Chapter 15

42 15 3
                                    

"I'll wait for you Eleana, kahit anong mangyari." rinig ko pang pahabol niya pero dumiretso parin ako at hindi nagpaapekto.

Bumalik na lang ako sa cafeteria kung saan iniwan ko ang mga kaibigan ko. Nandun pa rin naman sila at hinihintay ako. Nang mapansin nila na namumula nanaman ang mga mata ko ay agad silang lumapit at niyakap ako.

Sobrang saya ko pa rin na kahit naging masama ang ugali ko sa ibang tao ay binigyan pa rin ako ng dalawang kaibigan na palagi akong dinadamayan.

"Shh Rish, stop crying na. Sige ka papanget ka niyan." pagpapatahan sakin ni Lorraine na nagpatawa naman ng kaunti sakin.

Pinunasan ko narin ang mga luha ko dahil ayoko namang magdrama dito sa loob ng cafeteria. Niyaya ako nina Lorraine na pumunta nalang muna sa mall para daw kahit papaano ay malibang ako.

Pagkarating namin sa mall ay dumiretso agad kami sa Fun Place - isang arcade. Dito kami madalas pumupuntang magkakaibigan kapag may nalulungkot.

Naglaro kami dun, kumain sa fast food chain at nagshopping narin. Bumili rin ako ng mga art supplies ko.

Matagal ko ng iniwan ang pagpapainting dahil nawalan ako ng gana rito. Pero siguro kailangan ko munang balikan to para malibang ko ang sarili ko. And I guess maraming ideas and emotions ang lalabas sa ipipinta ko.

Binayaran na namin sa cashier yung mga napili kong art materials. Nasa worth 6000 pesos lang naman yung sakin kaya naisipan kong bayaran narin yung kina Lorraine. Well mayaman rin naman sila, pero unlike us, wala silang sariling company. Mga shareholders ang family nila sa company namin and naturuan sila ng parents nila sa tamang paggamit ng pera, while me? Isa akong malaking gastusera at walang pakialam sa pera.

Ganon kasi ako pinalaki nila mom. What I want, is what I get when it comes to material things. Pero kung yung love, time and attention nila ang hingiin ko? Walang wala silang maibibigay sakin.

After we paid all the stuffs, we have decided na umuwi na rin. Hindi na ko nagpasundo sa driver ko at sumakay na lang ng taxi.

--

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Nay Lena. Tinulungan niya ko sa
pagdadala ng mga pinamili ko at hinatid sa kwarto.

"Magpipinta ka na ulit ija?" tanong nito nang makarating na kami sa kwarto. Napansin niya siguro yung canvas board tsaka iba pang gamit na pangpinta.

"Uhm opo itatry ko lang ulit." sagot ko naman habang nilalabas na ang mga gamit ko. Hapon pa lang naman, so, medyo marami pa kong oras para magpinta.

"Uhm Nay Lena, ano pong gagawin niyo kapag bumalik yung taong nanakit sayo?" hindi ko alam kung bakit bigla ko yong natanong sa kaniya.

"Depende kung yung nanakit na yun eh mahal mo. Siguro kung babalik yung taong iyon, at mahal ko pa rin naman siya, edi bibigyan ko siya ng isa pang pagkakataon. Lalo na kung katanggap tanggap naman yung mga dahilan niya sa pag iwan sakin." sagot na paliwanag niya naman.

"Pero Nay, honestly po ayokong malaman yung dahilan niya. Baka kasi lalo lang akong masaktan."

Ayokong magtanong kasi ayaw kong may malaman. Ayokong malaman dahil ayokong masaktan. At ayokong masaktan kasi paulit ulit na lang.

"Mas mabuti nang masaktan sa katotohanan kaysa maging masaya ka sa kasinungalingan, ija" makahulugang pagpapayo niya naman sakin. 

"May kailangan ka pa ba ija? May aasikasuhin pa kasi ako sa kusina eh."

"Wala na po, salamat." sagot ko sa kaniya. Lumabas na rin siya sa kwarto ko kaya naisipan ko na ring magsimula.

Inilagay ko ang canvas board sa canvas stand na matagal ko ng hindi nagagamit. Binuksan ko ang mga pintura at inilabas ang mga paint brush.

Pinikit ko muna ang mga mata ko, pinakinggan ko kung anong nasa puso ko at kung anong dapat kong ipinta. Sa pagpikit ko ay sunod sunod na nagsipasukan sa isip ko ang lahat ng dahilan ng kalungkutang nadarama ko.

Ang pagmamahal at atensyon na pilit kong hinihingi sa mga magulang ko. Ang pag iyak at kalungkutan ng bestfriend ko. Ang pagbabalik ng taong minahal ko na minamahal ko parin.

Iminulat ko na ang mga mata ko at nagsimulang palandasin ang paint brush na isinawsaw ko sa pintura. Inilabas ko lang ang lahat ng nararamdaman ko. Nagsilbing puso ko ang paintbrush na hawak ko. Unti unti nitong ipinipinta ang lahat ng nasa loob ko.

Matapos ang ilang oras ay natapos ko na ang ipinipinta ko. Ako mismo ay hindi maidescribe kung ano ito. Kaya naisipan kong tawagin si Nay Lena, alam kong kaya niyang bigyan ng interpretasyon itong ipininta ko. Pagbukas ko ng pinto ay sakto palang papunta na rin si Nay Lena dito at may dalang pagkain.

"Nay, tingnan niyo nga po yung ipininta ko." sabi ko sa kaniya kaya agad naman siyang pumunta sa kinaroroonan ng canvas pagkatapos niyang ilapag yung tray ng pagkain.

"Ija ang gulo naman nito." diretsong komento nito sa painting ko. Kahit ako naman ay naguguluhan rin sa nakikita ko.

"Kaya nga po eh. Ano pong interpretasyon niyo dyan?" tanong ko naman sa kaniya.

"Totoong magulo nga ito. Ganito siguro ang nararamdaman mo no?" tanong niya sa 'kin kaya naman napatango na lang ako. "Pero kahit magulo, ramdam na ramdam ko rin yung lungkot na ipinaparating nito."

Hindi ko alam pero bigla nanaman akong napaiyak. Lagi na lang ba kong iiyak?

"Ija, kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo rin yan. Alam kong matatag kang bata, walang wala sa iyo yang mga problema mo." sabi niya pa na nagpangiti saakin.

"Salamat po Nay." yun na lang ang nasabi ko tsaka niyakap siya kahit may mga pintura pa ang mga kamay ko.

"Nak kung mahal ka, babalikan ka. At kung binalikan ka na, pagkakataon niyo na yun para magsimula ulit." sabi niya pa sakin habang magkayap kami at hinahaplos haplos pa niya ang buhok ko.

Isang abstract painting pala itong nagawa ko. At katulad ng abstract na to ay naguguluhan rin ako kung ano ang dapat kong gawin.

Dapat ko na ba siyang pahintulutang bumalik ulit sakin?

ForbiddenWhere stories live. Discover now