Chapter 32

9 1 0
                                    

Parang may mali..

Hindi sila ganiyan kasaya sa mga achievements ko as a student, pero sa contest na ito parang kakaiba ang naging reaksiyon nila. Bakit? Hindi ko mainitindihan.

"Now, we are going to witness our Ms. Hanson's Queen 2020 as she dance together with the portrayer of Mr. Hanson this year, Mr. Kiefer Justin Evanghelista!" 

"Ms. Buenavista, please come to stage." natigil ang pag-iisip ko ng malalim nang kalabitin ako ng stylist ko sa backstage. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ako ng stage.

"Ms. Rish, kanina pa po kayo tinatawag sa stage." sambit sa 'kin ng stylist ko.

Patanga-tanga akong umakyat sa stage habang patuloy na tinitingnan ang parents ko. Hindi pa rin mawala sa mga labi nila ang pagngiti lalo na noong hinawakan ako ni Kiefer sa bewang ko at nagsimula kaming magsayaw.

"Rish, nak, we have to celebrate! Let's go home. I have already told Nay Lena to prepare all your favorite foods." masayang sabi sa 'kin ni mom habang ngiting ngiti pa rin.

Kahit nagtataka ako ay pinilit ko nalang ngumiti pabalik sa kaniya at tumango. Pero bago ako sumunod sa paglakad nila palabas ay nagpaalam muna ako na kakausapin ko muna sina Lorraine at Angela. Pero maliban sa kanila ay gusto ko talagang malaman kung ano ang reaksiyon ni Zyre sa pagkapanalo ko.

"Congrats, Rish! You made it!" pasigaw na bati sa akin ni Angela nang makalapit ako sa kinaroroonan nila.

"Congrats, Rish!" maiksi namang bati ni Lorraine pero kitang kita sa mga mata niya na masaya rin siya para sa pagkapanalo ko.

Nagpasalamat ako sa kanila bago ko hinanap si Zyre. Pero di pa naman ako gaanong nakakalayo ay lumapit na siya sa akin.

"You look so stunning, babe." maiksi ngunit nakakakilig na bungad sa 'kin ng taong pinakamamahal ko. 

Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Sininghot ko ng maigi ang amoy nito, napakabango. 

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero lalo ko pa siyang niyakap ng maigi nang akmang bibitaw siya.

Gumanti naman ito ng yakap sa akin.

Unti-unti siyang bumitaw sa akin at dahan dahang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam pero biglang pumatak ang mga luha ko. 

"I love you so much, Eleana."

Dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

At hinalikan ako.

It was just a smack, but it means so much to me.

"Congrats, my starlight. I have to go now, nandiyan na ang mom mo." sabi nito sabay takbo papalayo.

"Nak, what took you so long? Ano bang ginagawa mo diyan mag-isa? I thought kakausapin mo sila Lorraine? Nakasalubong ko sila na papalabas na eh." sunod sunod na entrada ng mom ko.

"Uhmm.. Pumunta lang po ako sa cr. Tara na po." pagrarason ko sabay nauna nang naglakad para hindi na siya muling makapagtanong pa.

Tahimik ang naging biyahe namin. Walang nagsasalita pero ramdam ko ang pagkaatat ni mom na makauwi dahil hindi ito mapakali sa pagtingin tingin sa bintana ng sasakyan.

Pagkababa namin sa sasakyan ay nagulat ako dahil parang handang handa sila sa magiging pagkapanalo ko.

Kumpleto ang mga dekorasyon mula pa lang sa labas at hanggang sa loob ng bahay. Napakarami ring pagkain na nakahain sa lamesa na para bang maraming tao ang pupunta.

Nakakapagtaka.

Pero ang mas ikinataka ko pa ay ang isang lalaking nakasuot ng tuxedo. Nakatalikod ito pero halatang may hawak na bouquet of flowers at.. may pulang buhok?

"Kiefer?" gulat kong tanong nang humarap na ito ng tuluyan. Dahan dahan itong naglakad papalapit sa akin at iniabot ang hawak niyang bouquet.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat pero agad akong tumingin kay mom na ngayon ay nakangiti hanggang sa kaniyang mga tenga. Lumapit ako sa kaniya at agad siyang tinanong.

"Mom? Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito si Kiefer? At kasama niya pa sina Mr. and Mrs. Evanghelista?" sunod sunod na tanong ko dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga pangyayari. 

Sobra akong naguguluhan.

Pero mas lalo akong naguluhan nang ngiti lang ang isinagot sa 'kin ng nanay ko.

Bakit?

Hinila lang ako nito ng bahagya papunta sa dining area kung saan nakaupo ang ilang mga taong pormal na pormal ang mga kasuotan kabilang narin si Kiefer at ang mga magulang nito.

Habang kumakain kami ay halos sila sila lang ang nag-uusap. Puro tungkol sa business ang mga topic nila at paminsan-minsan ay tinatanong ako tungkol sa pag-aaral ko. Malamya ko namang sinasagot ang mga tanong nila sa 'kin dahil wala naman akong ibang maisheshare sa kanila.

Nang matapos kaming kumain ay pinaakyat muna ako ni mommy at pinagbihis dahil suot ko pa rin ang pinang-evening gown ko sa contest.

Sinamahan ako ni Nay Lena sa kwarto ko at tinulungang magbihis. Isang kulay itim na off shoulder dress na saktong hanggang tuhod ko ang ibinigay niya sa 'kin. May mga flower emroideries ito at halatang designer kahit na simple lang ang disenyo.

"Nak, iyan daw ang isuot mo sabi ng mommy mo. Pagkatapos mo raw magbihis ay dumiretso ka sa garden." wika ni Nay Lena tsaka ito umalis.

Ayoko mang gawin pero nagbihis na nga ako at bumaba na. Ngunit bago ako dumiretso sa garden ay naririnig kong magkausap ang daddy ko pati narin ang daddy ni Kiefer.

Mahina ang boses ng mga ito pero sakto lang para marinig ko sa kinaroroonan ko.

"'Di na ko makapaghintay, pare. Excited na ko sa pag-iisa ng mga kompanya natin at nang ating pamilya. Cheers!"

"Cheers!"

Pag-iisa ng kompanya at pamilya? 

Hindi kaya..

Hindi, hindi pwede.

Kinakabahan akong naglakad papunta sa garden kung saan naroon ang ilang mga bisita pati na rin si mom. Nilapitan ko siya at muli itong ngumiti sa 'kin.

"Ang ganda ganda mo anak. Bagay na bagay kayo." bungad nito na siya namang naging dahilan para mas kabahan pa ako.

Bigla namang dumating ang daddy ko at ang daddy ni Kiefer na mukhang masaya paring nagtatawanan.

"May we call on everyone here at the center. We have a very important announcement to make!" pasigaw na sabi ng daddy ko dahilan para magsilapitan kaagad ang mga bisita.

"We all know na matagal nang pinaplano ng Vista at Lista companies na magmerge into one. Kaya naman, we have decided na ituloy na ito sa lalong madaling panahon." panimula ng daddy ko.

"Yes, at hindi lang ang mga kompanya namin ang mag-iisa dahil kasama na diyan ang aming mga pamilya!" dugtong naman ng daddy ni Kiefer.

Nagpalakpakan ang mga bisita at kasama narin si mom.

Tinawag ako ni dad sa tabi nila at ganon din ang daddy ni Kiefer sa kaniya. 

Alam ko na ang mangyayari. Hindi ako tanga para hindi pa rin maintindihan ito ngayon. Gusto kong tumakbo papalayo pero hindi ko magawa dahil parang nanigas ang buong katawan ko. 

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"My daughter, Canarish Eleana Salcedo Buenavista and Jimmy's son, Kiefer Justin Evanghelista will be married as soon as possible!" pasigaw at buong galak na sabi ng daddy ko.

Will be married as soon as possible..

Will be married as soon as possible..

Will be married as soon as possible..

Nanlaki na lang ang mga mata ko at tumulo ng kusa ang mga luha mula rito. Parang napako na lang ang mga paa ko sa kinaroroonan nito sa mga oras na 'to. Sa pagkatigalgal ko ay dinig na dinig ko ang mga palakpakan ng mga taong naroroon. Isa isa silang nagsilapitan sa amin ni Kiefer na ngayon ay mukhang walang ekspresyon.

Lahat sila bumabati sa amin.

No, this can't be happening!

ForbiddenWhere stories live. Discover now