tunog na ginagawa niya. Sinenyasan ko siya ngunit halata naman na wala siyang balak na pansinin ako dahil nag-e-enjoy siya na gaguhin ang buhay ko.

Pagkatapos niyang gawin ang intro ay nakita ko na saglit siyang lumingon sa akin ngunit inalis niya rin agad iyon na kinairita ko. Ugh, syempre, ano pa ba inaasahan ko sa kanya? Na magiging maayos ang pag-iisip niya kahit isang beses lang? Bakit ang tanga ko sa part na na may guilt akong naramdaman?

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang kinakanta na niya ang unang lyrics ng kanta. 

For the second time, lumingon muli siya sa akin ngunit this time, hindi na niya agad inalis agad. I just... I just want to curse him... hanggang sa mawalan ako ng boses at hindi ako magsisisi!

Pinandilatan ko siya ng mata. "Really? Birthday Sex?" senyas ko.

Nakita ko na nagkibit-balikat lang siya at bigla nalamang itinuro ang electric guitar na suot ko at bumoses na kailangan kong i-play iyon. Nagdalawang-isip pa ako, ngunit nang lingunin ko ang mga tao sa baba namin, kinabahan ako kung kaya't sinundan ko nalang si Blake sa trip niya.

***

"Talaga ba, ha? Sa lahat ng R&B na kanta, ayon pa napili mo?" giit ko kay Blake habang hinuhubad na sa katawan ko ang strap ng gitara ng padabog.

"Hey, we did a great job there!" sabat niya pa.

Hinarap ko siya at nagpumewang. "Kapag talaga nalaman ng nanay ko na kinanta ko 'yon kasama ang lalaki, hindi mo na masisilayan ang araw o gabi pa muli!" Pinanlakihan ko siya ng mata habang dinuduro ang dibdib niya.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa harapan ko. "Sus, kahit na itanggi mo sa kahit kanino na kinata mo 'yon, hindi mo masasagot ang tanong kung paano mo nalaman ang kanta na 'yon. Buong lyrics at chords na i-p-play mo, alam mo."

Hindi ko alam kung isa ang mokong na 'to sa pagsubok ko sa buhay, pero parang oo. Ang laking niya harang na problema sa buhay ko!

Ramdam na ramdam ko ang pagkamula ng buo kong mukha. Hindi dahil sa hiya, kundi galit.

Ipinakita ko sa kanya ang dalawa kong kamao at nginitian siya ng peke. "Ang sarap mo lamutakin!"

Ngumiti naman siya pabalik sa akin na mas nagpakulo pa sa dugo ko. "I know, sa gwapo ko ba naman ito, 'di ba? Pero sorry, bawal muna. Ang gand ng ayos ng buhok ko ngayon, eh!" Inayos pa ng walang hiya ang buhok niya.

Makakatikim na talaga sa akin ito ng sapak.

Huminga na lamang ako nang malalim at tinalikuran siya. "Nasa lobby ang gift ko sa inyo ng kapatid mio. Uuwi na ako. Baka may mabalita bukas sa TV na may isang birthday celebrant na namatay."

Nagmamadali akong bumaba roon sa stage at iniwan siya. Bahala na mapagalitan ni mama dahil umalis kaagad ako, basta hindi ko masasapak ang mokong na 'yon. Mas laking sermon ang makukuha ko kapag nagawa ko 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now