seven

38 4 0
                                    

painter : seven

My jaw dropped in utter shock when I heard what Mrs. Irina said. "Sobrang saya ko nga no'ng nakita ko ang painting mo na iyon. It was like, a meant-to-be!" She added. I could see the look of astonishment.

Unti-unti akong ngumiti sa kanya nang pagkalaki-laki. "Thank you so much po!"

"I want to purchase the portrait, along with the other five paintings that caught my eye. I'd also like to request a commission. My sons' birthday is coming, right? Actually, a week after lang ng dad nila ang birthday nilang dalawa. I want you to paint my Blaze too. Kakayanin mo kaya na gawin iyon for two weeks?"

Mabilis pa sa segundo kong itinaas baba ang ulo ko. "No problem po! I can do it. Wala naman po akong heavy task ngayon!"

Pera na 'to!

Ngumiti sa akin si Tita Irina. "That's great! Then, kailan p'wedeng i-process ang transaction natin?"

Tumingin ako kay Mama dahil hindi ko na naman alam ang susunod ko na sasabihin.

Hindi man halata pero mahiyain talaga akong tao. Nagiging walang hiya lang naman ako kapag kasama ko si Mae. Siya lang naman sumisira sa personality ko na mabait. Bad influence kasi siya, eh. Utusan ba naman ako na sipain papunta sa ilalim ng upuan ng katabi ko ang kalat ko para mapauwi agad kami ng teacher namin noon.

Tumawa si Mama. "Ay, anak. Hindi ko alam kung kailan mo mai-re-ready ang mga paintings—"

"Kahit today na po!" giit ko.

First time 'to. First time ko magkaroon ng big client katulad ni Tita Irina kaya medyo takot ako makipag-usap. Malaking halaga rin kasi ang sisingilin ko sa kanya, kaya need ng maayos na usapan. Ang problema, hindi ako ang makikipag-usap, kundi si mama. Siya nagreto sa akin kay Tita Irina, eh!

Maayos naman ako makipag-usap sa mga clients ko, takot lang talaga ako ngayon kasi big client 'to, eh. Ayaw ko nga mabalita na bogus seller ba 'yon? Basta ayaw ko bahiran ng madumi sa bussiness ko.

Ngumiti at tinanguan ako ni Tita Irina bago ipakita sa aking ang limang artworks na willing niyang bilhin. Nag-usap pa kami tungkol sa kung paano ko naiisip ang mga gano'ng klase ng art, at iba pa. Napag-usapan din namin kung magkano ang naisip ko na amount ng portrait ng lalaki.

Medyo na-off lang ako kasi no'ng pinakita niya sa akin ang isang I.D picture ng anak niyang si Blake at Blaze, mas nalalapit nga sa itsura ng painting ko si Blake. 'Yong nunal sa eye, kuhang kuha ko pala. Kaya pala gano'n nalang ang pangungulit sa akin nila Kuya at Mae. I mean, nakita ko naman na-IG niya. Na-stalk ko siya and yes, inaamin ko na magkamukha talaga, pero 'yong details sa mukha niya kagaya ng mole, smile, and eye smile... Kamangha-mangha talaga. Baka isa ako sa anghel ni Lord? Angel ba ako? Feeling ko talaga angel ako na nasa isang misyon na kilalalin lahat ng taong napinta ko, eh!

Now I'm curious na if 'yong iba ko pang portrait, buhay din ngayon at humihinga? OMG! Or baka, may magic ang brush ko na magpinta ng isang mukha ng tao tapos mag-e-exist na sila? Grabe, ang powerful ko naman pala!

"Let's go shopping nalang tomorrow, anak. Magpahinga ka na. Hindi ko naman alam na gano'n pala kahirap kapag madaming binili na artworks. Siya pala ang madaming papapirmahan!" ani Mama at ngitian ako.

Ngumiti ako sa kanya pabalik. "Sige po, wala pa rin naman akong plans tomorrow. At saka, bukas nalang din ako bibili ng art materials," sagot ko.

Nakauwi na kami at seven o'clock na agad. Hindi nagsisinungaling si Mama na si Tita Irina ang madaming pinapirmahan sa amin! No'ng kinuha na niya ang anim na artworks, grabe, ang dami niyang nilapag na papeles. Contract daw na binili niya talaga ang paintings. Wala naman akong angal doon kasi ang kapalit naman no'n ay pera! Six digits ang natanggap ko, almost seven digits din! Almost kasi binigyan ko siya ng discount. Mabait naman ako hindi ako siba, ano!

Stuck Staring at You | ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon