sixteen

16 2 0
                                    

painter : sixteen

We got in my brother's car and he drove us to the music where they will be performing. When we got there, sinalubong agad kami ni Kuya Kendrick na may nakasabit pang electric guitar sa katawan niya. Mukhang nagre-rehearse na siya. Tumingin ako sa relo ko sa pulsuhan ko at nakitang five-thirty na.

"Bakit ang aga ninyo?" Tumingin sa akin si Kuya Kendrick nang makalapit kami sa pwesto niya. "Did you cut your classes?"

Napaiwas naman ako ng tingin at hinigpitan ang hawak sa braso ni Mae. Si Mae naman ay naka ngiti lang na parang anghel kay Kuya Kendrick. Hindi naman halata kung sino ang pinagnanasaan siya sa mga kapatid ko, ano?

"She did! Alam mo ba na nakita ko lang siya sa mall at pagala-gala?" pagsusumbong naman ni Kuya Darius kung kaya't kinurot ko nang palihim ang braso niya. Napa-aray naman siya at sinamaan ako ng tingin.

Nagpumewang sa akin si Kuya Kendrick.

"Vacant namin, tapos inaya ako ni Kuya Darius na mag-cut ako. Siya nag-impluwensya sa akin—sa amin ni Mae. Pabalik na sana kami ni Mae sa campus noo'ng nakita niya kami, eh," pagbabalik ko naman sa sumbong ni Kuya Darius na may kasama pang pagturo sa kanya. Siniko ko si Mae upang senyasan siya na tumango at ginawa naman niya iyon.

Kahit hindi ko makita nang maayos ay alam kong masama na ang tingin sa akin ni Kuya Darius. Aba, pasalamat siya at tinatawag ko pa siyang Kuya kahit na magkasing-edad lang kami. Paano nalang kaya kapag wala na akong respeto sa kanya at ibinunyag ko na lahat ng masamang impluwensya na ibinigay niya sa akin? Panigurado ay mapapalayas siya ni Mama.

"Liar! Since when did you learn to tell older people lies?!" sumbat ni Kuya Darius at hinigpitan ang pagkaka-akbay niya sa akin.

Akala mo naman may biceps para mang-headlock, e wala naman. Mas nasasaktan ako sa buto niya, eh!

Nakakunot ang noo na binatukan siya ni Kuya Kendrick. "Twenty-two palang ako!"

Napangisi naman ako dahil sa itsura ni Kuya Darius ngayon. Naka bangsungot na siya ngayon habang minamasahe ang batok niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga ni Kuya Darius at binulungan siya.

"Deserve mo," wika ko sabay tawa. This time, naputol na ang maayos ko na paghinga nang hapitin pa lalo nito ang leeg ko.

Binulungan niya ako pabalik, "Pagdating mo mamaya sa bahay wala ka na higaan."

Naihip ng hangin ang ngisi ko dahil sa sinabi niya. Isa na naman siguro sa nakakatangang pranks niya. No'ng una ay inilagay niya sa pool ang kama ko, ano naman kaya ngayon?

"Get inside, mamayang seven o'clock pa start ng akin," ani Kuya Kendrick at inalis na ang pagka-akbay sa akin ni Kuya Darius. Naramdaman ko naman na ang braso ko naman ang hindi madaluyan ng dugo.

Nilingon ko sa gilid ko si Mae at nakitang nanigas na ang mukha sa naka ngiti. Ano nangyari sa taong 'to? Nakatingin lang sa kawalan habang naka ngiti, eh. Hindi kaya sinapian na 'to? Hindi ako naniniwala sa sapi, pero parang naniniwala na ako ngayon.

Inalalayan kami ni Kuya Kendrick papasok sa bar at dinala kung naasan naka pwesto ngayon si Kuya Duke habang umiinom ng kape. Nang makalapit kami sa kanya at itinigil niya ang pagbabasa sa magazine na hawak niya at pinaupo agad kami sa tabi niya. Except kay Kuya Darius, syempre. Nagsumbong ako, eh!

"Tawagin ba naman ako na sinungaling!" Binigyan ko ng masamang tingin si Kuya Darius na nakanguso sa katapat nakin na sofa.

Inabutan ako ni Kuya ng baso ng juice at inabot niya rin ang kay Mae na parang estatwa na nakatingin kay Kuya Kendrick na nag-aayos ng gitara. Hindi yata napansin ni Mae na inaabutan na siya ni Kuya Duke ng inumin kaya ako na ang kumuha at idinikit sa pisngi niya ang malamig na baso.

Stuck Staring at You | ongoingWhere stories live. Discover now