twelve

28 2 0
                                    

painter : twelve

I laughed awkwardly and forced a smile. "Bakit naman ako tatanggap ng commission?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

Ang ngiti naman niya ngayon ang nawala at humaba ang nguso niya. Ang hilig nito pahabain nguso niya, 'di kaya bibe 'to no'ng past life niya?

It caught me off guard when he came closer to me. Tatlong inches na lamang yata ang pagitan ng mukha namin at magdidikit na. Lumayos kaagad ako at umiwas ng tingin. Bibe nga siguro 'to sa past life niya.

"You're right. You're beautiful," ika niya.

It feels like heat stained my face. And now he's back from being a sweet talker? Naneto, galing mambola!

"Wala naman akong sinasabi na maganda ako," bulong ko at umuwas ng tingin dahil ramdam ko pa rin na namumula ang buo kong mukha. Sobrang lapit na nga niya, magsasalita pa ng gano'n.

"Pero totoo naman na maganda ako," I thought. Hindi naman maitatanggi 'yon. Manahin ko ba naman kagandahan ng Nanay ko, eh!

Parang may kuryenteng dumaloy mula sa paa ko hanggang sa ulo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumapi sa pisngi ko. Since my body was stiffed because of his sudden action, he made me turned my head to him again with the help of his hand.

Putangina, bakit hindi ako makagalaw pero nakakapag-isip pa rin!

"Just like what I expected. You're a beauty, just like what you said when we were in the art gallery. You're perfect, like your paintings."

Haha... Lord, p'wede mo na po akong kunin sa mundong ito.

We stayed in our position for a minute or two at ako na ang humiwalay nang mabalik ako sa katinuan kung ano ang itsura namin at kung ano ang nangayayari. We were so close to each other. I could smell his perfume na nga rin, and when he was speaking, I could smell mint din na nanggagaling sa bibig niya.

Tumayo ako at tinalikuran siya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay ko. Sobrang init. Hindi ko alam kung kilig ba 'to o galit na. Sino ba naman kasi matutuwa kung hapitin ka nalang bigla ng isang lalaki na kakakilala mo palang tapos inis ka pa? Ginagago yata ako ng tadhana ko, eh!

"Hey, we're not done talking yet."

Is it my brain, or he used a seductive tone when he said those words?

Tumingin ako sa kanyan na may halong pandidiri at hindi mapintang mukhang. "What the fuck?" bulaslas ko at tinaasan siya ng kilay.

Nakita ko naman ang itinatago niyang ngiti nang kagatin niya ang kanyang pang-ibabang labi. Tinitigan ko lamang siya at ayon. Nailabas niya ang pinipigilan niyang tawa. Ngayon inis na talaga ang nararamdaman ko.

"I-I'm sorry," utal niyang paghingi ng paumahin habang tumatawa.

Tsk. Halatang hindi totoo ang paghingi niya ng tawad, eh!

Minutes passed and mukhang naka-recover na siya mula sa pagtawa niya na parang baliw.

Tinignan niya akong muli, mata sa mata, habang naka ngiti. "Sorry. Hindi kita tinatawanan, ha. 'Yong reaction mo lang kasi. Medyo over–pft..."

Naputol ang sinasabi niya dahil muli na namang siyang tumawa. I rolled my eyes and folded my arms. Kapag 'to nabilaukan sa katatawa, hindi ko siya tutulungan. Papanoorin ko lang siya malagutan ng hininga.

"Over, what?" mataray kong giit na nagpahinto sa kanya sa pagtawa.

He cleared his throat. "Hindi ko lang in-expect na magiging gano'n ang reaction mo. Don't worry. You look cute naman. Mukha kang tomato!"

Stuck Staring at You | ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon