two

47 4 0
                                    

painter : two

Pagkasara ko ng pinto ng kotse ni Mae ay kumaway na ako sa kanya. "Salamat. Inggat ka!"

"Ibaon mo 'yong matitirang handa tonight for tomorrow!" giit niya at kinawayan ako pabalik. "Pasabi kina Tita at Tito two, hinatid kita! Kahit isa lang sa Kuya mo, beh—"

"Lumarga ka na, hihirit ka pa, eh!" Hinampas ko nang mahina ang bubong ng kotse niya kaya tinaasan niya ako ng gitna niyang daliri at humarurot na papaalis. Tumawa lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

"Sunduin n'yo na kaya?" I heard Dad say coming from the dining room.

Ngumiti ako at inilapag agad ang bag sa sofa bago pumunta sa dining room at salubungin sila.

"'Di na po kailangan!" I greeted them with a big smile when I entered the dining room. Nakita ko na nakapwesto na sina Mama at Dad, pati na rin ang tatlo kong kuya sa lamesa.

Ngumiti naman kaagad sa akin si Mama at nilapitan ako. "Bakit na-late ka ng uwi ngayon?" tanong niya.

Tumawa ako nang mahina. "Hablutin ba naman ako ng isang babaitang nagngangalang Mae para maggala, eh," bulong ko.

Magsisinungaling sana ako, ang kaso hindi ko kayang gawin iyon lalo na kapag si Mama ang kausap ko.

"Oh, where is she na?"

Ngumiwi ako. "Ibaon ko nalang daw 'yong matitirang pagkain natin tonight para palamunin siya bukas," sagot ko.

Tumawa lamang siya at pinaupo na ako sa tabi ng pangatlo kong kuya.

I have three step-brothers. Lahat sila ay anak ng step-father ko ngayon na si Arthur Fallon. He's a good man. He takes care of all of us very well. He loves us equally. And he gives us anything we want, basta kaya niya. Noong una ko palang siyang nakilala, sobrang bait na niya agad sa akin. Mas bumait pa siya no'ng malaman niya na anak ako ni Mama. He accepted and treated me like his own daughter. He's the one insisted din na gamitin ko ang last name niya. So, I am now Viviana Faye Castro-Fallon dahil kasal na sila ni Mama. Noong nasa puder pa ako ng Papa ko, apelyido ni Mama ang ginagamit ko dahil ayon ang sinabi sa akin ni Papa na gamitin ko, pero ngayon, Fallon na ako.

Noong una ay ang awkward pa namin, pati na rin ng tatlo kong nakatatandang kapatid, pero ngayon ay komportable na kami sa isa't isa. Bukod sa napaka daldal ng tatlo kong kuya, marami rin kaming pagkakapareho. Katulad na lamang ni Kuya Duke. Siya ang pinaka matanda sa kanilang tatlo na magkakapatid. He's into arts din, but sculpting. Minsan, kapag may drawing ako, he will borrow it and then malalaman ko nalang na he's sculpting it na. Pero, hindi siya isang BFA student katulad ko. He's studying law na. Hobby lang talaga niya ang sculpting.

Ang sumunod naman sa kanya ay si Kuya Kendrick. Bukod sa arts and crafts, mahilig din akong mag piano at gitara. Unang maayos na pag-uusap naming dalawa ni Kuya Kendrick ay noong nagkita kami sa music room ng bahay. Hindi naman sa pakielemera ako, pero ginalaw ko ang gitara noon na naka display. Hindi ko naman alam na sa kanya pala iyon. Narinig niya ang paggamit ko sa gitara at pinuntahan niya agad dahil akala niya ginagalaw na naman ni aso niya ang gitara niya. Ayon, he saw me and he was impressed daw. Kapag may free time kaming dalawa, doon kami sa music room nagpapalipas ng oras, minsan apat kami. BS Nursing student siya, pero sobrang layo yata ng pagasa na maging doctor siya. Just kidding, mabait naman siya.

At ang panghuli, si Kuya Darius. We're the same age, but mas maaga lang siya napanganak kaya gusto niya pa rin na tawagin ko siyang Kuya. Siguro ang pagkakapareho lang namin ay magaling kami mangasar. Siya ang pinaka close ko sa magkakapatid, siguro dahil same age lang kami. Pasalamat ko nalang at sa UST siya nag-aaral ng BS Architecture.

"How was your day? Napasa mo ba on time ang project mo? I saw you running so fast kaninang umaga while shouting that you're running late." Dad asked, smiling.

"Napasa naman po." I glanced up at the ceiling because of embarrassment. "Was I too loud for you to hear me shouting? E hindi po ba mas nauna kang umalis kaysa sa akin?" I asked quietly.

Narinig ko naman na tumawa si Kuya Darius.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa malakas niyang pagtawa. "Bakit?"

"Kahit ako na nasa gym room, rinig na rinig ang sigaw mo na nawawala bag mo. Good thing na wala pang kumakatok sa bahay natin na kapit-bahay para magsumbong."

Natigil naman ako sa sinabi niya. Gano'n ako kaingay kaninang umaga? Hanggang gym room?

Narinig ko ang pagtawa ni Daddy. "Me too! Kaya nga I was so worried na hindi mo maipapasa on time ang project mo."

Sa sinabi ni Kuya Darius, hindi pa ako maniniwala. Pero kay Papa? Dapat talaga inihahanda ko na sa gabi ang mga gamit ko, eh!

"Akala ko nga we're being raided na," singit naman ni Kuya Duke.

Napakamot ako sa sintido ko dahil naalala ko pa kung ano ginawa ko kaninang umaga sa kanya. Nasigawan ko siya kaninang umaga noong taranta ko pang hinahanap ang bag ko. Gulat ko nalang nakaturo nalang siya sa akin sabay sabing, "You're wearing it na."

Sino hindi mahihiya sa gano'n? Unang araw, ang dami ko na agad na kabobohang nagawa. Kung hindi lang nagsinungaling sa akin si Mae na late na ako, edi sana hindi nangyari 'yon kaninang una. Siya ang ugat ng kaingayan ko na iyon. Tawagan ba naman ako sa kalagitnaan ng tulog ko at sabihin na hinahanap na ako ng prof namin dahil pasahan na ng project.

"Speaking of being late," sumingit si Mama. Tumingin kaming lahat sa kanya nakakaupo pa lamang pagkatapos akong bigyan ng platito. "'Yong isa kong kaibigan noong college palang ako ay inimbitahan ako sa birthday ng asawa niya. Gusto n'yo ba sumama? Iana can't say no. Ikaw ang rason bakit naaya ako."

Napaatras naman ako nang ituro ako ni Mama.

"Who?" nagtatakang tanong ni Daddy.

"Si Irina. 'Yong sinasabi ko sa 'yo na flight attendant na nag-assist sa atin noong nasa flight tayo papunta sa Paris."

Tumango si Daddy na parang nakikilala niya kung sino ang tinutukoy ni Mama.

"Bakit ako lang bawal humindi? Asawa naman pala niya may birthday, hindi ba dapat mga ka-edad nalang nila ang imbitahan nila?" tanong ko naman.

Tumawa si Kuya Kendrick. "Ibebenta ka na. Ikaw daw ang second wife," giit niya at tumawa pa nang mas malakas. Sinundan naman ni Kuya Darius ang tawa niya.

Sinimangutan ko silang dalawa. "Mama, oh!" sumbong ko.

"Hindi! Ano ba kayo, parang mga ano, eh! Bakit ko naman ibebenta anak ko!" saway sa kanila ni Mama na nagpatigil sa pagtawa nilang dalawa. Inirapan ko lang silang dalawa at nginisian.

"Mom, si Mrs. Jang ba na Irina 'yan?" Natigil kaming lahat nang biglang sumali sa usapan si Kuya Duke.

Ngumiti nang pagkalaki-laki si Mama. "Oo!"

"Iana, ibebenta ka nga ni Mommy, hindi sa asawa, kundi sa anak," giit ni Kuya Duke at tumawa. "I'm sure Mrs. Jang has twin sons."

Nagulat na lamang ako nang lahat sila ay tumawa maliban kay Mama na nagpipigil ng tawa.

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin ngunit ngitian lamang niya ako.

"Napag-usapan kasi namin kanina na tungkol sa mga anak. Nabanggit niya na may kambal siya na lalaki, and syempre hindi ko na mapigilan bibig ko at ipinagmalaki na kita. Don't worry, hindi ko naman sinabi na straight to the point na gusto kita i-partner sa isa niyang anak! You see, mahilig sa mga painting ang pamilya nila. Nangongolekta sila ng paintings around the world. May art gallery silang pinatayo rito sa Pilipinas. Napuntahan mo na ba? Artwork by Artwork yata ang pangalan ng art gallery na iyon. Makikita mo ro'n lahat ng paintings na binili nila! Sabi ko kay Irina na she should check your works! Ayon lang naman ang rason kaya kita inaaya!"

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now