fifteen

16 2 0
                                    

painter : fifteen

"Kumusta experience, sissy?"

I facepalmed. "Wala ngang nangyari!"

Kanina pa ako kinukulit ni Mae pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ng first class namin. Ngayon naman ay vacant na naman at nasa mall kami ni Mae. Niyaya akong pumunta sa isang store, hindi ko agad naiisip na na-scam niya ako. Ako ang gusto niyang pag-usapan, eh!

"Secret lang natin. Hindi naman malalaman ng iba, beh." Ngisi niya at tinusok ang tagiliran ko.

Pinisil ko ang ilong ko at binigyan siya ng malamig na tingin ngunit hindi iyon tumalad sa kanya. Ang gaga ay nakangiti pa rin ng wagas.

"Ang nangyari ay ininis niya ako at nainis talaga ako. Ayon lang. Hugasan mo nga 'yang pag-iisip mo!" Hinampas ko nang mahina ang batok niya.

Diyos ko, ang tibay ng babae! Nabatukan na't lahat pero halata sa mukha na may sasabihin na namang kalokohan.

"Ay, talaga? Ayaw mo kasi ako kwentuhan, parang hindi kaibigan, eh!"

"Aasarin mo lang ako, eh!" Tinulak ko siya at pumunta sa ibang aisle ng mga libro.

Sumunod naman siya sa akin at inakbayan ako. "Hindi na, promise. Kwento ka na. Share mo naman kwentong love life mo sa NBSB mong kaibigan, oh."

Tinuro ko siya at pinadilatan. "Oh, 'yan na naman. Promise ka pang nalalaman dyan, sipain kita, eh!"

Niyugyog niya ako. "Mag-kwento ka na kasi!"

Bumuntong-hininga ako. "Muntik na kami mag–"

"Kiss?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Sinamaan ko siya ng tingin at binigyan niya lang ako ng peace sign.

"Hindi, gaga. Muntik na kami mag-patayan! Grabe, napaka fake pala ng lalaking 'yon. Akala mo mabait dahil sa sweet words niya kapag kakakilala mo palang sa kanya, pero hindi pala! Napaka lamig niyang hangin dito sa mundo. Tigas din ng kukote, hindi madaan sa isang usapan!" tuloy-tuloy kong pagsasalita. Humugot ako ng malalim na hininga muli. "Hindi mo siya matitimbang, eh!"

Naramdaman ko na lamang na hinihimas ni Mae ang likod ko. "I-kalma mo 'yan, girl!"

Ngumuso ako. "Kausapin palang siya, nakakapagod na. Makasama pa kaya? Ang yabang na, ang landi pa!"

"Oh... best part! Tell me!" tili ni Mae at pinalo pa ang likod ko kaya sinimangutan ko siya. Nag-sorry naman agad siya at sinenyasan ako na ituloy ang pagsasalita ko.

"Gano'n ba talaga siya? Alam mo ba, kahapon sabi ni ay may date siya, pero bigla nalang siyang nag-back out sa babae dahil hindi raw siya magaling mag-bilyar. Ano ba purpose ng date? May kabobohan din pala 'yong lalaki na 'yon. Kumusta na kaya 'yong babae? Naging isa na siya sa na-ghost collection ni mokong."

"Pause!" Nahinto ako sa sigaw ni Mae. "Nag-cancel siya ng date habang kasama ka niya kagabi?"

Tinignan ko mata sa mata si Mae habang nagtataka. "Aba ewan ko ro'n. Parang sa una palang talaga wala na siyang balak kitain si ate girl." Kibit-balikat ko.

"Sagutin mo 'ko! Nag-cancel siya ng date niya no'ng kasama ka na niya?" Mas nagtaka pa ako nang lumaki pa nang lumaki ang ngiti ni gaga.

Mukha naman kasing wala na talagang balak puntahan ni mokong si ate girl date niya no'ng na-meet ko siya.

"Ako ba si Blake? Ano alam ko?" pataray na sagot ko sa kanya.

Mae suddenly screeched and hit me non-stop in my arm. I didn't even know what to do because I was in state of shock. Nang mabalik ako sa katinuan ay hinarap ko siya at hinawakan ang pareho niyang kamay na hahampas na sana sa hinaharap ko.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now