thirteen

19 2 0
                                    

painter : thirteen

INSTAGRAM
01:13 PM

(blkblck): 5 PM today, ganda.

Napairap ako nang ang unang sumalubong sa akin sa screen ng phone ko ay ang message ni Blake. Wow, ha. Kung makapag bigay sa akin ng reminder, parang ako siya, ah? Hindi naman ako ghoster at paasa na katulad niya para i-remind niya ako.

Kahit na five o'clock palang nang umaga ay bumangon na ako at naligo dahil may pasok pa ako. Ngayon ang napag-usapan namin ni Blake na magkita kasama ang ka-team niya sa basketball. Ewan ko ba kung bakit ganito ako karupok pag dating sa pera. Mukha ba akong pera? Hindi naman ako ganito pinalaki ni Mama o 'di kaya ni Papa.

Kagabi sa birthday party ng Tatay ni Blake, hindi talaga ako lumabas sa kwarto na pinag-stay-an namin habang nag-uusap, buti nalang sinamahan ako ni Kuya Duke. No'ng sinubukan ko kasing lumabas ay kung ano-ano na pinagsasabi sa akin ng tao ro'n. Kasal daw. Mukha nila kasal. Ang bata ko pa para sa gano'n, eh. Buti nalang hindi sila naglapag ng pera kundi baka nga may fiance na ako ngayon na milyonaryong hindi ko kilala.

Blake left me alone sa loob ng kwarto for an hour yata, tapos pumasok na si Kuya. Ang Blake na 'yon... Napaka peke! Pakitang tao ang gago. Akala mo talaga mabait siya, pero ang galing niya mangasar to the point na muntik ko na mahagis sa kanya ang baso ko kagabi dahil sa inis sa mga pinagsasabi niya.

Inayos ko na ang sarili ko at inihanda para sa isa na namang araw na mababaliw ako dahil sa dami ng activities na pinapagawa sa amin. Bakit ba tuwing second semester sila nagtatamabak?

"Ang harot mo talaga, pero mabuti na 'yong siya nag-first move, 'di ba? Anong klaseng date gagawin ninyo? Mag-aalaga ng mga pasyente date?"

Sira na nga araw ko, sisirain pa lalo ng babaitang 'to. Hindi ko alam bakit ko ba 'to kinakausap, eh. Nasa starbucks kami ngayon ni Mae at pauwi na siya. Dapat pala hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit hindi muna ako sasabay sa kanya pauwi.

Pinakita ko kay Mae ang nakatiwarik ko na hinlalaki. "Hindi nga date, kulit ng kukote mo, ah."

Humagikgik siya at bigla na lamang pinisil ang pisngi ko. "Ang best friend ko may ka-BBT na! Pero nag-G ka na ba talaga sa UST Hospital kayo magkikita? Beh, p'wede naman sa Dapitan. Ubusin mo pera niya ro'n, tapos kapag ghinost ka niya ulit, edi ibig sabihin masyado kang matakaw para sa kanya."

Tinabig ko ang kamay niya na nakapisil sa pisngi ko. "Wow, ha. May pera ka? Yaman mo naman para pumunta sa Dapitan."

"Anak ng—parang maglalabas ka lang ng isang daan, eh!" Inirapan niya ako.

Itinungga ko ang iniinom kong kape bago tumingin sa relo ko. Quarter to five na kaya napangisi ako. Bahala siya maghintay do'n nang isang oras, o-order pa ako ng isa pang kape. Tikman niya ang tamis ng paghihiganti ng isang katulad ko!

"4:47 na, hindi ka pa lalarga?" tanong ni Mae nang mapansin niya na nakatingin ako sa relo ko.

Umiling ako at ngumisi. "Hayaan mo siya ro'n maghintay hanggang mamayang gabi."

Nangunot naman agad ang noo ko nang makitang napatakip ng bibig si Mae na parang nagulat siya o parang may napagtanto siya.

"Bakit?" tanong ko.

Tinggal niya ang kamay sa kanyang bibig at unti-unting lumitaw sa paningin ko ang nakakikilabot niyang ngisi. "Ikaw, ha. With benefits na agad?"

Nahinto ako upang isipin kung ano ang ibig niyang sabihin at mas nalukot pa ang buo kong mukha.

Binato ko sa kanya ang sachet ng asukal. "Tangina mo, bastos!" tili ko at iniwas ang tingin sa kanya.

"Hoy, there's nothing to be ashamed of. I'm so proud of you pa nga dahil active ka na sexual—"

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now