seventeen

20 2 0
                                    

painter : seventeen

Blake is singing while Kuya Kendrick is playing his electric guitar.

Hindi na ako magsisinungaling at magiging bitter pa. Maganda ang boses ni Blake. Hindi ko alam paano ko i-de-describe... His voice is cold yet euphonious and enthusiastic. He sings really well, and makikita mo sa itsura niya ngayon na ine-enjoy niya ang kanta. At this moment, while looking and listening to him singing, my hatred for him suddenly faded away.

The first song ended, and obviously, the crowd cheered for him. Pumalakpak lamang ako nang mahinhin. Baka kapag nakita niya ako na pumapalakpak sa kanya, maging delulu na naman siya kapag nag kita kami.

Akala ko ay tapos na silang kumanta dahil namatay lahat ng ilaw. I was disappointed pa nga dahil hindi kumanta si Kuya Kendrick, e siya naman talaga ang pinunta ko. Bumuntong-hininga ako ay kinapa sa lamesa ang inumin ko dahil sobrang dilim talaga, as in lahat ng ilaw ay naka patay, at bulungan lamang ng mga tao ang maririnig mo. Pati ang background music kasi ay nawala rin.

Nang makuha ko na ang inumin ko ay inilapit ko na iyon sa bibig ko nang bigla na lamang bumalik ang ilaw at sa pwesto ko lang. Nakatutok sa akin ang nag-iisang ilaw na naka bukas.

Sigawan ng mga tao ang bumalot sa gilid ko nang makita nila ako sa spotlight. Sari-saring sigawan ang naririnig ko tungkol sa akin na may halo pang palakpakan.

"Viviana, kanta na!" sigaw ng isang tao sa crowd and they started chanting it.

Naibaba ko naman agad ang baso dahil sa hiya. Nakanganga pa naman ako, ready na uminom tapos bigla akong inalawan! Being called to stage ay hindi na bago sa akin. Trip ako ng may ari ng bar na 'to, eh. Kidding.

Tumingin ako sa stage kung saan nagliwanag na rin sa pwesto na 'yon ang dalawang ilaw at ipinakita si Kuya Ken at Blake.

Iiling na sana ako nang bigla akong tapikin ni Kuya Duke sa likod at tinulak naman ako ni Mae patayo. Nang makita tuloy akong tumayo ay nagtilian muli ang mga tao. Mas hiya pa ako dahil ang datingan ko ay agaw pansin! 'Yong mga nagsisigawan kasi ng pangalan ko ay 'yong mga suki rito sa bar, at 'yong mga tahimik lang ay 'yong pinuntahan lamang ay si Blake.

"I would like to invite our Viviana to come up here and sing with the two of us," pagsasalita ni Kuya Kendrick sa mic na nagpalakas pa sa sigawan ng tao.

Napakamot naman ako sa ulo ko nang maramdaman na sinipa ako ni Mae sa binti. Wala akong ibang magawa kundi ang maglakad papunta sa stage at umakyat doon. Nilagyan ni Kuya Ken ng upuan ang gitna nila Blake kung kaya't agaw na agaw ko talaga ang spotlight. Chismis 'to bukas, pustahan.

Sinimangutan ko si Kuya Kendrick nang abutan niya ako ng mic pagkatungtong ko sa stage. "May fan club 'yong lalaki sa gilid ko. Baka bukas napatawag nalang si Mama dahil nasali ako sa cat fight," bulong ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Ako bahala kapag nangyari 'yan," sagot niya at nginitian ako.

Nakanguso akong umupo sa upuan at inayos ang sarili.

Hindi naman ako kinakabahan dahil ilang beses na rin ako naka-akyat dito sa stage na 'to, pero ngayong may mga tao na bago sa paningin ko, kinakabahan ako. 'Yong nararamdaman ko ngayon ay iyong naramdaman ko no'ng first time ko tumungtong dito.

"About you."

Kahit na medyo maingay ang paligid ay narinig ko na nagsalita ang katabi ko sa kaliwa na walang iba kundi si Blake. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, pero syempre hindi 'yong mataray na pagtaas ng kilay. 'Yong pangmabaitan kasi nakangiti ako nang slight sa kanya.

"About me?"

Ngumisi siya at umiling. "'Yong kanta. About You by The 1975."

Napa, "ah," ako dahil nahiya naman ako. Medyo pilingera ko part na 'yon. Akala ko kakanta kami ng tungkol sa akin. Ready pa naman akong ma-offend kapag pang gago 'yong kakantahin.

"Sige." Pagtango ko dahil ayaw ko makipag-usap sa kanya ngayon.

Epekto siguro 'to kanina no'ng narinig ko siya kumanta. Now na nasa malapitan ko siya, I realized na naiba ang hair style niya. Noong nakita ko siya last time, mahaba-haba pa ang buhok niya na naka curtain fringe, ngayon ay umikli ito at mukha siyang fresh na fresh.

"Falling for you rin," aniya pa. "Do you that song?"

Nilingon ko siya at tinanguan. "Yeah. The 1975 din, right?" Kung wala lang sigurong tao ay naka simangot ako sa kanya habang sinasagot siya.

The lights went dimmed and the music starts. Inihanda ko ang sarili ko at lilingunin ko sana si Kuya Kendrick sa gilid ko nang makita ko na lamang siya sa baba namin at may hawak na cellphone at naka ngisi pa!

Kinabahan ako kaya nilingon ko si Blake dahil hindi ko alam kung kailan ang que ko. Buti nalang at pagkalingon ko sa kanya at nakaruto siya sa sarili niya. Sabay naman non ay ang pag-drop niya. Sinimulan niya ang pagkanta at ako ay naka tingin lamang sa kanya upang makita kung kailan ang que ko.

"We get married in our heads... Something to do while we try to recall how we met," he sang with his eyes closed.

I saw his finger flicked, so I grabbed my mic and started singing too.

"Do you think I have forgotten... about you?" We sang in synchronization, and the song goes on.

Nakapikit siya at habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Hanggang ngayon ay hanga pa rin ako na maganda ang boses ng lalaking 'to. Hindi ko ine-expect 'to. Akala ko barubal lang siya, eh.

"With nothing to do, I could lay and just look in your eyes."

Nagulat ako nang bigla siyang dumilat, e titig na titig pa naman ako sa mukha n'ya dahil—oo, sige na—gwapo siya. Tuwing naka pikit kasi siya ay sobrang amo ng mukha niya, isama pa ang ngiti na naka paskil sa labi niya habang kumakanta gamit ang maganda niyang boses, 'di ba? Sino ba hindi matutulala sa itsura niyang gano'n?

Iniwas ko saglit ang tingin ko dahil sa hiya at nang maramdaman ko na hindi na siya naka tingin sa akin ay ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"There was something about you that now I can't remember," pagkanta ko.

"Ang ganda mo na nga, ang ganda pa ng boses mo. Wow, two-in-one."

Muntik na akong madulas sa kinakanta ko nang marinig ko ang mahinang bulong ni Blake. Dahil malapit kami sa isa't isa at medyo malapit din ang mic niya sa kanyang bibig ay narinig ko iyon. Pumikit lamang ako at inisip na wala siya sa paligid at ipinagpatuloy ang pagkanta. Alam ko na ang mga tao na malapit sa malaking speaker ay narinig ang bulong niya, ngunit ang mga tao na malayo sa stage ay hindi. Nakita ko siya na tumawa ang iba habang naka turo sa amin, eh!

Pagkatapos kong kantahin ang last line ko at dumilat na ako at sinenyasan si Blake na line na niya. Ngumiti lamang siya sa akin na may kasamang mahinang pagtawa bago kantahin iyon.

Umirap ako nang palihim. "Gawin mong three-in-one. Hindi kasi na kailangan ng creamer," bulong ko habang kumakanta siya, katulad ng ginawa niya kanina.

Ngumisi naman ako nang makita na nagpalakpakan at nagtawanan ang mga tao na nasa stage. Unexpectedly, medyo bumaliko ang pagkanta ni Blake ngunit ipinagpatuloy niya pa rin ang pagkanta hanggang sa matapos ito, habang ako naman ay nakatakip ang mukha at tumatawa dahil sa pag-piyok niya kanina.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now