Chapter 8

78 44 1
                                    

"Andito na tayo." sambit niya nang makababa na siya at pinagbuksan pa ulit ako ng pinto habang hawak yung mga binili naming pagkain kanina.

Nagulat ako sa nakita ko. Wala kami sa kahit anong mall, parks o kahit restaurant. May iilang mga bahay ang medyo magkakalapit at may mga open spaces din.

"Pasensya na bunso, di kasi kita madadala sa kahit anong pasyalan. Alam mo namang hindi ako mayaman. Pero promise ko mag eejoy ka." nakangiting sabi sakin ni Ryle.

"Kuya, it's okay. I want to try other things also. Sawa na rin naman ako sa mga pinpuntahan namin ng mga kaibigan ko."

"Nandito nga pala tayo sa lugar na kinalakihan ko, tara sunod ka sakin." pagkasabi niya'y nagsimula na siyang naglakad. Sumunod na rin ako sa kaniya.

May nadaanan kaming mga batang naglalaro ng habulan, piko at chinese garter. Never kong naranasang masubukan ang mga larong Pinoy katulad nun. Mas gusto nila mom na nag-aaral lang ako sa kwarto at nagkukulong habang nagbabasa ng mga libro. Sa totoo lang, hindi ko maiwasang mainggit sa mga batang nakikita ko. Parang ang saya nila at 'yun ang kulang sa buhay ko.

Napahinto ako sa paglalakad nang bilang huminto rin si Ryle. Napasubsob tuloy ako sa likod niya dahilan para maamoy ko ang mabango niyang damit. Ang manly ng amoy niya and ang tigas ng likod ni-. Arghh erase erase Rish.

"Sorry. Di ko alam na ganyan kalalim iniisip mo para mabangga ka sa 'kin." nakangising pagpapaumanhin niya sakin.

Hindi na ko nagsalita pa dahil baka asarin niya lang ako. Pumasok kami sa isang bahay na sa tingin ko ay pagmamay ari nila. Agad ko namang nakita si Nay Nenita, na nanay ni Ryle kaya lumapit kami sa kaniya at nagmano.

"Kamusta po kayo?" magalang kong tanong kay Nay Nenita. Dati namin siyang kasambahay at naging malapit din siya sa 'kin dahil sa tagal nilang nanilbihan dun ni Ryle.

"Naku ayos naman ija, Rish ang ganda ganda mong bata at ang bait pa. Buti naman at napasyal ka dito." 

"Salamat po. Actually si Ryle po ang may ideya, Nay, pero masaya po ako na nakarating na ko rito."

"Ahh nay sila Richard po?" singit na tanong naman ni Ryle sa nanay niya.

"Naglalaro ata sila sa likod, sandali at tatawagin ko." sagot naman ni Nay Nenita.

"Kami nalang po ni Rish."

Nagpaalam na kami kay Nay Nenita at binigyan narin siya ng pagkaing binili namin bago kami pumunta sa likod ng bahay nila.

Nakita kong may apat bata ang naglalaro ng chinese garter. Dalawang babae, isang maliit na batang lalaki at isang half girl, half boy.

Napatigil sila sa paglalaro nang makita nila si Ryle. Agad silang lumapit rito at ang tatlong bata ay yumakap sa kaniya. Kapatid niya pala yung tatlo sa mga batang naglalaro. Iniabot ni Ryle ang mga dala niyang pagkain sa mga kapatid niya. Nakita kong binigyan rin nila yung isang babaeng kalaro nila. Nakakatuwang isipin na hindi lumaking madamot silang magkakapatid niya kahit pa lumaki sila sa hirap.

"Hi po ate! Gusto mo po?" nakakatuwang pag aalok sakin ng pinakamaliit na bata sa naglalaro kanina.

"Oh Rish wag mong tanggihan iiyak yan hahaha." pananakot pa sakin ni Ryle kaya tinanggap ko na yung inaabot na fries ng kapatid niya at nginitian ko siya.

"Thank you. Anong pangalan mo baby?"

"Richard po." nakangiting sagot sakin nung bata na Richard pala ang pangalan.

"Bunso gusto mo maglaro?" pagtatanong sakin ni Ryle na ikinataka ko.

"L-laro? Ng ano?"

"Chinese garter. Marunong ka ba?" nahihiyang tanong niya sakin na ikinatawa ko naman. Hindi ko aakalaing ang isang Ryle na may magandang built ng katawan ay naglalaro pala ng chinese garter. I wonder kung yun ang ginagawa niyang daily routine.

"H-hindi ako marunong eh. Alam mo namang taong kwarto at taong aral ako haha."

Natawa naman siya sa sinabi ako at tuturuan niya na lang daw ako. Nagsimula na sila sa paglalaro, hawak ni Ryle ang kabilang dulo ng garter at ang kapatid niya namang girly ang may hawak ng kabila. Masayang tumatalon patawid yung mga bata dun sa garter.

"Ate ikaw naman!" pagtawag sakin ni Richard.

"Naku hindi ko kaya yan eh." di ko naman kasi talaga kaya yun kasi hindi ko pa sinusubukan. Pero dahil nakita kong nalungkot yung mukha ni Richard ay tumayo na ko sa pag kakaupo at susubukan ko na.

"S-sige na nga." pagkasabi ko nun ay tinalon ko na yung garter na hanggang sa bewang lang naman ni Ryle.

Natuwa ako nang malampasan ko iyon. Tinawanan pa ko ni Ryle dahil halata daw na ngayon ko lang natry yun dahil may papikit pikit pa raw ako.

Masaya kaming nagpatuloy at huminto nang makaramdam ng pagod. Inabutan ako ni Ryle ng isang basong tubig at isang towel na pamunas. Agad ko naman iyong kinuha dahil nauuhaw na rin ako at pawis na pawis na rin.

Napansin kong medyo narumihan na ang puti kong damit. Hindi pala ko dapat nagsuot ng ganitong kulay. Kung alam ko lang talaga.

"Uhmm Ryle pupunta muna ko sa kotse ha, kukuha lang ako ng pamalit." paalam ko kay Ryle na ngayon ay shocks naka topless na. Ang ganda ng katawan niya shems. Di ko maiiwasang mapatitig sa perfectly built niyang katawan. Argghh Rish bestfriend mo yan!

"Hoy bunso!"

"Ha? Ah eh ano nga yon?" hala para kang tanga Rish. Di ko namalayan na nagsasalita na pala siya. Bat ka naman kasi nag topless eh huhu.

"Sabi ko, ako na lang kaya kumuha baka maligaw ka pa." mapang asar na biro sakin ni Ryle.

"Ako na!" sigaw ko sa kaniya dahilan para tumawa siya ng malakas.

"Ano ba yan Rish, para kang batang inagawan ng candy." sambit nito sa pagitan ng malakas niyang pagtawa. Aba't tinawanan pa nga ako ng loko. Dahil sa inis ko lumabas na ko ng bahay nila at dumiretso na sa kinaroroonan ng kotse.

Kinuha ko na ang damit ko sa kotse at nagbihis na rin. Bumalik na rin ako sa bahay nila at nadatnan ko namang nakabihis na rin si Ryle at may hawak siyang plastic, tape, gunting, sinulid tsaka ilang pirasong walis tingting.

"Para san 'yan?"tanong ko sa kaniya ng makalapit na ko.

"Gagawa tayo ng saranggola."

"Saranggola, as in kite?" yun ba yun? Sorry na di ko naman kasi alam yun eh.

"Oo kaya tara na." sagot niya naman sabay hila sakin palabas ng bahay.

Hila hila niya parin ako hanggang sa makarating kami sa isang open field malapit lang rin sa bahay nila. Umupo kami sa damuhan na nilatagan niya ng tela. Prepared naman pala talaga.

Nagsimula na kaming gumawa ng saranggola, tinuruan niya rin ako dahil wala naman akong alam dito.

"Gupitin mo muna yang plastic, pa diagonal lang. Gayahin mo ko." sabi ni Ryle habang ginugupit niya yung plastic na hawak niya.

Ginagaya ko lang yung ginagawa niyang paggugupit nang bigla akong masugat sa daliri ko ng dulo ng gunting na hawak ko.

"Ano ba yan, di ka naman kasi nag iingat Rish eh."  hinawakan niya yung daliri kong may sugat tapos tumayo na rin siya at naglakad.

Hala, iniwan niya ba ko?

Bumalik naman siya at may hawak na siyang mga dahon. Dinikdik niya pa iyon tapos inilagay sa sugat ko.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy kami sa paggawa ng saranggola and this time mas naging maingat na ko. Ayoko ng masaktan pa ulit.

ForbiddenWhere stories live. Discover now