eleven

34 4 0
                                    

painter : eleven

Naibuga ni Blaze ang iniinom niya at ako naman ay natigil sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi ni Kuya Duke tungkol sa Blake. I looked at Blake and he looked like he was about to burst. Pulang-pula ang mukha niya, pati nga rin ang tainga niya ay pula. Rinig na rinig ang malakas na naghihingalong tawa ni Blaze sa loob ng room habang si Kuya naman ay naka ngisi lang at mukhang proud pa sa sinabi niya. A few minutes passed, and I couldn't help myself but laugh. Nakakahawa 'yong tawa ni Blaze, eh. Mas natatawa pa nga ako sa tawa niya, tapos nahahagip ko pa ang nakangusong mukha ni Blake.

"What the heck was that all about?" Blake said as he crossed his arms over his chest, annoyed.

Tumigil na ako sa katatawa dahil nakakahiya naman, pinagtatawanan ko siya kahit hindi ko naman gaanong kakilala. May mabait pa naman ako sa pagkatao ko, sadyang 'yong tawa lang talaga ni Blaze ang pumuputol sa kabaitan ko. Kung makatawa akala mo may krimen siyang ginawa at satisfied siya, eh.

Mas lumaki pa ang ngisi ni Kuya Duke. "See? Ayon na naman ang malamig na hangin. Kapag humahangin, ibig sabihin ay nagsasalita ang demonyo sa tabi ni Blaze."

Tinakpan ko ang buo kong mukha at parang hinihika na tumuwa nang tahimik. Hindi ako na-inform na may ganitong side ang Kuya ko. All this time, meron din pala siyang side na hindi seryoso.

"Matanda na ako para asarin mo, so para lang alam mo, hindi na ako tinatablan ng pang-aasar mo!" giit ni Blake.

Umayos ako ng upo iniiwasan na lamang na tignan si Blaze dahil hanggang ngayon ay parang malalagutan na siya ng hininga kakatawa. Kapag kasi tumitingin ako sa taong tumatawa, kahit hindi ko alam context ay natatawa rin ako.

"You're clearly being stabbed by my words just now."

Napahawak ako sa bridge ng ilong ko dahil hindi pa rin sila tumitigil. Ito naman kasing si Blake, ang taas ng pride, talagang sinasagot pa si Kuya. Hindi ko tuloy alam kunmg na-o-offend na siya o hindi. Mas lalo tuloy nakakahiyang tumawa.

Tinaasan ni Blake si Kuya ng kilay. "Aren't you embarrassed? You're with your sister, and you're acting like a bully?"

Napa-atras naman ang torso ko nang idamay ako ni Blake sa usapan nila. Tumingin ako kay Kuya Duke at tumingin din siya sa akin. Nagtitigan kami nang ilang mga segundo at sabay kaming ngumisi. Ibinalik naming dalawa ni Kuya ang Duke ang tingin namin sa dalawang kaharap namin.

"Wow, mag-kapatid nga kayo. What a perfect partners in crime." Sumimangot lalo si Blake.

Medyo nangunot ang noo ko dahil parang ngayon lang niya ako nakita. Sa pagta-trato niya palang sa akin, eh. Hindi ba ang normal reaction ng nakakita ng kakilala ay gulat? Ito parang kakakilala niya lang ulit sa akin, eh. Ano 'yon? Last week lang kami nagkakilala tapos nabura na niya agad ako sa isipan niya? Astig. Galawang professional ghoster nga.

Sasagot na sana si Kuya Duke nang bigla na lamang sumingit ang pekeng pagsamid ni Blaze sa usapan.

"It's nice meeting you, Viviana. Sorry sa approach ng brother ko sa 'yo," ani Blaze.

Gulat ngunit tinanguan ko siya at nginitian. "Okay lang," wika ko.

"Hey, ano mali sa approach ko sa kanya?" singit ni Blake.

Parang may pumukpok sa ulo ko nang marinig ang sinabi niya. Parang nakaraan lang ay ang sweet niya pa, ngayon ang siga na niya makipag-usap sa akin. Free trial ba 'yon ng kabaitan niya? Akala ko pa naman Mr. Smoothie siya.

"You might not remember, but you hit on her last week."

Kahit na walang laman ang bibig ko ay nabilaukan ako, at si Kuya Duke naman sa gilid ko ay napatayo.

Stuck Staring at You | ongoingOnde histórias criam vida. Descubra agora